Chapter Five

4.9K 30 0
                                        

"Ma, Papa... I want to study in Manila. Magaganda ang mga school doon eh. Nandoon din sila Jacob at Manuel.. Pati si Keirone papa.. Doon ako magka-college." sabi ni kuya Marcus.

Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan at nag-aalmusal. Si Jacob at ang iba pang nabanggit niya ay yung mga anak naman ng mga pinsang buo ni dad na kaedaran namin, mga tropa ni kuya.

"Maganda nga naman ang mga university sa Manila, Jesse anak." sabat ni lolo na pinagsasalin ng tubig si lola Hilda, grabe ang sweet nila kahit matatanda na....

"Sure, pero Marcus, magtitino ka doon ha? Wag puro gala. Remember, yung usapan natin.." paalala ni papa.

Si mama naman na katapat ko sa mesa ay inabot ang kamay kong kaliwa, right handed naman kasi ako.

"Ikaw, Max? Anong plano mo para sa kolehiyo? Patapos na ang bakasyon...." tanong ni mama.

Nakipagpalitan ako ng tingin kay tita at tinanguan niya ako. Kaya sasabihin ko na.

"Ma, I want to go too, not to Manila but to Irosa Balmosa. I want to support my own studies mama. I want to be independent. " mukhang nabigla si mama. Pero si papa ay mukhang natuwa....

"Payagan na natin Marianne, besides, tatlong oras lang ang layo ng Irosa Balmosa mula sa Lumar. Right? " tanong ni papa kay mama. Si kuya naman ay kibit balikat lang, nakuha na kasi ang gusto kaya ganyan iyan. Haha

"Fine. But kailangan mong magpa-check up before you go, just to make sure you're fine. And you'll still recieve your tuition fees. No buts. If you're going to earn money, save it or use it for your daily expenses. Ang bata mo pa, kaka-sixteen pa lang. Hindi ka pa pwedeng magtrabaho for now. And kung payagan ka roon, maliitblang ang sweldo mo." sumubo muna ito at kumain. Maya maya ay nagsalita ulit si mama.

"Maxine, make sure to always call us. And don't exert yoyrself too much. Okay? " sabi pa ni mama.

Hindi ko na mapigilang hindi yakapin si mama kaya tumayo ako para yakapin siya na nakaupo sa kabilang side ng table. Tatawa tawa naman si kuya Marcus sa amin. Tinapik lang ako ni papa sa balikat at pinaupong muli. Natapos ang umagahang iyon na sobrang saya ko.







Irosa Balmosa University

Medyo nagmamadali akong pumasok sa school, hindi pa naman officially start ng mga klase pero maraming tao dahil ngayon ang last day of enrolment. Nanganak na kasi si mama right after naming makabalik ng Lumar. Kaya hindi kaagad kami nakaluwas ni kuya papunta sa mga respective schools namin.

Tinanghali na ako sa university dahil marami pang inasikaso. Thankfully ay walang aberyang naganap sa mga documents ko at sa processing ng schedules ko for the whole semester.

Nasa canteen ako at nagtatanghalian ng marinig ko ang mga usapan ng dalawang babaeng hindi nalalayo sa edad ko.

"Oo nga, pinapapasok nga ako ni nanay. Eh kailangan pa ng maraming tauhan kasi bagong renovate yung resort. Part timers lang naman ang hanap and kailangan lang ng written consent ng mga magulang, tapos tanggap ka na. Sama ka na sa akin Lulu.. Para may pangtustos ka sa tuition fee mo. Ha?" sabi nung babaeng medyo chubby sa isa pang babae na Lulu ang pangalan.

"Gina, titignan ko pa. Kasi naman, gusto ko sana dito sa canteen magtrabaho. Alam mo namang pangarap kong maging nutritionist ehh." katwiran naman nung si Lulu.

Lumapit ako sa kanila. Simpleng tshirt lang ang suot ko at maong pants na tinernohan ng white sneakers. "Ahm, excuse me? Pasensiya na ha? Narinig ko kasi ang usapan ninyo, interesado ako sa part time job na iyan. Maaari bang sumama ako? " tanong ko sa kanila.

Nakangiting tumango sa akin yung si Gina at yung si Lulu naman ay inaya akong umupo sa tabi nila. Soon, naging magkakaibigan kaagad kami.

Si Gina ay Education ang kinukuhang course, sinabi rin sa akin na Nutritionist wanna-be si Lulu. Of course, sinabi ko rin sa kanila ang course na kukuhanin ko, Arts and design. Pero saka ko na iisipin kung magshi-shift ako sa Interior designing course after one year. That will be easy since kaya ko naman. Hindi pa naman fixed ang plano ko and maaga pa.

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon