Chapter 33 Rizal

150 6 0
                                    

Nakakainis talaga......

Walang kaabog- abog na tumayo ako sa pagkakaupo ko.

"Ah--Ouch!!" mahinang daing ni Mark.

Nakalimutan kong may pasyente pala sa balikat ko.

Kasi naman eh. Pag naalala ko talaga yung ganap na yon, kumukulo ang dugo ko. Kabanas talaga.

Yun palang sapat ng dahilan para ayawan ko sya e.

"W-What's wrong??" tanong sa'kin ni Mark habang hawak hawak yung ulo nya na bumagsak sa sofa. 

What's wrong? What's wrong nya mukha nya. 

Kahit na ilang taon na ang lumipas, nababanas parin talaga ko kapag naiisip ko yung mukha ng babaeng yon. GGGRRRRRRR.

Hindi ko na pinansin pa si Mark at kinuha ko yung phone ko sa center table at tiningnan ang oras.

Alas 2 ng madaling araw palang. Malakas pa rin ang ulan sa labas. 

Muli kong itinuon ang paningin ko kay Mark. Nakatulog sya ulit? Masama nga talaga siguro ang pakiramdam nya.

Dapat ko bang bigyang ng chance pa ang taong 'to?

Ang taong walang ibang ginawa kundi ang pasakitan ako?

Magiging masaya pa ba ko sa piling nya sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?

Sobrang naguguluhan na talaga ko. 

-----

I opened my eyes and I see the sunlight. It's already 7Am at nakatulog pala ako sa sofa. Mejo makulimlim parin ang langit pero may sumisilip na na liwanag ng araw.

I looked around just to realize na wala na pala si Mark. Umalis ng hindi nagpapaalam. Nakita kong maayos na nakatupi ang mga damit na pinahiram ko sa kanya.

I yawned and strech my body.

Napansin kong nasa akin yung kumot. Kinumutan nya ako.

Try nya kayang maging sweet sakin kapag gising ako? Haisst.

Hindi na ko nagabala pa na magalmusal, agad na  naligo ako para makauwi na sa Rizal.

---

Alas 12 ng katanghaliang tapat ng dumating ako sa bahay.

"Mom, anong ulam!? Hindi pa ko kumakain simula kagabi. Hindi  mo pa kasi ko binibigyan ng budget sa food allowance ko e. Grabe parang mamamatay na ko sa gutom :("

Tip #1 : Kapag alam mong may kasalanan ka, at tancha mong sesermonan ka, unahan mo ng magpaawa effect. Kadalasan effective.

"Halika't kumain ka muna, kare-kare ang niluto ko dahil alam kong uuwi ka." sabi ni Mommy.

o diba? epektibo ang paawa epek.

"Wow you are the sweetest talaga Mom!" sabay yakap sa kanya.

"What happened sa party?" usisa ni Chloe habang kumakain kami sa lamesa.

"Boring! As in!" sagot ko habang tuloy tuloy lang sa pagsubo.

"Carl texted me that night. Gumawa kaba ng eksena don?" pabulong na tanong ni Chloe sakin.Muntik na ko mabilaukan sa tanong nya.

"You know Carl??" tanong ko sa kanya.

"Oo naman no!! classmate ko sa clubbing yon e!!" malakas na sabi nya.

"CHLOE CASSANOVA!!! HINDI BA'T AYOKO SABING NAGPUPUNTA PUNTA KA SA MGA CLUB?" it's too late for her to realize na nasa harap namin si Mommy.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon