Chapter 38 Selfishness.

105 3 0
                                    

3 days later

It was a successful operation for Timothy. The tumor was successfully removed from his brain, and we just need to wait for him to wake-up before namin malaman kung naapektuhan ang ala-ala nya.

3 araw na halos dito na ko natutulog sa hospital, umuuwi ako sa gabi. Tapos umaga, papasok sa school, sa hapon balik ospital.

Ewan ko ba, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Mags-stay ba ko sa buhay nila, o lalayo ako? Pipili ba ko sa kanilang 2, o mas mainam na wala akong piliin.

"Tinapay, are you okay?"

I am with Mark right now and we are on our way back to the Hospital.

3 araw na rin nga pala kaming nagsasabay ni Mark galing school, papuntang hospital.

"Mark, ikaw? Are you okay?" I asked him back.

"wh-what do you mean?" he asked. Saglit syang sumulyap sakin bago itinuon ang Mata as daan.

"are you really okay with the decision I made? I mean--"

"Cassandra, just do it. Do it for the sake of everyone. You promised Tim to give him a chance, and you need to do what you promised."

"How about me Mark? How about us? Do you think I'm happy doing this? Hindi mo man lang ba naisip yung nararamdaman ko? Kung anong sitwasyon ang tinitiis ko ngayon? Nahihirapan ako. Mark. It's you that I want! I need you! "

Itinabi nya ang sasakyan sa gilid ng daan, at saka huminto at hinarap ako.

"Cassie, we already talked about this thing remember? Why all of a sudden ganito..,"

"Mark, natatakot ako na baka hindi ko matupad yung pinangako ko kay Tim. Pero mas natatakot akong tuluyang mawala ka sakin." hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha sa mga mata ko.

He wiped the tears on my face and gave me a hug. Isang mahigpit na yakap.

"do you want to escape from this nightmare Cass?" he whispered in my ears.

Gusto kong sumigaw na OO UMALIS NA TAYO, LUMAYO TAYO MAGTAGO TAYO MAGPAKASELFISH TAYO KAHIT NGAYON LANG. But instead, I closed my eyes and feel the warmth of his embrace.

"Let's go somewhere. To a peaceful and quite place." he said.

"Sementeryo?" I said jokingly while I'm still enclosed between his arms. My arms around him. His hands gently rubbing my back

He laughed, I can feel it because his chest is vibrating. Hehe.

Now we are both laughing. Sa tingin ko, nababaliw na kaming 2.

"magpaka selfish tayo kahit ngayon lang Cassie." he said, before he kissed me on my forehead.

I just nod, closed my eyes, and feel his heart.

----

We are driving for like, 1 and a half hour already, at hindi nya pa rin sinasabi kung san kami pupunta.

"Just enjoy the view Cass!" he said to me. He opened the car Windows at inilabas ang kamay nya sa bintana.

Napansin kong wala na pala kami sa City. Hindi na parte ng Manila ito, napalitan na ng nagtataasang puno ang mga naglalakihang buildings.

Puno, bundok, palayan, taniman ng mais. Ang dami naming nadaanang taniman. Napaka presko at sariwa ang hangin sa lugar na ito.

Lumipas pa ang ilang oras ay nakarating kami sa KALIRAYA QUEZON. Nabasa ko lang sa isang barangay kaya nalaman ko kung nasaan kami.

"Hey Mark. Seriously? Quezon?"

"Daan tayo sa town proper, bili tayo ng mga kailangan para sa camping na'to." he said while looking for someone na pwedeng matanungan ng directions.

"Sobrang layo na nito. Gagabihin tayo sa pagbalik nito e."

"just calm down and trust me okay?"

"pero..."

"sssshhh"

Hindi na ko nagsalita pa dahil alam kong ayaw nya ng maraming tanong.

Makalipas ang isang oras na natapos at nabili namin lahat ng mga gamit na kailangan namin, panluto, maliit na kaldero para lutuan,mga uling, pamalit na damit at syempre mga snacks at pagkain.

4PM na ng marating namin ang Lugar na napili ni Mark.

Well, to tell you guys, akala ko sa kagubatan nya ko dadalhin dahil sa dami ng matataas na punong nadaanan namin. "hoy mark. Anong plano mo sakin? Plano mo kong salvage dito no? Kaya mo ba ko sinama dito?" I remembered saying that words to him. Umiiral na naman ang imahinasyon ko. "wag kanga o.a jan." that's the only words he said.

But after ng maraming puno at damo, ay tumambad sa amin ang napakagandang dagat, napakaputing buhanginan at mangilang ngilang puno ng Niyog.

Itinigil nya ang kotse sa malapit sa isang kubo, hindi kalayuan sa dagat.

"Mark!!! Ang ganda dito!!!!!" Tuwang tuwa ako sa nakikita ng mga mata ko.

"I know you like oceans, kaya ito ang naisip kong puntahan."

"Thank you talaga Mark! Ang ganda dito promise!" hindi pa man nya naisasara ang pintuan ng kotse ay nakatakbo nako papalapit sa dalampasigan.

Hindi ko alam kung bakit at ano ang nagustuhan ko sa dagat. Hindi ako marunong lumangoy, pero natutuwa akong pagmasdan ang mga alon na humahampas sa mga buhanginan.

Natutuwa ako dahil, kahit gaanong kalaking alon ang manggaling mula sa gitna ng dagat, ay payapa at mahina pa rin ang paghampas nito sa pangpang.

Parang Tao. Kahit gaanong galit at sakit ang meron tayo sa gitna ng pagkatao natin, nagiging payapa at mahina pa rin tayo sa harap ng mga taong mahal natin.

Parang ako ngayon.

Kahit gaanong sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sitwasyon naming 3 ni Tim at ni Mark,

Pinipili ko paring maging payapa,,at masaya sa harap at sa piling ni Mark.

Bahala na.

Sa ganitong pagkakataon, hindi ko na muna iisipin ang bukas.

Mas pipiliin kong namnamin at damahin ang dulot ng saya ng kasalukuyan.

Oo

Sa araw na ito

Ako at si Mark.

Magiging Selfish kami sa araw na ito.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon