-----
"Pabili po..."
Sembreak ends so fast. Grabe hindi ko man lang naramdaman.
Lunod na lunod ako sa pagiisip ng mga bagay bagay na nangyari sakin, yung pagaaway ni Ghael and ni Aikee, yung pagbubuntis ni Ghael,yung pagamin ni Mark sakin at pagiwan nya sakin sa ere. Yung pagbalik ni Timothy, yung pagpayag ko sa 1 month contract namin. Yung nalaman kong magkapatid silang dalawa, Ngayon, ano paba ang mangyayari sa-
"Pabili daw?"
"bangag pa ata"
"pfft"
Naputol ang pagmumuni-muni ko at napatingin ako sa paligid. Anong problema nila?
"Miss, pasensya kana, wala kaming paninda dito. Pumapasada lang kami.." sabi nang driver na ngiting ngiti pa..
Holy crap!! No way! No way!
Nalimutan kong nakasakay pala ako sa jeep, at ano ang sinabi ko? 'pabili po?' . Napafacepalm yung kalukuwa ko dahil sa katangahan ko ngayong umaga.
---
After ng nakakahiyang pangyayari sa jeep, sa awa ng Dios buhay pa naman akong nakababa at nakarating sa destination ko.
Itong Campus na'to.
Ang mga alala ko rito ang nagturo sa'kin kung paano maging malakas. (ARTE!!)
Dito ko rin halos natutunang mahalin ng bonggang bongga si Mark.
Dito ko narealize na I can really love unconditionally, kahit walang kapalit, kahit walang mapapala.
Napabuntong hininga nalang ako.
Noon, masaya akong pumapasok rito kasama yung 2 bestfriend ko.
Pero after 3 years ko pala rito, ako nalang pala magisa ang makakatapos. Geeez.. I really missed them.
"Hey CC! you alone?" bungad ni Nico sakin.
"Mukha bang may kasama ako? May nakikita ka ba?"
Lumingon lingon sya sa paligid ko.
"Wala naman..." gantong tipo ng mga tao ang masarap itapon sa ilog eh. Annoying!!
Lumapit ako sa kanya saka ko tinuro yung ulo nya.
"Hindi mo ginagamit? Benta mo na!!!" sabay talikod.
"CC naman, ang yabang mo sa'kin...Hinanap kita kasi pinapatawag ka ni Ms. Calderon, pumunta ka daw sa office nya after ng class mo."
"Bakit daw?"
"I don't know, and I don't care!" sabay tinalikuran ako ng luko lukong si Nico at umalis.
-------
"Ms. Cassanova, I just wanna congratulate you for your previous performance nung nakaraan with Mr. Villamayor. Here, take this as a token of appreciation. Dahil sa pinakita nyong dedication na 2, nakapasa si Ghael, and si Mark sa mga subjects nila. "
iniabot nya sakin ang isang pakudrado na bagay na nababalutan ng gift wrapper.
"Oh Mark, buti dumating ka rin, heto ang para sa'yo."
Napalunok ako at napapigil ng paghinga.
Nandito rin sya?
After kasi nung incident ng bagyo, hindi ko pa sya nakita ulit.
Kinakabahan na naman ako. Para na naman akong timang. Nakakinis.
Narinig ko ang mga papalapit na yabag at mas lalo akong kinabahan nang naramdaman kong halos magtama na ang mga balikat namin.
BINABASA MO ANG
Crush 101
Roman pour AdolescentsCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...