Chapter 19 "First and Last Date"

278 5 1
                                    

Cassie's POV

Narito ko sa Cafe ngayon at katatapos lang ng klase namin. Actually, minadali ko talagang makapunta dito, dahil gusto ko nang makita si Mark. Gusto kong marinig kung anong sasabihin nya. Ayokong mag assume pero masarap kasi magimagine. 

Naisip ko nga bigla yung kasabihan Love is Sacrifice.

Pero dapat may karugdong yan. Love is Sacrifice, but it's full of surpirses once you conquor it.

Parang ako. Walong taong sakripisyo ang ginawa ko. Nakuntento sa patingin tingin lang sa malayo. Hanggang sa nagkaroon ng lakas ng loob na magpapansin. At ngayon, eto na siguro yung surpises ng Love. Maganda man o hindi ang resulta. Keri lang. Dapat Keri lang.

Nakita kong pumasok si Mark sa Cafe at tila lilinga-linga na hinanap ako.

Napakagwapo nya lang sa suot nyang plain red shirt and skinny pants. Macho!. Yummy!

Lumapit sya sa'kin ng makita nya ko at naupo sa table kung nasan ako.

"Did you sleep well last night?" nakangiting tanong nya sa'kin. Enebe! sino ba makakatulog ng maayos sa ginawa mo kagabi? Ikaw ba naman nakawan ng halik ng crush mo. And take note, sa harap pa ng maraming tao. Audience impact and habol ganun?

"Yeah, why?" malanding sagot at tanong ko.

"You're lying!" may tono at natatawang sabi nya.

Nakupo. Heto na naman ba ang asaran moment na ako lang ang naaasar?

"Anong sinasabi mo jan? ba't naman ako magsisinungaling?

"Your eye bags are saying Hi to me! Should I greet them back? Oh. Hi eyebags, good morning. ang laki nyo na ah! " pangaasar ni Mark. With matching kaway kaway pa sa harap ng mukha ko.

Nasaan ang hustisya? Bakit napaka mangaasar pa rin nitong taong to, at napaka pikon ko pa rin sa kanya?

"About last night Mark, everything that you-" hindi pa man ako natatapos magsalita ay tumayo na sya at hinila yung kamay ko.

"Let's go!. Magda-date tayo.." he said.

D-A-T-E? Kami? Magdadate kami? AHHHHHHHH!!!!! gusto kong tumili ng sobrang lakas sa sinabi nya. Totoo bang magdadate kami?

"Wow ah! You're so fast. Date agad? Di pwedeng manligaw ka muna?" hindi man lang nya ko tiningnan at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang marating namin ang sasakyan nya na nakapark lang sa harap ng Cafe. Parang ready to go anytime e.

"Saan mo ba ko dadalhin? Baka mamaya itatapon mo pala ko sa Dagat dahil ayaw mo sakin. Sabihin mo lang bababa agad ako rito. Mahal kita pero mas mahal ko buhay ko!

Talagang hindi na ko nahihiyang sabihin sa kanya na Mahal ko sya. Kapalan nalang ng mukha. Daig ko pa kalsadang bagong spalto sa sobrang kakapalan ng mukha ko! hahahah

And besides, I'm confident na he also have a feeling for me. Hindi naman nya siguro gagawin at sasabihin ang lahat ng mga nangyari kagabi kundi galing sa puso nya diba? Diba? Diba?

Kahit anong tanong ko kay Mark , kung saan nya ko dadalhin, hindi pa rin sya sumasagot at patuloy lang sa pagddrive. 

"San ba tayo puputa ha Mark? Di ka sumasagot? Ano pipi lang? Umurong dila?? MARKK!!!!!" tinutusok tusok ko yung tagiliran nya para makuha yung atensyon nya. At nagtagumpay naman ako!. HAHA

"Stop poking me Cassie! It tickles! Nagdidrive ako oh. wag kanga magulo jan, magintay ka malapit na tayo!TSS"

Sungit neto. Pasalamat ka magdadate tayo kaya di ako nababadtrip sa'yo.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon