Chapter 37 Who?

85 2 0
                                    

"Really?!?"

Bulalas ng Mommy nina Tim ng marinig ang balita nito. "Thank you Son! Thank you for giving yourself a chance." sabay ang pagakap nito kay Timothy.

"Si Cassandra ang dapat pasalamatan nyo Mom. She gave me reason to live." he said and throw a wide smile at me.

"Thank you Cassandra." it was their Dad. He's also here.

"wala po iyon, konting takot lang po jan kay Tim, titino isip nyan." pabirong sabi ko.

Mark is also here, he's not even looking at me. What's wrong with him? Hinihintay kong tapunan nya man lang ako ng tingin, ngunit, wala. Maybe he's hurting too. Maybe he has already a clue kung anong kondisyon ang binigay ko para mapabago ang desisyon ni Timothy.

"Cassandra, can I talk to you for a while?" their dad said to me.,

Kinabahan ako.

Alam kong malaki pa rin ang galit ng daddy nila sa family ko. Kaya what would be the reason para kausapin nya ko privately?

"Dad.." sabay na sabi ng magkapatid.

"Don't worry, I won't hurt her ,sons!" sabay ngiti.

----

"Once again, I wanted to thank you for doing this." panimula nya. Narito kami sa labas ng hospital ngayon, sa parking to be exact.

"wala po iyon, bestfriend ko po si Tim, kaya gagawin ko po ang makakaya ko para sa kanya."

"even if you love my other son? Mikki?" he asked seriously.

I was so shocked, I don't know how to react. How did he know about that?

"I know because Mikki is my son, alam ko kung kelan sya nasasaktan at nahihirapan. I talked to him Last week, he confessed to me everything. And now, he's hurting, but for Tim's sake, ginawa nya ang impossible para sa kanya. He set aside his own feelings, para sa kuya nya. Hindi ko dapat sinasabi sa'yo to, pero alam kong dapat mong malaman. "

Hindi ko malaman ang sasabihin at gagawin ko.

"I''ll ask you one last time, hija." he paused for a while and throw his cigar on the sand. "are you sure about your decision? Are you willing to sacrifice your feelings for Mark., for Timothy's sake?? They are both my son, and I don't want to see the both of them, hurting." he said.

He's standing in front of me, his hand on his pocket.

"I'm hurting too Sir. Parehas po silang mahalaga sakin..., parehas po silang may malaking parte sa buhay ko..."

"but how did you come up with this decision?" he asked looking straight into my eyes

"Because..." I looked into his eyes "Mark pleaded me to do it. And because I love him. I'll do anything he wish. Anything that can make him happy."

"do you think his happy now?" tumalikod sya sakin "he's in pain.., he's crying to sleep everynight. Habang maaga Cassandra, I want you to think all over again and then, decide. If you chose Tim. You'll stay. If you choose Mark., well I guess I need to keep Tim away from the both of you. No matter what decision you make, both of my son will be hurt. I know you are too. Just think of it again." he walked near me, and tapped my shoulders.

"Mauna na ko sa loob hija.., and oh..? Just to clear things about your dad..,Galit ako sa ginawa nya, pero hindi sa kanya. Hindi sa inyo. And besides, sa palagay ko, nakamo've-on na rin ang kapatid ko sa nangyari. Dapat siguro ako rin."

He smiled and walk away.

After 5 minutes bumalik na rin ako sa loob ng hospital.

"mas magiging maayos ang lahat kung mawawala ka nalang sa paningin ko!" narinig kong sigaw ng isang babae, kausap nya marahil ang boyfriend nya.

"kung hindi pa maoospital ang kapatid ko, hindi ko malalaman na niloloko nyo ko!!" sabi ulit ng babae. At gumagana na naman yung pagkachismosa ko dito. I am actually walking slowly, para marinig ko ang pinaguusapan nila.

"hindi ka pwedeng magmahal ng pantay sa 2 Tao. Laging merong mas lamang. Kaya mabuti pa, umalis kana lang.., mas pipiliin ko ang kapatid ko kesa sa taksil na kagaya mo."

Nanlaki ang mga mata ko, at parang natauhan ako sa sinabi nung babae. Nakita ko ang sarili ko sa sitwasyon nilang 2.

Hindi ako pwedeng magmahal ng sabay, dahil hindi ko mabibigay ng pantay ang pagmamahal ko sa kanila. Mahal ko si Timothy bilang kaibigan, mahal ko si Mark bilang..., lalaking makakasama ko hanggang pagtanda ko.

Kung pipili man ako ng isa sa kanila, maaring masira ang relasyon nila bilang magkapatid, and I don't want that to happen.

Pero nangako ako kay Timothy, hindi ko sya iiwanan.

Nangako rin ako kay Mark, na patuloy ko syang mamahalin.

Kung mananatili ba ko sa buhay nilang magkapatid may magandang maidudulot ito?

Kung aalis ba ko, at lalayo, makakatulong kaya?

Habang tumatagal, mas lalong nagiging komplikado ang mga bagay.

Nahihirapan ako :(

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon