Chapter 41 dinner

45 4 1
                                    

1 MONTH LATER

Ilang linggo na ang lumipas magmula ng nagpunta kami sa malayo ni Mark.

3 linggo na rin simula ng nagkamalay si Timothy.

3 Linggo ko na ring hindi nakikita si Mark. Ang huling pagkikita namin ay yung nasa Hospital pa kami, na hindi man lang nya ko kinausap ng matino. Nasaan sya? Kahit sa school hindi ko na sya nakikita.

Kinapalan ko na nga ang mukha kong magtanong kay Anna the Nurse, kung nasan sya eh.

"Wala rin akong idea Cassandra eh, 3 weeks na syang hindi pumapasok."

Nasan na kaya sya? 'wag nyang sabihing gusto nyang tapusin ang kalokohan namin. Hindi pwede. Sinuko ko na ang bataan. Tapos ngayon pa sya matatakot? maguguilty? mako-konsensya?

Naglalakad na ako papunta sa parking lot ng school, uuwi na naman akong hindi sya nakita. Uuwi na naman akong si Timothy ang kasama.

Oo, araw araw, hatid sundo ako ni Timothy.

Grabe, parang tino-torture ko ang sarili ko sa mga pinag-gagawa ko e.

Sa 'twing kasama ko sya, wala akong ibang gustong itanong o pagkwentuhan namin kundi si Mark lang. Awkward naman kung gagawin ko yun diba? Pero nagaalala kasi talaga ko e.

Ang usapan namin, we will gonna continue what we started, we will gonna tell Tim the truth about us. Pero bakit nawawala sya?')

"Cass do you like to change your uniform into something appropriate first? or gusto mo diretso na tayo sa bahay namin?"

"Ha?W-what do you mean?" really. I don't know what he's talking about. I am already in the parking lot, kasama si Timothy. Nakaupo na ako ngayon sa tabi ng driver seat.

"You're spacing out again Cass.. are you okay?" nagulat ako ng biglang inilapit nya ang katawan nya sa'kin, para abutin ang seatbelt at ayusin ito para sa'kin. "Don't tell me you forget about later?" he asked again. I remained silent. I really can't remember anything about 'later'. He pout when he saw my confused reaction. "Today is my Parents Anniversarry. They invited you for Dinner. " he said while holding my chin and softly moving it sideways

"Oh! Sheet! That!!!" now I remembered. Sobrang occupied ng isip ko. Nalimutan kong may Dinner nga pala kami sa bahay nila ngayon. I bit my lips and smiled playfullly. "Yeah, honestly, haha nalimutan ko. Sorry Tim." now, it's his turn para hindi umimik. "Daan muna tayo sa Apartment ko, para makapagpalit ako ng damit, and after that, diretso na tayo sa bahay nyo." I smiled again widely at him.

Sa totoo lang, nabuhayan ako ng loob.

Gaganapin sa bahay nila yung dinner. So ibig sabihin, kasama ko ang Family nila. At kapag sinabing Family, kumpleto. At kapag kumpleto, ibig sabihin, nandon si Mark.

So ganon na nga ang ginawa namin. Dumaan lang kami sandali sa apartment, nagpalit ako ng damit, nagretouch, nagbaon ng maraming lakas ng loob, tapos diretso na kami sa bahay nila.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ko ang pagbukas ng gate nila para makapasok ang kotseng dala ni Timothy. Gosh! bakit ganito ako? Nakakainis.

Sa wakas ay nakapagpark na si Timothy. Agad syang bumaba, at pinagbuksan ako ng pintuan at inalalayan sa paglabas. Such a gentleman.

Paglabas na paglabas ko palang ng kotse, sinalubong na ako ng malawak na ngiti ng Mommy nila. At sa may likod ng Mommy nila , ang Daddy nila na nakangiti, pero iba ang tingin sa'kin.

Nakaramdam ako ng kaba. Alam nya ang tungkol sa amin ni Mark. Alam nya na rin kaya ang nangyari sa amin ni Mark? Na.... na....

"Hija, Cassandra come here.", naputol ang pag iisip ko ng bigla akong tawagin ng Mommy ni Tim at marahang hilahin ako papasok ng bahay nila.

Pagpasok, ay agad nya akong pinaupo sa Sofa, sa Living Room. Pinakuha nya ng suklay at Pony ang maid nila,

"Tita, naku!!, ako na po, nakakahi.." nabigla ako ng bigla syang lumapit sa'kin at suklayin ang buhok ko. Nakaramdam din ako ng hiya, dahil alam kong hindi na naman ako nagsuklay buong araw. "It's okay Hija, you know, I love doing this. Well, nakikita mo naman, dalawang Prinsipe ang anak ko, so hindi ko nagagawa sa kanila ang ganitong mga bagay. Hayaan mo na ako.".

Oo nga naman, 2 lalaki ang anak nya. At parehas pang gwapo. So obviously, hindi nya nga magagawang ayusin ang mga buhok nila. Haha.

Biglang pumasok na naman sa isip ko si Mark. Ang prinsipeng si Mark. Nasan na ba sya?

"Yan, I'm done." she said while twisting the ponytale on my hair ending. Lumakad sya sa harapan ko at sinuri ang ginawa nya sa buhok ko "You look Gourgeous" she said.

"Is Mikki not arriving yet?" tanong ng Daddy nila na ngayon ay nakatayo sa may Front Door nila. Hands on his pocket.

"They're on their way na daw. Let's just wait for them a little more, before we eat. Mas masarap kumain kapag kumpleto tayo." nakangiti at masayang sabi ng Mommy nila.

Them? May kasama sya? San sya galing? Hindi naman sya pumasok kanina ah. Ano ba 'tong si Mark. Nakakainis na talaga a.

"Are you okay Cass? " it's Tim. Marahil nakita nya ang nakakunot kong noo. "Mom's right. You look gorgeous." he said, he sit beside me, and slowly put his hands around my waist. He rest his head on my shoulder. "When the sun dies, and the stars fade from view, our love will remain real and true" i looked at him with my eyes wide open, he's singing Miley Cyrus "FUTURE", natawa ko sa ugaling yon ni Tim. Mahilig syang kumanta habang nakahiga sa balikat ko. Tinusok ko yung tagiliran nya dahil out of nowhere, yun yung naisip nyang kantahin, napasigaw sya ng mahina dahil sa pagkakiliti."What's wrong with that ? Maganda naman ang kantang yon ah? " sabi nya habang ginagantihan ako ng kiliti. Yes. Naghaharutan kami. Sanay ako sa pakikipagharutan sa kanya. Gawain namin 'to since Highschool. Kahit papaano rin, nawala yung kabang nararamdaman ko kanina pa.

Still chuckling and tickling each other, "Mikki's here!" his Mom announced. Napatingin kami parehas sa pintuan kung saan hindi naming namalayang nakatayo pala si Mark.

"Sorry Mom, we're late." he said.

"It's okay, I understand, ganyan talaga kapag babae ang sinundo."

What?

Babae? Sinundo?

Can anyone explain everything to me?

I'm really..., really confused right now.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon