CHAPTER 21
MARK’S POV
“Forgiving you is my gift to you. Moving on is a gift for myself. Quotes ulit yan,nabasa ko sa FB.”
Ito yung huling text na nareceive ko galing kay Cassie, pagkatapos ng ‘Date’ namin. Akala ko okay lang sya.
Ang tanga ko para isiping okay lang sya.
I dialed her number many times now, since I received Ghael’s text and call. She’s not answering. Sana naman walang mangyaring masama sa kanya. Hindi ko ata kakayanin na mapahamak sya dahil sa’kin. Sobra na yung sakit na naibigay ko sa kanya.
Narating ko yung mismong Bar na sinabi sa’kin ni Ghael at agad akong lumapit sa entrance para pumasok at hanapin si Cassie.
“TONIGGGGGHHHHTTTT WEEE AREE YOOOUNNNGG!!! ” malakas na pagkanta ang narinig ko mula sa tapat ng bar. At kilala ko ang boses na yon.
“Sa labas ka nalang maghintay Miss. Masyado kanang nakakaperwisyo sa ibang costumer namin. Umuwi kana… Bwisit!!”
Nakita kong kinakaladkad nila si Cassie papalabas ng Bar.
“Hey Dude! Hindi naman ata tama yan, bitiwan nyo nga sya. ”
Lumapit ako sa mga bouncers at inalis ko ang pagkaka kapit nila kay Cassie.
“Kaibigan mo ba yan? Iuwi mo na yan. Iinom inom hindi naman pala kaya!”
Agad naman silang umalis at pumasok sa loob ng Bar pagkatapos akong pagalitan.
“Cassie. Are you okay? ”
Nakatayo, nakabagsak ang mga balikat at nakayuko ang ulo, gulo-gulo ang buhok, hawak nya sa isang kamay nya yung pouch, at sa kabilang kamay naman yung Heels nya.
Mabuti at hindi sya naka-dress ngayon. Pink na sweatshirt and shorts ang suot nya ngayon.
Sa totoo lang, marunong pumorma itong si Cassie. Maganda, sexy, kung hindi ko nga lang sya nakilala bilang clumsy, iisipin kong model sya.
Pero ibang iba yung itsura nya ngayon.....
Sandali ko syang tinitigan at sobrang nainis na naman ako sa sarili ko.
Hindi nga siguro ako marunong magmahal dahil hinayaan kong kagkaganito ang babaeng gusto ko. Gustong gusto ko.
“Cassie! Let’s go ! Ihahatid na kita”, kinuha ko yung kamay nya para alalayan sya maglakad, pero hinila nya yung kamay nya at binawi nya sa pagkakahawak ko.
Tiningnan nya lang ako sabay nagpatuloy sa pagkanta.
“TONIGGHTTT!!!!!!!!WE AARREE OUUUNGGG!!!! SSHOOO LETSS SHET THE WORLD ONN FFAAAYYYERRR” kumakanta sya habang tumalikod at naglakad papalayo sa akin.
“Cassie, what are you doing? You look Pathetic! Ayusin mo nga yang sarili mo!”. Alam kong kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganito, pero hindi dapat nya hinahayaang magmukha syang tanga at kawawa.
Nakita kong humarap sya ulit sa direksyon ko at biglang sumalampak sya ng upo sa kalsada, at saka hinagis yung heels na hawak nya papunta sa’kin. Kinuha nya pa yung heels na nakasuot sa paa nya at binato ulit ako.
Parang batang inagawan ng kendi. Ganya ko sya mailalarawan ngayon. She’s pointing her finger on me and she’s cursing me.
“H-hindi ako…. Pathetic!Ganeto laang talagaa koo kahpagg lashing!Umalis ka nga sa harapan ko! Kamukha mo yung impaktong kilala ko! ”

BINABASA MO ANG
Crush 101
Teen FictionCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...