Chapter 6 "TURN ON TURN OFF"

339 12 1
                                    

Cassie's POV

Sobrang nakakainis talaga yung ginawa ni Mark last Friday! nakakabwisit sya!, di man lang nya naisip na todong effort ang binigay ko para lang maintindihan yung discussion na yun!,anong malay ko sa Architecture chuva na yan? kaya nga ako nag Accountancy dahil ayoko ng mga sukat sukat na ganyan...at drawing drawing eh! hay naku nakaka Turn Off sya! 

Monday na ngayon at parang tamad na tamad akong pumasok, ewan ko ba, siguro dahil natuturn off ako kay Mark, at ayokong tuluyang masira yung magandang image nya sakin sa loob ng walong taon na yon! :( nakakainis kasi, ba't kelangan pa mag sungit, pero yun ba talaga dahilan ko? Ba't kasi kelangan ko pang marininig yung pag Ilove you too nya dun sa kausap nya sa Phone! nakakaloka naman ako! ambisyosya masyado Cassie! Ambisyosa!

Kring...Kringg

"Good Morning, who's this?" ang aga aga naman ng tawag na 'to!

"Wow, pangprofessional kung sumagot ng phone, but in person, super clumsy.." oh no, not him,...

paano nya nalaman ang number ko!!

boses palang kilalang kilala ko na to!

gossh!!!

dapat na tuturnoff pa ko sa kanya ngayon, ba't kinikilig na naman ako! hala!!!!

ang hirap maging malandi ng palihim.... kelangan masungit kasi, nagmamaldita ka pa dahil sa scenario last Friday! masungit dapat, masungiitttt...

"Nagagalit kanaba?"

"Tawang tawa kasi ko sa itsura mo kapag nagagalit, mukhang tinapay! hahahah" anak ng tokwa! ba't sya tumatawa!

"Tumawag ka ba para mangasar? yung ba makakapagpaligaya sayo?" malambing yung pagkakasabi ko, change plan, tuwang tuwa kasi sya pag masungit ako, at ayokong pinagtatawanan nya ko, kelangan pa sweet!!!

"How did you get my number anyway?" ang arte ko shete!!!

"Is that important? I need the notes from last friday's discussion, I'll meet you at the cafe near the campus, meet me there after an hour!" ABA! ABA! ABA!, talagang demanding to ah! kung makautos 'tong palaka na to!

Para akong robot, pagka babang pagkababa nya ng phone, takbo ko sa CR naligo at syempre, nagayos at naligo ng pabango.

Kinuha ko yung helmet na nakapatong sa Ref ko then after less than an hour, nasa cafe na ko,

Am i too excited? wala pa si Mark!

Pinagtitinginan ako ng tao dito sa cafe? masyado bang makapal ang make-up ko?

or lipstick?

blush on??!! hindi ako sanay ng tinitingnan .....

"San po yung Comfort Room?" nginuso lang nung waitress yung CR,

"Shemai, kaya naman pala ko pinagtitinginan, dapat di na ko nagmotor! mukha na kong sinabunutan.." suklay, suklay... shete! ba't ngayon ko pa naiwan,,....

Cassie, palpak ka talaga, anong sasabihin na naman ni Mark! aaarrgg!!! bahala na,..

Lumabas ako ng CR, at naupo sa Table malapit sa window, table for 2 talaga yung pinili ko para solong solo ko si Mark, kaso aasarin lang ako neto.....

After sometimes, dumating na sya.

"Sobrang nagmadali kaba?I think you forgot to brush your hair! haha" mangaasar ka talaga MARK!!! 

Tumatawa tawa pa sya habang tinuturo yung buhok ko.

"Here's the notes, take it or leave it!" hindi ko na sya pinansin sa pangaasar nya,

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon