Sira ba talaga ulo nya?
Matapos nyang durugin ang puso ko, gusto nya magusap kami?
E kung sinasampal ko kaya sa kanya tong bouquet ng flower na to?
Katatapos ko lang maligo at nakaupo ako sa sofa habang inuusapan ko yung mga bulaklak na walang kalaban laban.
"Pano kaya kung naghihintay nga sya dun?" tanong ko sa sarili ko.
Cassie, don't go.
Wag kang pupunta dun.
Hindi ka naman mahalaga sa taong yon. Wala ka na rin pakialam sa kanya.
*kulog*kidlat*
"Ay jusmiyo naman! alam ba ng diyos na nagsisinungaling ako?" bulong ko sa sarili ko. Para kong tanga na nagsasalita magisa.
Alas 12 ng tanghali ng nakaramdam ako ng gutom. Arghh! Napaka automatic ng sikmura ko. Alam nya pag oras na ng kain.
Nagluto lang ako ng kung anong meron sa ref ko. Nakahanap ako ng itlog and tasty, yun nalang yung pina-nanghalian ko. Ayoko nang bumili tutal naman sa bahay din ako ni Mommy magsstay mamaya. Hanggang matapos ang sembreak.
I texted Ghael and at pupunta ko sa kanila before ako umuwi samin. Dadalawin ko ang babaitang yon. Ilang linggo ko na ba hindi nakita yun.?
Alas 2 ng hapon ng makarating ako kina Ghael. Naabutan ko si Dominique na pinaghihiwa pa ng prutas si Ghael. Hmmmm. Parang may mali sa nakikita ko ah.
"Ehemmm" sinira ko ang moment nila at tinawag ko ang atensyon nilang 2. Agad naman na tumayo si Dom at pinaupo ako sa tabi ni Ghael kung saan sya nakaupo kanina.
"What is he doing here Ghael?" umaarko na naman ang kilay ko habang nagtatanong sa kanila.
"Binibisita ko lang si Ghael at yung baby nam-"
"Hep! Hep!Hep! walang sa'Yo Dominique! kay Ghael lang ang baby na'to. At teka nga, wala kabang balak gumawa ng paraan para magkaayos kayo ni Aikee?"
"Cass-" singit na suway ni Ghael.
Agad kong dinuro ang ilong nya gamit ang hintuturo ko.
"Let me talk to him first." sabay tingin ko ulit kay Dominique. "Given na na nagkamali kayo ni Ghael ng desisyon na ginawa nyo. Wag mo na sanang dagdagan ang kasalanan mo kay Aikee. Hindi ka pwedeng mainlove kay Ghael dahil panibagong sakit na naman ito kay Aikee." nakabamewang at nakataas ang kilay na sermon ko sa lalaking nasa harap ko.
"A-ahm Dom, sige na, balik ka nalang next time. "
"Sorry Cassie kung nasaktan ko and kaibigan mo. Naghahanap lang ako ng tamang tiempo nakapagsorr-"
"Actions speaks louder than words. Hindi yan sinasabi. Dapat ginagawa." putol ko sa pagpapaliwanag nya.
Hindi ko naman sya inaaway.
Pinapaalam ko lang sa kanya na may Tao pa syang dapat hingan ng kapatawaran.
Hinila sya ni Ghael palabas at pinauwi na sya.
"What's wrong with you Cass! You are so rude!!"
Hinila nya yung ilang hibla ng buhok ko pagbalik nya galing sa labas bago tuluyang naupo sa tabi ko.
"Eh kasi, obvious na kayo! masyado kayong sweet! hindi na mukhang magbestfriend lang ang turingan nyo.."
"kahit na, dapat hindi mo pa rin ginawa yon."
"So, pinagtatanggol mo sya!? Don't tell me naiinlove kana kay Dom-"
"Ofcourse not! He's just doing that for the baby!"
"For the baby? naku! naku! naku! tigilan mo ko ng kalandian mo Ghael. Anong malay ng sanggol sa tyan mo kung sinoman ang nagsusubo ng pagkain sa malamdi nyang nanay?Aber?"sermon ko sa kanya habang magkacross pa ang dalawang braso ko sa tapat ng tiyan ko.
"Eh ano ba kasing eksena mo dito?" inis na tanong nya sakin.
"Wala, naramdaman ko lang na masaya ka kaya pumunta ko dito para sirain ang moment nyo. Hindi naman kasi ko papayag na kami Lang ni Aikee ang malungkot huh!"
"Salbahe!"
natatawang hinampas hampas at kinurot kurot nya yung braso ko.
"Stop it Ghael, baka ako mapaglihian mo. Hindi ko pwedeng maging kamukha ang batang yan. Aba sobrang swerte naman nya. "
Tulad pa rin ng dati. Puro kalokohan at walang kasense sense na bagay lang ang napaguusapan namin 3 kapag magkakasama kami.
"So yung totoo ano ngang ginagawa mo dito? you're suppose to be in Rizal right?"
"Sinamahan ko lang si Tim sa party ng friend nya."
"wait. wait. so totoo na ba talaga yan? you and Tim are dating already? omygee"
"kind of.."
"but how about Mark?"
Natigilan na naman ako. Ayoko na sanang pagusapan pa sya kaso sobrang slow ni Ghael para hindi nya magets yon. I frowned
"okay! that served as an answer!"
Napatingin ako sa kanya.
"Sorry for bringing up that topic."
"it's okay Ghael. I'm starting to convince myself na hindi talaga kami para sa isa't isa. And besides Tim was okay naman"
"Good thing na bumalik sya dito. Kahit papaano naisalba ka nya sa matagal mong pagpapantasya Jan sa walang kwentang Mark na yan."
Lahat ata sila galit kay Mark.
E kung iisipin, nakalagalit naman talaga. Hayss
Alas-6 ng hapon ng biglang magsimulang umambon. Nagenjoy ako ng husto sa pakikipagchikahan kay Ghael. Hindi ko na namalayan yung oras.
"Ghael Uuwi na ko. Rizal pa ko e."
sa totoo lang 1-2 hours ang byahe magmula dito sa Pasay hanggang sa Rizal kaya hindi ako pwede magpagabi.
"Do you have umbrella? Sabi kasi magiging malakas ang ulan maya maya. Baka ulanin ka jan."
"I have one here. Don't worry. So pano, alis na ko. See you next week a'right?"
"Okay!"
Nagbeso na ko sa kanya at nagpaalam din sa mommy nya na abala sa pagluluto sa kusina.
Magco-commute sana ko kaso panay taxi ang dumadaan kaya nagdesisyon akong maglakad nalang. Malapit lang naman ang terminal ng FX papuntang Rizal.
Hindi pa man ako nakakalayo ay naalala kong naiwan ko pala na naka-on lang yung fusebox ng apartment. Kailangan kong bumalik don para patayin yon. Kainis.
Habang palalim ng palalim ang dilim ay palakas naman ng palakas ang ulan. FishTea naman! bakit ngayon pa umiral ang katangahan Cassie..
Kahit nakapayong ako ay nababasa pa rin yung balikat ko dahil sa lakas ng ulan at hangin.
Sa wakas ay dalawang poste nalang ang kelangan kong lakarin makakauwi na ko sa Apartment ko.
Pero bago pa man ako makalapit ay may naaninag ako na taong nakatayo sa labas ng Apartment ko.
Omygosh
Not him....
BINABASA MO ANG
Crush 101
Fiksi RemajaCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...