Chapter 17 "Performance"

244 6 2
                                    

CASSIE'S POV

7PM na at nandito ko ngayon sa isang Japanese Restaurant na sinabi ni Tim na meeting place namin.

O well, hindi ko nabanggit sa inyo na favorite ko rin ang Japanese Foods. Although kahit ano, basta food paborito ko! haha

Pagpasok ko palang, isang napakagandang ngiti na ang sumalubong sa'kin mula sa isang lalaking nakaupo malapit sa bintana, kung saan kitang kita mo yung mga sasakyan sa labas.

Nakakunot yung noo ko dahil hindi ko sya kilala, Sya ba si Tim?

Matagal ko syang tinitigan bago sya tumayo at tinawag ako.

"Cassie,Over here!"

Santisima! Si Timothy nga.

Parang isang napakagandang tanawin na kumakaway kaway sakin ang isang anghel na bumaba sa lupa para ilibre ako ng Japanese Food.

Parang gusto kong magtaksil kay Mark kahit ngayong gabi lang.

Naka Kakhi sya na coat at merong white shirt lang sa loob, yung buhok nya, medyo mahaba na dahil natatakpan na non yung mata nya, yung nagniningning na mga mata nya. Tapos yung ilong nya, sobrang tangos na parang nahiya naman yung ilong ko. At ang Labi, ampi! Panalo......

"TIMOTHY????"

Nakangiti akong lumapit sa kanya, tapos he hugged me. Syempre yung yakap na pangkaibigan ah. Walang malisya, namiss nya ko, namiss ko rin naman sya. So walang masama dun diba?

PERO SYEMAY! ANG BANGO NG LALAKING 'TO! HEAVEN!

I can also feel his muscles habang magkayapos kami. Haha, Ang manyak ko ata ngayon.

Umaasa akong hindi na makakarating pa kay Mark ang tungkol sa yakapang ito.

Pagkatapos ng yakapan, haha, naupo na kami, at tulad ng dati, napaka gentle man nya pa rin, pinaghila nya ko ng bangko at pinaupo.

"Hey Tim! Baka gusto mong tanggalin yang coat mo! nasa Pinas kana! wala ka sa snow! Hindi kaba naiinitan?"

Paraparaan lang yan mga girls.

If there's a will there's a way.

"Ow, haha, hindi mo talaga pinalampas 'tong suot ko ah. Fashion police ka pa rin ah" sabay tanggal nya nung coat nya.

Oh my Tinapay.

Ang maskels. Ang biceps, dapat makita ko sila! hahaha para mas Yummy!

Hoy Cassie, maghunos dili ka, wag kang magtaksil kay Mark.

Eh kasi naman,.. ang laki ng pinagbago nitong si Tim, lampayatot lang 'to noong highschool kami at wala talagang kadating dating. PFfft. Pero ngayon. Juice Colored!

"I ordered your favorites, Sushi, Ramen, Rice Balls, Yakisoba and lahat yan ubusin mo. Haha. Namiss ko panooring kang kumain eh".

Kilalang kilala ko netong si Tim. Alam na alam nyang mahina ako pagdating sa pagkain.

Lalo na yung dumating yung mga inorder nya, ay grabe. Halos wala nang space sa table namin dahil sa dami ng inorder nya.

"You're always on the right timing Tim, hindi pa ko kumakain since lunch, dahil sa practice ako ng practice ng sayaw. Grabe ang sakit nga ng katawan ko."

Natawa sya at takang tumingin sakin.

"Sayaw? Seryoso ka jan?"

"Yeah I know mahirap paniwalaan, pero no choice kasi ko eh. Kelangan kong gawin to para hindi bumagsak si Ghael. " sabi ko.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon