Chapter 28

154 4 0
                                    

*SPLAASSSHHHHH*

Before I knew it, nasa Pool na ko at kumakawag kawag na parang nalulunod na baboy. Sira ang postura ko dahil sa nakakainis na babaeng yon.

At dahil din sa napakatanga kong Crush! Let her go? lalo tuloy ako napahamak! imbis na tahimik akong nakikipagnegosasyon sa babae na to.

Teka, bakit ako lang yung nalaglag? Alam ko hawak ko yung balikat nya ah? Aissshhh. 

Nakita kong isa-isang lumalapit sa amin yung mga guest, at lahat sila ay nakatingin sa'kin.

"What happened?" guest1

"O my!!!" guest2

"Is she drawning?" guest3

Potek! Mga Ate, mga kuya, hindi. Hindi ako nalulunod. Kumakawag kawag lang ako para mapansin nyo.

Nararamdaman kong malapit nang mapatid yung hangin sa katawan ko at pakiramdam ko ay mawawalan na ko ng malay. Nanghihina na rin ako dahil napapagod na ko sa pagkawag-kawag.

Hindi ako pwedeng mamatay sa ganitong sitwasyon.

Naramdaman ko nalang na may tumalon sa Pool para sagipin ako.

"Ilagay mo naman sa lugar ang pagiging clumsy at maldita mo!" bulong sakin ng savior ko.

The next thing I knew. Nakaupo na ko sa upuan na kaninang kinauupuan ko.

"What happened here?" isang matandang babae ang ngayon ay nasa harapan ko. Ito marahil ang Mommy ni Carl. or Lola? I don't know. 1 word to explain her? SCARY.

"I guess nagtatalo sila Madam" isang guest ang nagsalita na nakakita siguro sa'min ni Steph.

"Stephanie Villamayor? What on earth is this?" tanong ulit ng matandang babae, at parang nangingilid na ang luha ni Steph.

"You and your Family! Mga wala talaga kayong kahihiyan." sigaw ng Babae kay Steph.

Naawa ako sa kanya dahil parang takot na takot sya dun sa matanda. 

"Excuse Madam, I'm so sorry, but I think there's just a misunderstanding here. Hindi po kami nagaaway ni Stephanie, at aksidente po akong nahulog sa Pool. She actually tried to save me pero hindi na nya naabutan. I'm fine anyways, pasensya na po sa abala ko." nangangatog na sabi ko dun sa matandang babae. Nililinaw ko, hindi ngatog dahil sa Kaba o takot, kundi nangangatog ako sa Ginaw. Shemay, hindi ba uso Towel sa kanila?

Pagkatapos kong ipagtanggol si Stephanie, binigyan nya lang ako ng wala-akong-pakialam sayo Looks sabay inikot ang Mata at naglakad palayo. WOW! Thanks ah. Nagsibalik na rin sa pag sayaw at pageenjoy yung mga guest na nakikiusisa kanina.

"Tinulak kana pinagtanggol mo pa? Minsan ginagamit ang utak. Hindi puro puso." narinig kong sabi ng katabi ko.

Nawala sa isip ko na nandito pala si Mark, at teka, bakit basa rin sya? Sobrang dami kong gustong itanong, i-confirm, at isumbat sa kanya, na hindi ko na alam kung paano ako magsisimula.

"Oh my God Cassie!!!" napalingon ako sa tumatakbong si Timothy.

"What happened? Mark? You are both soaking wet! Anong nangyari?." tarantang taranta sya at agad na hinubad yung coat na suot nya at ipinatong sa mga balikat ko, medyo napawi yung ginaw na naramdaman ko. 

Kasabay ng pagakbay sa akin ni Timothy para alalayan ako, ay ang paglayo ni Mark sa amin. 

"Stephanie saw her here. Nagabot sila." Mark explained.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon