Chapter 45 ENGAGED?

26 1 2
                                    

"tumahan ka na nga.., Hindi ako umuwi rito para lang pakinggan ang pagatungal mo! Tumigil kana and let's just drink to that!"

Totoo nga.

Bumalik na nga si Aikee. Sobrang namiss ko sya. Parang nakumpleto ulit yung sarili ko ng bumalik sya.

Miss na miss ko sya.

Naglakad kami ni Aikee pauwi sa apartment ko. Nakaakbay ako sa kanya, habang hawak ko sa kabilang kamay ko yung sandals ko.

Pagdating namin sa apartment, mga ilang minuto rin na nagpakiramdaman lang kami. Walang may gustong magbukas ng topic tungkol sa mga pinagdaraanan namin.

Gusto ko sanang ikwento sa kanya lahat ng nangyari samin ni Mark, magmula ng mawala sya, pero naisip ko, May sariling problema si Aikee na dinaranas ngayon.

"kamusta si Ghael?" sa wakas ay binasag nya ang katahimikan. "pangit naba? Tumawa sya matapos ay sinalinan ng dala nyang alak ang baso nya. "gusto kong malaman kung tumalab ba yung kulam e!" sabay tawa ng mas malakas. Alam kong nagbibiro sya, alam kong kahit galit sya, ay nagaalala pa rin sya para sa kaibigan namin.

Ayun, okay naman, malaki na yung tyan nya, mejo ang itim na ng mga batok, singit, at kili-kili nya, tapos mataba na sya. You know, in short, pangit na nga! Haha" ininom ko yung alak sa baso ko. "tumalab ang kulam, sulit ang bayad mo." pabiro kong sagot sa kanya.

Matapos ay tumawa lang kami ng halos 3 minuto. Pagkatapos ay bumalik ang katahimikan.

Nakaupo lang kami ni Aikee ngayon sa may sala, magkatabi kami, nakatingin sa kisame, nakapatong sa center table ang mga paa namin, katabi ng alak na iniinom namin, tapon tapon sa sahig yung ilang pirasong mga snacks na nahulog.

"siguro, mas okay kung hindi nalang tayo lumandi.." saad nya habang nananatili ang paningin sa kisame. "kung nagfocus lang siguro tayo sa pag-aral- gimick-chikahan routine natin noon, malamang hindi tayo mukhang tangang dalawa dito ngayon." she looked at me, I saw tears streaming down her cheeks, I felt tears on my cheeks after seeing her.

Tinuloy ko ang statement nya "kung nagfocus lang sana tayo sa pagookray ng mga suot ng bawat taong dumadaan sa harap natin, at kung nakuntento lang sana tayo sa companion ng bawat isa.." I closed my eyes and wiped the tears all over my face "hindi sana tayo umiinom at umiiyak dito ngayon!"

Is these regrets that we are realizing? Honestly, masaya naman yung nakalipas na 11 years ng buhay ko sa piling nilang 2 e. Naging komplikado lang dahil sa mabilis na pagbabago ng tadhana.

"Dom pleaded me to go back here.. Gusto nyang patawarin ko si Ghael.. Gusto nyang pananagutan yung bata.." she grabbed the drink on the table and directly drink from the bottle "gusto nyang..*singhot* pakasalan si Ghael!" matapos nyang sabihin ang lahat ng iyon, ay maraming luha ang pumatak sa mga mata nya. "mamaya na ko aatungal, kapag narinig ko na ang storya mo." she looked at me and hand me the bottle.

Ininum ko iyon bago ako nagsimula "kami na ni Timothy..." tiningnan nya lang ako, no reaction at all "pero.." tumingala akong muli sa kisame "Magkapatid sila ni Mark" I can see from my peripheral view the reaction on her face, lumagok ulit ako ng alak bago nagpatuloy "may nangyari na samin ni Mark" she gasped upon hearing that. Pumikit ako para hindi ko makita ang reaksyon nya. "pero...,*lagok* p*tang*nang yan.. Sa pangalawang pagkakataon, naloko na naman ako! *Iyak*tawa*lagok* .. May girlfriend ang loko! For 5 years! And the worst is.. *lagok* they are engaged!"

Yes. Engaged.

His Dad discussed it while we were eating dinner. They are planning to get married after graduating college.

*flashback*

"it's good to see the both of you together again, hija" we are still on the dining table and enjoying the dinner. "maybe, it's about time to settle down..," Mark looked at his Dad confused "I think, it's time for you to get married..and besides, it will also help both of our companies, Hirona." she just smiled, and looked at Mikki..

"that's a good idea Tito, but I guess Mark's not ready yet. You know, still enjoying his single life! Haha! And besides, we are still young., we still have a lot of time to.."

"no, Hirona, dad's right." he grabbed Hirona's hand, he looked around all of the people in the table, except me. "we should get married, as soon as possible."

Not wanting them, especially Mark, to see my reaction, I excused myself, pretending to answer an important call.

"Sorry Bro! Uunahan muna kitang magpakasal.." narinig ko pang sabi nya bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

*end*

Muli, bumagsak ang mga luha ko. I cried. Humagulgol ako sa balikat ni Aikee na agad na niyakap ako at sinasabayan rin ako sa pagiyak.

Truly,

Life can do terrible things.

And I hope, ito na ang pinaka worst na ibibigay nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon