Oh my gee.
Sobrang nagenjoy ako sa pakikipagkwentuhan kay Ghael, nalimutan kong may Mark na naghihintay sakin.
Eh teka nga.
Bakit naman nya ko hinintay?
Baliktad naba ang mundo ngayon? Tanga tangahan na ang peg nya ngayon? At ako naman ang manhid mahidan?
Halos may limang minuto na nakatingin lang ako sa basang basang si Mark na nakatayo sa tapat ng apartment ko, bago ako nagdesisyong lumapit. Hindi ba uso magpayong? O kaya maghanap ng masisilungan? Paawa effect ganern?
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
Bahagya syang nagulat sa bigla kong pagsasalita.
"Because I promised that I'm goin' to wait for you. I wanted to talk to you for the last time."
Ngumiti sya, pero yung ngiti na may halong pain.
Hindi ko alam kung luha ba o patak ng ulan ang nakikita ko, pero sigurado akong sobrang nasasaktan sya ngayon.
Nagpatiuna ako sa pagpasok sa gate.
"Pumasok ka sa loob, ayokong dito ka pa sa harap ng apartment ko mamatay..." I opened the gate widely, and walked towards the Door. I opened it as well. "Wait for me here for a while. Wag kang mauupo, mababasa yung sofa ko!" he's standing in front of the door, soaking wet.
Am I being rude? Hindi ko lang kasi maintindihan ang kung anong pakiramdam meron ako ngayon.
"Kukuha lang ako ng pamalit na damit mo... maghahanap ako..."
Hindi ko alam kung naiinis ba ko sa kanya o naaawa na ewan ko.
After more than 10 minutes bumaba ako at iniabot sa kanya yung towel and clothes na pamalit.
"Coffee lang ang meron ako dito ngayon. At kelangan mong uminom ng mainit ngayon.."
Nagtimpla ako ng kape para sa kanya at pinagpalit ko muna sya ng damit.
Tiningnan nya muna yung mga damit na hawak nya bago nangamot ng ulo nya.
"I think I'm okay with my clothe...."
"Hindi pwedeng basa yang suot mo... k-kasi,." baka isipin nya nagaalala ko sa kanya. Hmmp.
"magkakalat ka ng basa dito sa bahay. Mahirap maglinis kaya palitan mo na yang damit mo."
"Pero kasi this is yours at parang--" tiningnan nya yung damit na iniabot ko sa kanya. Napatingin din naman ako doon.
Actually yung t-shirt ko na mejo malaki sakin ang nakuha ko, tapos shorts ko na ginamit sa play namin sa school na pa-jersey type.
Eh anong magagawa ko? Maliit akong tao, at yun lang ang available na damit sa closet ko. Magrereklamo pa ba sya?
"Wag ka na muna magreklamo ngayon, magpalit kana, pwede na yan."
Wala syang nagawa kundi tumalima.
Pumasok sya sa cr habang nangangamot ng ulo nya.
Gusto kong humagalpak ng tawa ng lumabas sya ng banyo matapos magpalit ng damit.
Yung t-shirt na malaki sakin, nung sinuot nya mistulang hanging blouse sa kanya. Sobrang fit sa kanya at halos lumabas na yung pusod nya.
Napatingin ako sa shorts.
Yung shorts na yon, halos 1 inch below the knee kapag suot ko. Pero sa kanya. halos hanggang hita nya lang.. Mas lalo pa kong natawa ng makita ko ang nakangiwi at hiyang hiya nyang mukha.
BINABASA MO ANG
Crush 101
Novela JuvenilCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...