CHAPTER 25
Mula sa Garden, ay patakbo akong pumunta sa may Front Door para alamin kung sino ang bumisita sa'kin.
At bago pa man ako makapunta sa front door ay may narinig na akong familiar voice.
"Good Afternoon Cass!" bati niya habang kumakaway kaway pa.
"TIMOTHY?" chorus pa ang dalawang kapatid ko.
Nakalimutan kong nandito nga pala si Timothy sa Pilipinas, at may atraso pa ko sa kanya dahil hindi ako nakadalaw man lang sa hospital. PATAY!
"Hey Tim! How are you, OMG, is that really you??? " nakita kong nasa tabi na ni Timothy si Chelsea at kinukorot kurot ang kaliwang pisngi nito.
"Dati, para kalang barbeque stick na naglalakad ah, ngayon...."
"Chelsea stop it! Para kang sira! " suway ni Chloe.
Umupo ako sa Sala Set sa tapat ni Timothy, tapos katabi nya si Chelsea sa kaliwa, at si Chloe naman sa kanan. Edi sige, sila na ang dinalaw! Extra lang ako!
"Ang daya mo! Hindi mo ko pinuntahan don sa Ospital. I waited for you there. That's why ako ang dumadalaw sa'yo ngayon!" panimulang sabi ni Timothy.
Naguilty naman ako bigla dahil mas inuna ko pang makipagdate sa lalaking salbahe kesa bisitahin sa Ospital ang Bestfriend kong may sakit.
"How'd you know na nandito ko?" tanong ko sa kanya.
"I a-asked Gha-el, I saw her kani-na sa village eh." Sagot naman ni Timothy.
Hindi makapagsalita ng maayos si Timothy dahil sa napaka landing si Chelsea at sa mapanuring mata ni Chloe. Ang mga kapatid kong ito talaga!
"Mawalang galang na nga! Ang kulit nyong dalawa. Tim halika sa Garden." Hinila ko si Timothy at lumakad kami papuntang Garden.
Pinauna kong maglakad si Timothy at muli kong hinarap ang 2 kong kapatid.
"Sya nalang!!!" sabi ni Chelsea habang walang boses na lumalabas sa bibig nya at parang kinikilig kilig pa.
Sinenyasan ko lang sya ng suntok. At alam kong naintindihan nya na yon.
----
Nakaupo kami sa may garden ngayon at nagke-kwentuhan kami ni Tim.
He's a little different now, I don't know. Parang iba ang aura nya ngayon. Although matipuno yung katawan nya, mababakas pa rin sa mukha nya na meron syang iniinda na sakit.
"I want you to tell me honestly Tim. What happened to you? You don't look so good! I mean, may masakit ba sayo?"
"Namiss lang kita Cassie." Maikling sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.
Ano ba 'to. Parang ang awkward naman. Matagal na nakatitig lang sya sa'kin, mabuti nalang ay umeksena si Mommy na may dala dalang juice and sandwich.
"Magmerienda ka muna Tim. Alam ba ng Daddy mo na nandito ka?" Nakupo. Eto na. Nagsimula na magtanong si Mommy tungkol sa isyu nayan.
Ngumiti lang si Timothy.
"Yes Tita, actually I'm borrowing Cassie nga po sa inyo. " natatawang sabi ni Tim.
"What do you mean Tim? " takang tanong ko, pati si Mommy naguguluhan din sa ibig sabihin ni Timothy.
"Tita, I want Cassie to be my Girlfriend, I want to take our friendship to the next level."

BINABASA MO ANG
Crush 101
Teen FictionCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...