"HOY CASSANDRA! BAKA GUSTO MO MUNA AKO TULUNGAN DITO KESA TAKBO KA NG TAKBO JAN!"
Yes.
Oo. Tama. Takbo ako ng takbo na parang bata. Tuwang tuwa akong magtampisaw sa dagat, at hinahayaan ko lang syang iassemble lahat ng mga gamit para makapagluto. Kaya ayan, halos pumutok na yung ugat nya sa katatawag sakin.
"Habulin mo muna ako Mark! Haha" sabay belat.
SIgawan lang kami ng sigawan dito. Halos kami lang ang Tao dito sa lugar, mukha naman syang beach, may white sand, tapos dagat, of course, maraming mga puno ng buko sa paligid. Siguro private property to. Kung malilinis lang ng konti ang Lugar na'to, pwede nang maging beach resort. Astig!
Napagod rin ako sa pagtakbo at pagtatampisaw sa tubig, idagdag pa na naamoy ko yung inihaw na bangus, kaya bumalik nako sa tent na sinet-up ni Mark. Yes. May tent daw sya lagi sa car nya kaya may nagamit kami ngayon.
After namin kumain, puro kwentuhan lang kami. Sa totoo lang ako lang ang nagkkwento. Puro tango, oo, ah, ganon, tapos? Yan lang mga naiaambag nya sa kwentuhan. Okay narin, ako nalang nagkkwento, bilang madaldal naman ako at gusto kong kausap lang sya.
Pero nagkwento naman sya kahit papaano.
Nadiskubre kong pagmamayari pala ng family nila ang lugar na'to. Plano daw sana gawing beach resort, kaso lang hindi na nga naasikaso magmula ng malulong sa Casino ang Daddy nya. Na ang paglalayas ni Tim ang naging dahilan kung bakit nagkaganon ang Daddy nya. Nabanggit nya rin kung gaano kagalit ang Daddy nya sa Papa ko noon. Kung anong lagay ng Tito nya ngayon.
Syempre hindi ko na pinalampas ipakwento sa kanya yung ibang mga maliliit na bagay tungkol sa kanya.
Natuto daw syang magsayaw nang 5 years old sya. Tapos nakuha nya yung maganda nyang boses sa Mommy nya. Dati palang Singer ang Mommy nya. At ngayon ko lang nalaman na nagpapaint rin pala sya, magaling sya magdrawing, at hilig nya idrawing ang mga panaginip nya.
Libang na libang kami sa pagkkwentuhan, na hindi namin namalayan ang oras. 8 PM na ng Gabi at tanging liwanag nalang ng bonfire na ginawa namin kanina ang nagbibigay liwanag sa amin.
Nakahiga lang kami ngayon sa likod ng sasakyan nya, at tinitingnan ang mga bituin. Another prayer answered. Star gazing with him. Hihi
"Are you Happy Cassie?" hindi ko namalayang napangiti pala ako sa huling naisip ko.
I faced and answer him "I am. This scene was just in my dreams back then, but now, it's for real. But unfortunately, napakaikli ng oras na ibinigay sakin para namnamin ang mga moments na ganito." tumagilid ako sa pagkakahiga at humarap sa kanya.
Nakapatong ang ulo ko sa braso nya. We are so close, I can almost smell his mentholated breath.
"How about you Mark? Are you happy?" I asked back, still facing him. My gaze never leaving his.
He glance at me for a while, and then turned his eyes on the sky, I copied him.
"I am. Those stars as our witness.Thank you Cassandra." he faced me again and kiss me on my eyebrow.
Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng saya ang nadarama ko ngayon.
Saya na may bahid ng lungkot at pag-alala.
Saya na alam kong pansamantala lang.
Saya na panandalian lang. May hangganan, may limit, may katapusan.
Saya na panakaw, palihim, patago.
Do we really need to do this? Hindi kaya nagiging over acting lang kami sa mga bagay bagay? Bakit kaya hindi namin subukang sabihin ang totoo kay Tim? Maybe he would understand.

BINABASA MO ANG
Crush 101
Teen FictionCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...