Chapter 27 Mansion

189 5 0
                                    

Kapatid? May kapatid ba itong si Timothy!? Bakit di ko alam?

"You have a brother?" I asked confusingly.

Nasa sasakyan na kami ngayon at kasalukuyang nagttravel papunta sa venue.

"Yep, you didn't know?" -Tim

"Hindi. Hindi mo naman nakwento sakin e. Bakit di ko sya nakikita?"

"Ah, haha, well, he studied in the same school nang highschool. Kaso no one knows na magkapatid kami. I'm 1 year older than him.Wala rin naman kasing maniniwala na magkapatid kami dahil magkaiba kami ng ugali, hindi rin kami magkamukha."

Sino ba kasi ang kapatid nya?

Gusto ko nang maniwala na si Mark nga.

Nasa harap ko na ang lahat ng ebidensya. Eto. Eto yung kotse nya.

Mark owns this car.

"I love you, but my brother needs you"

"I love you, but my brother needs you"

"I love you, but my brother needs you"

That words of Mark flashback into my memories like a lightning.

Pinaubaya nya ko kay Timothy dahil alam nyang gusto ako ng kuya nya?

Nagdesisyon syang saktan ako para sa kapakanan ng kuya nya? Bakit parang ako ang agrabyado dito.

Bakit ang sakit na naman ng dibdib ko?

Nakarating kami sa venue after like 30 minutes.

Kinakabahan ako.

Hindi dahil makikiharap ako sa mga unfamiliar people.

Kinakabahan ako na baka tama and hinala ko.

Iginala ko ang mata ko sa paligid.

"Are you okay Cassie?" Tim asked

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglakad patungo sa loob.

Ang party ay ginanap lamang sa isang malaking bahay, o mas mainam sabihin sa isang mansion na pagmamay-ari daw ng kaibigan nya.

Pagpasok namin sa loob ay parang nawala lahat ng confidence sa katawan ko.

"Tim you didn't told me na pabonggahan pala dito! Sana hinanap ko yung 100k worth ko na long-gown! Nahiya naman yung tig 1 libong dress ko sa suot nila o" bulong ko kay Timothy habang nakahawak sa braso nya.

Tumawa lang sya at saka tumimgin sakin.

"It's not about how much you are wearing. It's about how you present it! Thats Fashion Cassie! Haha. And look around..."

iginala ko ang paningin ko sa paligid...

"You are The most beautiful here tonight! Trust me!"

Natuwa naman ako sa sinabi ni Tim. Alam nya kung paano ako utuin.

"Thanks Tim, alam ko naman na maganda ko, kelangan ko lang ng confirmation! Haha"

Habang abala kami sa paguusap ni Timothy ay lumapit sa amin ang grupo ng mga kalalakihan at isa isa nilang kinamayan si Tim.

"Dude! I'm glad you came"- guy1

"You are late man!" - guy2

"Girlfriend?" - guy 3

"Oh, sorry, she is Cassandra, and she's my date for tonight. Cassandra they are my friends. And he is Carl, the celebrant"

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon