"Sir! Naku naman! Nakuu... Sir I'm so sorry po! " hindi ako magkanda-ugaga sa pagpunas ng mukha niya gamit amg dalawang palad ko.
Kung bakit ba naman kasi inilapit niya ang mukha niya sa akin? Humawak na nga, lumapit pa ng sobra... Grabe.
"Oh, haha.. It's fine. I'm fine. " nakangiting hinwakan niya ang magkabilang palad ko at ibinaba iyon.
Sa kabila ng pagkahiya ay naramdaman ko parin yung init ng palad niya. Bakit ganun??
"I am the one who should say sorry. I startled you. I'm sorry... " he smiled again. Ngiting ngiti ito ngayon ah.. Anong meron??
"It's fine sir. " naiusal ko habang titig na titig sa mukha niya... Masyado siyamg gwapo, matipuno, mabango—amoy sinangag na maraming bawang. Haha.. Tanghali na pero sinangag parin ang order niya kanina...
"I just wanna ask, if you don't mind, miss Angel. I—uhm... What's 'M' supposed to mean?" tanong niya habang nakatingin sa nameplate kong nakaclip sa aking collared shirt, uniform ng Resort..
Iniisip ko kung magpapakilala na ako. At siguro... baka kapag nalaman niya na kung sino ako, siya na amg iiwas. Dahil anak ako ni mama.
"Maxine, sir. My name is Maxine. Maxine Boas."
He look at me straight in the eyes then smiled after a while.
"Thank you for your great service Maxine, I'm Donatello Henderson by the way. Nice to meet you. " pagpapakilala niya at inilahad niya pa ang kanyang kanang palad para makipag kamay sa akin na tinanggap ko naman.
Napatingin siya sa mga kamay naming magkadaop samantalang nakatitig lang ako sa kanyang napakapreskong mukha.. Parang walang bagyo sa labas dahil sa liwanag na nagmumula sa nakangiti niyang mga mata.....sa mga labi niyang—
"Your hand is so small against mine. How old are you Maxine?" biglang tanong niya habang nakatitig sa mga kamay namin.
"I'm eighteen sir." sabi ko.
"I see. You're way younger than me." naghiwalay ang mga palad namin. Muling nanlamig ang kaliwang palad ko na kanina lang ay nasa loob ng malaki niyang kamay.
"See you around, Angel. " sabi niya habang naglalakad palabas ng resto at kumaway pa sa akin bago tuluyang nawala sa paningin ko.
E—Angel pa rin!?
Naging masaya ang simula ng klase dahil unang una sa lahat ay magkikita kita na naman kaming madalas ng iba kong mga kaklase, at halos lahat ng professors ko ay ka-close ko.
Minsan minsan ay nagkakasabay rin kami nila Lulu at Gina, kapag free time nila ay nagkakayayaan na kumain sa canteen at doon kami nagbibiruan at nagkukuwentuhan tulad ngayong ala una ng hapon. Wala kaming klase.
"Sis, nakamiss ang resort ano? Tuwing friday to sunday lang tayo nakaka-duty." pabuntong hiningang saad ni Lulu.
"Ayos nga eh, hindi ko makikita si ano, yung intsik na bisita nila mrs. Esteban. Nililigawan ako.. Eh ayoko sa mga instik noh! Mga kuripot yun. Haha!! " sabi ni Gina.
"I agree with Lulu.. Nakakamiss nga. " sabi ko. Habang inuubos namin ang pagkain namin ay pumasok sa isip ko si Donatello.
Sabi kasi ng lalaki ay samahan ko siyang mamasyal sa susunod na weekend. Alam niya ang schedule ng pasok ko sa resort kaya sana raw ay maipasyal ko siya, sawa na raw sa tanawin sa resort..
Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
"Lu, Gina... Pakisabi kay mrs. Esteban, hindi ako makakaduty sa weekend. Sa sabado lang naman. Biyernes ng gabi at linggo ay papasok ako. " sabi ko.
"Ahm. Sige. Akong bahala. May lakad ka?" pang-uusisa ni Lulu habang bahagyang sinulyapan ako mula sa pagkain niya....
"Oo eh. " sagot ko at tumahimik lang siya. Si Gina naman ang nagkuwento tungkol sa klase niya at nawala ang hindi maipaliwanag na tensyon na saglit namagitan sa amin ni Lulu.
Sabado, alas siyete ng umaga.
Nakatayo ako sa may waiting shed dito sa labas ng resort. Naghihintay sa paglabas ni Donatello. Maaga akong umuwi kagabi pagkagaling sa duty kaya naman buo ang tulog ko.
"Hey, you're early. " nakangiting bungad ni Donatello sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti rin sa kanya.
"Not really. Let's go? Ahm.. Sir? " pahabol na tanong ko..
"Stop calling me sir. We're outside your work, besides, we're friends now. Aren't we?"
Napangiti ako... Tama... Simula ng magpakilalahan kami ay magkaibigan na kami.. Kahit mukhang hindi niya ako kilala bilang anak ni mama...
"Yes, you're right, Donatello. Let's go? " yaya ko sa kanya. Nagsimula na akong maglakad nang maramdaman ko ang palad niyang humawak sa bandang siko ko. Hanggang sa makasakay kami ng jeepney ay hindi niya na ako binitawan. Malamang ay takot siyang maligaw.
Pero hindi ko naman balak na iligaw siya. Nais ko lang ding makasama siya. Ewan ko ba, siguro naawa ako sa kanya.. Laging mag-isa.. Kailan lang kasi siya ngumiti ng totoo.....
Nito lang nung naging magkaibigan kami.
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
Fiction générale-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)