------(A/N)----
Eto na ang POV ni Mark after ng ilang chapter ng pananahimik. haha
------------
MARK'S POV
*BACKSTAGE*
Nasa backstage kami ngayon at katatapos lang ng performance namin.
Handa na ko.
Ipagtatapat ko na kay Cassie na gusto ko rin sya. Gusto ko rin sya hindi dahil nalaman kong ako ang lalaking mahal nya. Gusto ko na sya bago ko pa man madiskobre ang katotohanan.
Lalapitan ko sana si Cassie, na ngayon ay kausap ni Prof., kailangan namin makapag-usap.
Hindi pa man ako nakakahakbang, nakita ko ang driver namin at sinusundo ako. Lumapit ako sa kanya at kinausap sya.
"Anong ginagawa mo rito Manong? Diba sabi ko 'wag mo kong susunduin?Dahil kunyare nga sira yung kotse ko!"
"Sir Mark, pinapasundo po kayo ng Daddy nyo. Nasa Ospital po kasi sila ngayon dahil po sinugod nila ang kapatid nyo kani-kanina lang." mahinahong sabi ng Driver.
Si Timothy? Umuwi sa'min? At baki't nasa Ospital sya.
Sa taranta ko, hindi na ko nakapagpaalam kay Cassie, at sumama na ko papuntang Ospital.
Bakit ganon? Kung kailan handa na kong magmahal. Kung kailan handa na kong sabihin rin kay Cassie ang tunay na nararamdaman ko, saka pa magkakaroon ng ganitong pangyayari? Alam kong kapag nakita ko si Timothy, muli akong maguguluhan sa nararamdaman ko.
Umuwi sya ng biglaan ng hindi man lang nagsasabi sakin.
Paano kapag malaman nyang nahanap ko na pala si Cassie? Anong gagawin ko?
Narating namin ang Ospital at agad kong pinuntahan ang Private Room na sinabi sakin ng Driver.
Pagpasok ko ay saktong naabutan ko ang Doctor na kausap sina Mom and Dad.
Nakita kong mahimbing na natutulog si Timothy, meron syang dextrose at oxygen na nakakabit sa ilong nya.
Anong nangyari sa kanya?
"Mr. and Mrs. Villamayor, your son needs to be treated. He has Brain Tumor. That's the reason why he's having headache and seizure." attending Doctor said.
"What? Doc I can't understand, Brain Tumor? Kailan pa yan Doc? " naiiyak na tanong ni Mommy, pati ako parang gulat na gulat sa mga narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"You mean, hindi nyo pa pala alam na may sakit ang anak nyo?. We've made thourough Tests and we confirmed na meron nga syang Tumor sa Utak, and it's getting bigger. If maghihintay pa tayo, baka hindi na natin maisalba ang buhay ng anak nyo. We need to operate and treat him immediately, we are running out of time. I'm giving you 1 month to decide Ma'dam, after that period, I need a decision."
"Doc, ano pong dahilan ng biglaan nyang pagkakaroon ng tumor sa utak? " nanginginig ang boses ni Daddy habang nakaharap sa doctor.
"Nasangkot po ba ang anak nyo sa isang aksidente? o anumang pangyayari na nauntog o napuruhan ang ulo nya? Malaki kasi ang posibilidad na yon ang naging sanhi kung bakit sya nasa sitwasyon na ito ngayon." paliwanag ng doctor.
Bigla kong naalala yung nangyari saming aksidente ni Timothy habang sakay ng Bike. Naka angkas lang ako at siya ang nagddrive. Sobrang kinukulit ko sya non na paangatin yung unahang bahagi ng Bike dahil natutuwa lang akong gawin yon. Sa kakukulit ko sa kanya ay hindi nya napansin ang paparating na sasakyan kaya bumangga kami dun. Pero nakabitaw agad ako sa kanya kaya hindi ako napuruhan, pero si Timothy, nauntog yung ulo nya sa semento at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Crush 101
Teen FictionCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...