2:50 AM
Nagising ako sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. Someone's calling me.
I checked my phone, and it was Mark.
Nakaramdam ako ng kaba. Sa mga sandaling to, isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit tatawag sya ng ganitong oras. TIMOTHY.
Nanginginig na kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag.
"He-llo?"
"Sorry if I wake you up Cassie, but please, we need you here. Timothy collapsed. Nandito kami ngayon sa ospital...." Hindi na natapos ni Mark ang pagpapaliwanag sakin, bagkus mga iyak at hikbi sa kabilang linya ang tanging narinig ko. Marahil ang Mama nila iyon.
Kahit na nanginginig ako sa nerbyos, I composed myself at pinilit tumayo sa higaan ko para puntahan and ospital kung nasan sila.
3:30 AM
Nakarating ako sa Ospital, sakay ng taxi. Yup! . Taxi. hindi ko alam kung paano ko nagawang sumakay don, nangingibabaw kasi ang pagaalala ko kay Tim. at, Kay Mark.
Sinalubong ako ng malungkot na ngiti ni Mark.
"what happened?" I asked "is he okay now? where is he?" sunod sunod na tanong ko.
But after seeing his reaction, kinalma ko ang sarili ko. Ayokong magpakita ng kahinaan at kaba kay Mark ngayon. Baka makadagdag lang ako sa alalahanin nya.
"Are you okay Mark?" I walk by his side and tapped his back. "don't worry, everything will be alright." he just gave me a bitter smile, before we proceed to Tim's room.
I hate hospitals as much as I hate Taxis. I find them, suffocating. But, para sa magkapatid na'to. Nagawa ko ang mga imposible sa buhay ko. JUSME!!!!
We are already in Tim's room. He's Mom sleeping beside Tim, na kasalukuyang natutulog ngayon. Maraming nakalagay na kung ano-anong oxygen hose na nakasalpak sa ilong nya, dextrose sa kamay. Mga apparatus na marahil tumutulong sa kanya.
Hindi ko kayang tingnan sa ganitong sitwasyon si Timothy. Naaawa ako sa kanya.
These past 3 weeks na magkasama kami lagi, hindi ko sya kinakitaan ng anumang panghihina, o paginda ng sakit. Hindi ko naisip na ganito na pala kalala.
Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. I looked away, ayokong tingnan sya ng ganito.
"Don't cry Cass, you are here to help him, remember? Don't show him you're crying. He'll probably hate that. Be strong for him. Please?" Mark said in a low voice.
Pinilit kong pigilin ang emosyon ko. Tama sya, nandito ako para tulungan si Tim. Para kumbinsihin sya, na 'wag sumuko at ipagpatuloy pa ang buhay nya. I'll be strong for him. He's my Bestfriend. He needs me. I need to be strong.
5:00 AM
"Hija...." nagising ako mula sa pagkakaidlip ko ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko. It was their Mom.
"Tita.." I don't know how I will call her. This is the first time na nakita ko ang Mommy nila. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Wala si Mark.
"Thank you for being here. for Timothy." she smiled, and then she looked at Tim. "maybe you're wondering why you need to be here. Alam naming.., ikaw lang ang makakapagpabago ng isip ni Timothy..." tears run down her face while still looking at Tim. "Please. Stay by his side. Convince him. Of all people, ako ang lubos na nakakaalam kung gaano ka minamahal ng anak ko. He loved you the moment he first saw you. He silently loved you, and still, loving you until now. " this time, kinuha nya ang mga kamay ko at patuloy na umiyak "You are the last hope we have para mabago ang desisyon nya. Bata pa ang anak ko... marami pa kong mga pinangarap para sa kanya.... para sa kanila..I know, this is unfair to you. But please, please.." tuluyang napahagulgol ang Mommy nila.
BINABASA MO ANG
Crush 101
Ficção AdolescenteCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...