Chapter Four

5.3K 35 0
                                        

One night ay nag dinner kami sa bahay ng lolo ni dad. Tuwang tuwa si kuya Marcus dahil nangangako si lolo sa amin, na ipapamana niya sa aming magpipinsan ang lahat ng ari-arian niya. That means ako, si kuya Marcus, ang anak ni tito Jace na si ate Edna at ang magiging anak din ni tita Melody ang maghahati-hati sa kayamanan ng great grandfather namin.

Nagkakatuwaan kami sa living room at nagmamaktol si tito Jace dahil siya raw ang napasubo sa politika pero anak niya lang pala ang makikinabang. Pinaghahampas tuloy ito ng asawa niyang si tita Geraldine. Tatawa tawa lang si ate Edna na nag-iisang anak nila na nasa tabi ko na nagbabasa ng medical books. Masipag talagang mag-aral ito, nais maging doktora sa near future....

"I have great news for all of you." nakangising saad ni papa Jesse na naka-akbay kay mama.

"What is it Jesse?" tanong ni lola Rica na kasalukuyang naglalakad palapit kay lolo Renz at may dala-dalang tsaa.

"Kami ang makakarami sa mana ni lolo. Haha, buntis ang Marianne ko! Another baby boy!!" parang batang nagpa-padyak pa si papa. Si mama naman ay nakangiti sa aming lahat.

Tumayo ako at lumapit para yakapin sila. Si kuya Marcus naman ay tatawa tawang nakikipaglokohan kay lolo. Mukhang close na close ito kay lolo dahil nag-iisang lalaking apo, pero madadagdagan na nga pala ng isa pang baby boy—Boas 'junior'.

Hinimas ko ang tiyan ni mama. "Ma, ilang buwan na ba ito?" nakangiting tanong ko.

"Five months na. Akala ko nga ay tumaba lang ako kaya malaki ang tiyan ko, baby brother niyo na pala ito. Haha." puno ng saya ang mga mata ni mama habang nagsasalita.

Akala ko ay may mas isasaya pa ako, pero lalo pa akong sumaya sa balitang ito. Kelan lang ang kasal pero buntis na si mama. Nakakatuwa na magkakaroon na kami ng baby sa bahay.









Malaki na ang tiyan ni mama, kabuwanan na ng pumunta kami sa bayan na kinalakihan niya. Nagpahanda si papa at inimbita lahat ng mga kababata ni mama at maging mga dating kakilala. Parang reunion ang salu-salo at doon ginanap sa bagong renovate na bahay ng lolo at lola ko kay mama. Naroon din si tita Mariel na kasundong kasundo ko.

"Tita, kelan kayo magpapakasal ni kuya Tony? " usisa ko nang gabi na at habang nag-lalagay kami ng kobre kama sa guest room na tutulugan ko.  Kanya kanyang kwarto kami dito kase napakalaki na ng bahay nila kumpara sa dati na nakita ko sa litrato. Marami kasing naipong pera si lolo sa pagsi-seaman at bilang body guard ni mama sa New York noon.

"Hindi pa muna, sabi ko naman kasi na kapag stable na si mama Hilda, saka na kami magpakasal." sabi ni tita.

Pinakatitigan ko ito, kamukha ito ni mama pero kita sa mukha nito ang pagiging masungit. Mukha ring seryoso ito sa buhay.

"Baka naman makahanap ng iba iyang si kuya ha, tita?" pangungulit ko pa.

"Hindi yun. Mahal ako nun eh, haha. Isa pa, wala namang rason para maghiwalay kami. Noon ngang nagwo-working student ako at abala kay mama, may time parin kami para sa isa't isa, ngayon pa kayang hands-on na si ate at papa sa pag-aalaga sa kanya? Ngayon pa bang nakapagtapos na ako at iisa ang pinagtatrabahuan namin?  Kasal nalang kulang, Maxine. At willing siyang maghintay. " kinikilig na dahilan nito.

"Ah, ganun po ba—may nangyayari na sa inyo!? " bulalas kong bigla. Tinakpan nito ang bibig ko at lumingon sa pinto.

"Loka ka, Max. Papagalitan ako ni lolo mo kapag narinig niya. Isa pa'y nasa tamang edad na ako noh. Normal nang may mangyari sa amin kasi magkasintahan kami. Pareho na kaming twenty seven kaya nga sabi ko, kasal nalang ang kulang. Huwag ka namang masyadong inosente. Sila ate Marianne nga eh, kahit maaga at tirik ang araw ay may ginagawa kasama ang papa mo. Manganagnak na at lahat, sumisige pa. Haha! "

Namula ako sa sinabi ni tita. Totoo naman kasi,nasa tamang edad na siya, sila mama at papa rin. Pero kasi, kaka-sixteen ko lang...at never ko namang narinig sila mama sa ginagawa nila. Nakakahiya. 

