Aikee's POV
Its been a week since my breakup with Dominique, Dominique Bon Chua..,
About our relationship? well may pagkaplayboy sya, at malandi naman ako, so okay lang sakin na ganto ang setup namin, halos t'wing may okasyon lang kami nagkikita, Monthsarry, birthdays etc., akala ko matatagalan ko, akala ko matitiis ko, actually nakaya ko naman.., kaya nga ako nakatagal sa kanya ng 1 taon at 6 na buwan e,
Eto lang talagang huling pangyayari ang di ko kinaya.., :(
Mahal na Mahal ko si Dom kahit na ang pangit ng setup namin, well di kaya biro yung 1 taon mahigit na jowa ko sya, as far as I can remember, 1month ang pinakamahabang panahon ng pakikipagrelasyon ko, after that, nagsasawa ako....
----*FLASHBACK*----
"Dominique, Hon, are you goin' to pick me up or what?
"I can't Hon, not today., kelangan ko puntahan si Mommy.., sorry talaga"
"it's okay I understand" sinabi Kong okay lang ako pero ang totoo naiinis ako! Monthsarry namin pero di nya ko sinundo:( first time nya ginawa to sakin! kahit kasi playboy yun, may isang salita sya, at alam kong seryoso sya sa relasyon namin..,
nakabili na pa naman ako ng ticket ng "She's Dating the Gangster", paboritong paborito nya kasi si Kathryn eh.., at may nakaraan din naman kami ni Daniel Padilla, kaya dapat lang manood kami! Haha kaso di sya pwede.. sayang yung ticket ko :( tinawagan ko si Ghael,
sa kanya ko magpapasama
"What!? di ka rin pwede? ano bang meron sa mga nanay nyo at sila lagi ang nagiging hadlang! sige ako nalang pupunta magisa..,"
binaba ko na yung phone, di daw makakasama si Ghael dahil may sakit mommy nya:/ ayoko namang tawagan si Cassie, nagrereview ng matindi yun ngayon..,
ako nalang magisa ang manonood, sayang talaga yung ticket..,
At doon, doon mismo sa Mall, sa usapan namin mismo ni Dom, andun sya..,
lalapitan ko sana sya kaya lang biglang nilapit nya yung phone sa tenga nya.., kinuha ko yung phone ko dahil malamang tatawagan nya ko,
Isusurpresa nya ba ko? paano pala kung di ako nagpunta dito? edi nganga sya..
Kaso, may kausap na sya sa kabilang line pero hindi nagring yung phone ko, hindi ba ako yung tinawagan nya?
"Hey Babes, where are you na? nandito na ko kanina pa kita iniintay"
babes? babes?
"ah sige, mauuna na ko sa loob, alam mo naman pwesto ko, so hanapin mo nalang ako"
Ang kumag na'to, ngayong araw nya pa talagang napiling lumandi sa iba, Monthsarry kaya namin ngayon.., ang kapal ng mukha nyang babuyin yung Montsarry namin!
Susundan ko na sana sya sa loob, pero biglang nahagip ng Mata ko si Ghael, parang nagmamadali.., tinawag ko agad sya dahil parang naiiyak ako sa nakita at narinig ko
"Ghael..?"
oops I'm not expecting that reaction from her, nanlaki yung Mata nya kahit singkit, parang kabang kaba at gulat na gulat
"I thought your MOM was sick? bat nasa Mall ka?"
hindi ko na sya inurirat.., minsan talaga echusera tong si Ghael kapag ayaw nya Kong samahan.., gumagawa ng kung ano anong alibi
"I need you now Ghael! Monthsarry namin ni Dom ngayon at nakita ko sya dito na may ibang iniintay., samahan mo ko sa loob, samahan mo Kong hulihin kung sino yung kasama nya..,"
hinila ko sya at pumasok kami sa loob ng sinehan? naupo kami sa may bandang likuran kung san nakaupo si Dom.,
Ang hayop na to, talagang nakaready na pati yung popcorn and drinks nila ng kabit nya.., oras na dumating yung higad na hinahantay nya, bubudburan ko silang dalawa ng asin!
"Ghael, nakakainis talaga, makita ko lang yung hitad na yon yari sya sakin, araw dapat namin to pero mas pinili sya ng malandi Kong boyfriend na makasama ngayon, kesa celebrate yung araw nato kasama ko!"
"Baka naman may rason sya diba?"
"Seriously Ghael!? May sakit kaba? hindi yan ang response na inaasahan ko sayo! I mean sa daldal mong yan? " hinawakan ko pa yung noo nya, iba talaga sya ngayon...
"ANG LANDI NG BOYFRIEND MO! DAPAT JAN BIGYAN NG PANTY! MALANDI PA SAYO E, happy?"
Tiningnan ko sya at humagalpak kami ng tawang 2
"Now that's you Ghael, welcome back!"
----**-------
Naalala ko naman tuloy yun! Malapit nang tumulo yung laway ko, walang babaeng dumating! buti nga sa kanya..
After ng movie, nilapitan ko sya sabay tinodohan ko ng sampal, yung tipong mabibingi sya ng ilang segundo., di pa ata sya makapaniwala non..,
Malandi lang ako, pero hindi ako manhid! hahanapin ko yung hitad nyang kabit at magtutuos kami!
After kong maghimutok, nakatulog ako at umaga na nga ako nagising... Anak ng Tupa 'tong si Cassie, anong problema neto? sobrang daming missed calls ah,
She sent me 15 text messages? wow, ang sweet!
Pagbukas ko ng message, puro tungkol lang pala sa Victory Party, muntik na mawala sa isip ko yung party ah,..
So ayun, GM lang sya ng GM ng mga kalandian nya, sobrang landi nito, buti nalang hindi applicable samin ang kasabihan "Malandi galit sa kapwa Malandi!" ,
Tatawagan ko dapat sya kaso wala pala kong load, so nagonline ako tapos nagpost ako sa wall nya..
"Kapatid, Sorry, hindi kita madadaanan jan mamaya, may kailangan pa kong puntahan mamaya, medyo malalate rin ako sa Party, so gora ka na, pasundo ka kay Ghael."
tapos nagreply sya ng pangkonsensya,..
"Okay lang, magtataxi nalang ako, or rather maglalakad nalang ako, ayoko pala magtaxi, ayoko naman istorbohin na si Ghael, out of way na kasi kapag sinundo nya pa ko.. kaya ko na 'to! Thanks :("
kaya ko na to pero may sad face sa dulo? sorry talaga Cass pero di kita masusundo. haha
May pagka artista rin etong si Cassie minsan eh,
Natulog muna ako ulit, maaga pa para magprepare para sa Party.
------A/N--------
Wala pa kong maisip na mangyayari sa Party kaya siningit ko muna yung kwento ni Aikee, haha, well hope nageenjoy parin kayong magbasa!!!!
---------------

BINABASA MO ANG
Crush 101
Teen FictionCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...