Cassie's POV
Monday ngayon, nagising ako ng sobrang aga...., ewan ko nga kung nakatulog ako.., badtrip lang kasi ko lagi araw araw, simula nung araw na nakita ko yung KISS nila..
Natatanggap ko yung mga pagkakataon na makita syang may ka holding hands kung san san, may kalandian, kasi natural naman sa lalaki yun, lalo na sa tulad ni Mark na magaling sumayaw, tapos Campus Announcer/DJ/singer pa sya.., Chic Magnet talaga.., Pero yung kiss?
Kelangan talaga sa labas nila gawin yung KISS? di nya ba naisip na baka may nakatingin sa kanilang STALKER na tulad ko? nakakainis talaga :(
Nakahiga pa ko sa kama ko, kinuha ko yung Phone ko at nagcheck ng notifs, sobrang aga pa pala, 4:30 palang ng umaga, 8 AM pa schedule ko mamaya.,
May post na naman si Daily Bread sa wall ko.,
DAILY BREAD
Good Morning Tinapay, Pandesal at Kape para sa malamig na umaga....
Ang aga naman nagising neto....Yung post nya may kasama pa talagang picture ng Kape at tinapay,... nagutom tuloy ako bigla...
Wala akong ganang makipag interact sa kanya ngayon,.., habang tumatagal ata na nakakausap ko sya, mas nasasaktan ako,..dapat ba di ko nalang pinagdasal na mapansin nya ko?
napapansin nga ako, pinagtitripan naman ako!
Lumabas ako ng bahay pagkatapos kong maghilamos, bibili ako ng almusal.., may malapit na Pan De Manila jan sa labas,..
Bumili lang ako ng mainit na pandesal atsaka yung paborito kong kape., tapos lumabas na ko at naglalakad na pabalik habang nagchecheck ng phone., mag aalasinco palang ng umaga...
kinuha ko yung mainit na pandesal at kumain ako habang naglalakad pauwi...
"Hey!, that's CANNIBALISM!"
"Ay Tipaklong ka!!!!" letsugas talaga 'tong crush ko!, early in the morning bigla nalang susulpot sa kawalan? konti nalang talaga iisipin kong sya ang stalker ko eh!... nitong mga nakakaraan kasi, palagi ko syang nakikita, at palagi akong nababanas sa kanya!
"Don't start with me Mark, ayokong sirain mo ang umaga ko... and what do you mean Cannibalism?" siraulo tong taong 'to ah! masyado na syang maraming bansag sakin!. nakakainis.
"Tinapay ka diba? and you are eating bread? Cannibal ka!" sabi nya habang nakangiti at nakatingin sa malayo...
Seriously? ang kornik mo magjoke!, napatingin ako sa mukha nya, ang tangos talaga ng ilong neto, tapos mas makinis pa yung mukha nya kesa sakin.., and his eyes are covered with bangs.. and the lips, kahit nagyoyosi ang pula parin...
Kaso lang.., yung kissable lips na yan ang dahilan bakit nasasaktan ako ngayon... :(, naglakad ako ng mabilis para maiwan na sya.., ayoko muna syang makita..
Nalilito na siguro ang langit sakin, dati rati kasi, halos oras oras pinapanalangin kong makita sya, pero ngayon, halos masira ang araw ko pag nakikita ko sya... sorry Lord! tao lang!
-----***----
"WHATTT???" nagduet pa 'tong dalawa kong kaibigan sa naikwento ko., nasa school na kami ngayon at nakatambay sa may Cafe.., kinwento ko yung nangyare kagabi...
"Cass, I told you! you should stop chasing that person, he don't deserve you! " galit na galit si Ghael
"Dapat pala, nung umpisa palang hindi na kami pumayag sa mga Operation Ligaw mo na yan eh! tingnan mo, ikaw lang din ang nasasaktan, di ka ba napapagod?..." dagdag pa ni Aikee..
BINABASA MO ANG
Crush 101
Novela JuvenilCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...