CHAPTER 20
Ghael’s POV
Gabi na ng makareceive ako ng tawag galing kay Cassie.
“Ghael, busy ka? May graham balls ako dito! I know you want it! Hihi”
Palaka talaga ‘tong taong ‘to. Alam na alam ang kahinaan ko. AMPH!
“Anong kailangan mo sa’kin ? Wag mo kong demonyohin ng Grahams, and go straight to the point!” malapit na kong maakit sa grahams, isipin ko palang, yuuummmmmm., naglalaway na ko! Baka maging negro ang anak ko nito.
“Wala naman, gusto lang kitang Makita, punta ka naman dito oh. Kwentuhan tayo!”
Alam ko na ibig sabihin nito. Hindi nakikipagkwentuhan ‘tong babaitang to kapag walang problema. May nangyari kaya?
Oo nga pala, sya nga pala ang humalili sa’kin sa sayaw kasama si Mark. Anong nangyare?
”May Problema ba Cass?Sabihin mo, anong nangyari sa inyo ni Mark pagkatapos ng sayaw? I saw everything kagabi at alam kong may something kayo! Umamin ka palaka!”
Nakita ko naman talaga, Mark kissed her. At alam kong intentional ang kiss na yon. Hindi yun aksidente.
Dahil anak ng Tinapa. Sa mga corney movies lang nangyayari ang accidental kiss.
“Ayon, inamin nya sakin na alam nya na pala ang matagal ko nang lihim! Haha” narinig kong suminghot sya sa kabilang linya.
“Hoy Cassie! Kailan kapa natutong suminghot ng katol? Itigil mo nga yan Hindi yan ang sagot sa mga problema mo!.”
Alam kong umiiyak sya.
Sa dating palang ng boses at pananalita nya. Daig nya pa ang taong barado ang ilong dahil sa sipon, nagkakanda ngo-ngo na yung boses nya.
“Kakabreak lang kasi namin! HAHAHA!”
Hala, naloka na. Kumawala na ata ang katinuan ng kaibigan ko. Anong gagawin ko? Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil gabi na. Tiyak mapapagalitan ako ni Daddy. Bad shot pa nga ako dun dahil nagpabuntis ako eh.
“I told you Cassie, wag ka masyadong Assumera! Nakakainis ka naman eh. Alam mong hindi kita jan mapupuntahan ngayon, dahil sa sitwasyon ko. Tapos ngayon kapa eemote ng ganyan? ”
“Sige na, ibababa ko na! Magtoothbrush ka nga Ghael, bad breath ka! Naaamoy ko hanggang dito sa Apartment! Hahaha Bye”
Letsugas ‘tong kaibigan ko. Nakuha pang mang-alaska.
Binaba nya na yung phone bago pa man ako makaganti sa pangaasar nya.
--------
“Ghael, Nandito si Dominique, bumaba ka muna rito saglit.”
Yep. Bumibisita si Dominique sa’kin everyday para icheck ako. And NO, hindi pa rin alam sa’min na sya ang Ama ng pinagbubuntis ko.
Ang alam dito, bumibisita sya bilang Bestfriend ko.
Nitong mga nakakaraang Buwan, nararamdaman kong masyado akong nagging attached kay Dom, kahit anong pigil ko sa sarili ko, laging natatapos yung araw na sya yung hinahanap ko.
Hindi pwedeng mainlove ako sa taong ‘to, dahil alam kong mahal na mahal sya ng kaibigan ko.
Dapat magtiis ako dahil alam kong ako rin naman ang may kasalanan ng lahat ng ‘to. Kaya dapat tiisin ko lahat ng sakit.
TEKA NGA BAKIT BA NAGKE-KWENTO KO DITO? YUNG TOTOO KANINONG STORY TO? GAGAWA AKO NG SARILI KONG STORY! HAHAHAHAH
Nakita kong nakaupo sa Sofa si Dom, na may dalang mga prutas.
BINABASA MO ANG
Crush 101
Teen FictionCassandra She's a typical college student who's obsessively stalking to a guy named Mark, which without her knowledge was Timothy's younger brother. Timothy He's a guy who's head over heel inlove with his bestfriend Cassandra, but unfortunately, s...