"Ay, sorry. Bata ka pa nga pala. I shouldn't have said that. Forget  it Maxine." naiilang na saad ni tita at mukhang nahiyang bigla.  Nagkatawanan nalang kami.

"So, anong kukunin mong course Max?" tanong na naman ni tita. Nakahilata ito sa kama at mukhang itini-text si kuya Tony. Pangiti-ngiti eh..

"Ano, gusto kong kunin ang Arts and design. Siguro mag-a-architecture ako or interior designing. Bahala na. Bakit mo natanong tita? "

"Sayang, gusto ko sana na mag-education ka, tapos magiging teacher ka tulad ko. But then again, anak ka ni ate..haha. So natural na magmana kang mahilig sa arts. Eh si Marcus ba? " tanong ni tita at tumagilid paharap sa akin.

"Business ate, alam mo naman si kuya, mula ng nakasalamuha ang mga kamag-anakan namin, instant apprentice na sa mga restaurant ni papa. Haha" nakatawang saad ko.

"I see. Ang yaman na ni ate, pero in fairness, lalo siyang bumait. Dati ay lagi akong naiinggit kay ate, kase bukod sa maganda na eh, ang bait bait pa.  Feeling ko noon ay ang sama sama ko kapag magkasama kami. Pero hindi na ngayon, hindi na at matagal na akong nagmature. Alam mo bang noon ay nagworking student ako? Nung naghihirap ako kasi may sakit si mama Hilda, ang lola mo, ay nagsumikap ako at halos sa pagpapagamot ko lang kay mama inuubos ang padala ni papa Edgar. Nung mga time na iyon, natutuhan kong kilalanin ang mundo at paunlarin ang pagkatao ko. Kaya heto at naayos ko ang buhay ko. Nawala yung bad karma sa buhay ko noong kinaiinggitan ko si mama mo. " masaya si tita at open siya sa lahat ng isipin niya.

"Hindi naman nagalit sayo si mama, tita. Mahal kayo ni mama kahit anong mangyari. At mahal din namin kayo nila kuya Marcus at ng magiging new pamangkin mo. Haha" sabi ko sa kanya at nakihiga sa tabi niya.

"Tita.... " agaw ko ng pansin niya. Katext nga nito ang nobyo...

"Hmm?"

"Sa Manila ako mag-aaral ng kolehiyo. Si kuya ay sa Manila rin. Pero naisip ko, gusto kong subukang tumayo sa sarili kong mga paa."

"Pwede naman. Gawin mo, basta huwag kang mawawalan ng communication sa magulang mo. Mag-aalala si ate.".

"Sana pumayag sila noh? Kasi naman tita, kahit naman noong bata pa ako at sakitin pa ay hindi naman ako naghirap. Well, what I mean is, iba yung hirap ng sakit ko sa hirap na walang pampagamot at pangkain, hanggang nga sa paggaling ko ay sunod ako sa luho mula kanila mama at papa, maging sa ninang at mga lola at lolo. Gusto ko ring magsumikap sa sarili ko. Magkaiba naman kasi kami ni kuya eh. Si kuya, mahilig sa pera, ako naman ay hindi. Haha"

Napabunghalit ng tawa si tita. Totoo naman kasi, mahilig sa pera at lalo na sa mga babae si kuya. Akala ko inlove na sa kaibigan ko, pero wala pa silang tatlong buwan ay naghiwalay na kaagad dahil tumitingin siya sa iba. Hindi naman sikreto iyon dahil mana si kuya kay tito Jace na kambal ng papa namin. Mga babaero habang binata. Tsk tsk.

"Just made sure na kaya mo ang sarili mo. Maganda ang gusto mo, Maxxy, pero sana.. Huwag mong pag-aalalahin si ate. Alam mo naman, kahit gaano pa kasaya iyan ay mahirap ng ma-trigger na naman ang depression niya. Kapag napahamak ka or nagkasakit, maaaring magkasakit na naman ang ate Marianne. Okay? "

Nangangamba man ako dahil sa paalala ni tita ay tumango parin ako sa kanya. Nangingibabaw sa akin ang kagustuhang makapag-isa. Kailangan kong matutong maging independent.

Ewan ko ba, kung kelan nakuha ko na ang kompletong pamilya na hinahangad ko ay parang may kulang na naman sa aking pagkatao. Siguro, nasasawa na ako sa sheltered life na kinalalagyan ko kaya naghahanap naman ako ng bagong thrill sa buhay.

Siguro nga ay panahon na para maging matatag ako bilang isang indibidwal. Kakausapin ko kaagad sila mama at papa bukas na bukas din.

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon