Chapter 23 Homebound

198 5 1
                                    

Cassie's POV

It's been a week since ng breakup namin ni Mark.

Assumera man ako sa inyong paningin, wala akong magagawa, tingin ko'y ganun din. Ayun talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Parang galing ako sa breakup ng 8 year relationship. Sobrang sakit parin ng puso ko, ewan ko ba, ang o.a lang ni kupido maglagay ng lovespell sa pana nya. Tapos tinusok yung puso ko! Sana tinusok nya rin si Mark kahit konti no?

O baka naman wala kasing puso si Mark kaya hindi alam ni Kupido kung saan sya papanain? Pwede na rin sa Pwet? haha

"CASSANDRA!!"

"AY KUPIDO!!"

"Ano kaba? kanina pa ko dakdak ng dakdak dito Hindi ka kumikibo dyan? I said, nagbreakfast kanaba?"

Nasa bahay ako ngayon sa rizal dahil pinauwi ako ni Mommy kasi bakasyon naman daw. Well no choice ako.

Para sa isang STUPIDENT tulad ko na nakadepende sa allowance na binibigay ng magulang, obligado akong sumunod sa bawat iutos nila! pfft..

"Ano na naman bang iniisip mo at hindi ka makausap ng matino?" usisa nya sakin.

"nagbreak kami ng boyfriend ko, happy?A- A- Awwwccchhh! Mom!!!"

Napasigaw nalang ako sa sakit ng kurutin nya ko sa braso ko! Yung pinong kurot na mas pino pa sa pamintang durog! Argh

Bakit ba kasi sinabi ko pa yung bagay na yon.

"Ma, hindi ba pwedeng magbiro? ang sakit a!! do you believe na may jowa ako?"

"wag mo kong pinaglilihiman bata ka ha, hindi kita pinipigilan mag boyfriend, basta dapat, updated ako lagi. Ayokong sa iba ko pa malalaman."

Lumapit sya sakin saka kinuha yung suklay sa table ko at pinusod nya yung buhok ko.

"Thanks Mom :)"

muli syang bumalik sa dining area at pinaghanda ako ng breakfast. Tinawag nya na rin ang iba ko pang kapatid.

"Hoy Cassie, kumain na tayo" -Chelsea, ang bunsong kapatid ko.

"Bakla! balita ko buntis daw si Ghael, totoo ba?" -Chloe, ang ate ko.

Pasensya na kung late ko na sila naintroduce, ngayon lang ako nakauwi dito e.

Umupo ako sa dining area at kinuha ko yung kapeng tinimpla ni Mommy.

"Oo, buntis nga si Ghael, bakla. At ikaw Chelsea, wag mo nga akong hino- hoy jan! Anong akala mo magkaedad tayo? "

"eh bakit? mas matured pa nga ako kumilos kesa sayo e. ! si Mommy pa nga nagaayos ng buhok mo!" -Chelsea

Binato ko sa kanya yung pandesal na sinawsaw ko sa kape! And boom, sapol sa noo!

"Yyuuuuucccckkkk!!! Mommy si Cassie oh! huhuhu" sigaw nya habang tumatakbo papuntang lababo para hugasan yung malagkit nyang noo dahil sa kape at tinapay.

Ganito kaingay sa bahay namin kapag kumpleto kaming 3. Halos isang taon lang ang pagitan ng mga edad namin, kaya parang magbabarkada lang din kami.

"Magsitigil nga kayo! Mga dalaga na kayo ang iingay nyo pa! mga isip bata kayo!"

Pinapagalitan kami ni Mommy habang lagay ng lagay ng pagkain sa harap namin. Yung totoo? galit ba sya o ano? haha.

"Sa twing umuuwi kayo dito naririndi ang buong bahay sa ingay nyo e. " dugtong pa nya.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon