Chapter 44 flashbacks

40 1 1
                                    

*flashack*

"Alam ko kung saan kayo nagpunta ni Mark. At obviously, alam ko na rin ang nangyari. Cassandra, just to clear things, si Timothy ang pinili mo. Pinapaalala ko lang sayo. Papalampasin ko ang bagay na ito, alang alang kay Tim. Pero I want you to distance yourself to mark. I don't want you near him. If you cant do that, I'll make Mark do it. Ilalayo ko sya sayo sa paraang hindi mo magugustuhan."

*end*

Naglalakad na ako ngayon pauwi sa apartment, galing sa bahay ng mga Villamayor. Hanggang ngayon, nagiisip parin ako ng dahilan ng pagbabago ng pakikitungo ni Mark sakin. At ang huling paguusap namin ng Daddy nila ang agad pumasok sa isipan ko. Ang mga huling sinabi nya. "ilalayo ko sya sa'yo sa paraang hindi mo magugustuhan.". Possible nga kaya? Na pinasundo nya si Hirona Kay Mark para magkabalikan sila?

Kahit ganon, hindi pa rin sapat na dahilan yon. Unang una, bakit hindi sinabi sakin ni Mark ang tungkol sa kanya?. Nakakainis. Bakit ginagawa nya sakin to? Bakit gustong gusto nyang nasasaktan ako?

"I promise I will return your love, my own way. Just be strong, and dont give up on me." memories of our past conversation flooded my brain.

Nagsimulang kumawala ang isang patak ng luha sa mata ko.

Ganitong paraan nya ba balak suklian ang pagmamahal ko?

"you drugged me Cassandra, I'm so freaking addicted to your corney jokes, the way you talk, the way you walk. I swear, I'm addicted"

Another flashback, at sa pagkakataong to, sunod sunod na ang pagkawala ng tubig sa mga mata ko.

Bakit kelangan nyang pasayahin ako pansamantala, tapos pagkatapos ibabagsak ako sa lupa?

" When I'm looking at your happy face, parang napapagaan mo rin yung loob ko. Nababawasan yung mga burdens ko."

Bakit kailangan ngayon pa magflashback lahat ng mga memories na to.

"Well, yes, at first, it was just purely a revengeance, I want you to suffer as well, because it's really unfair na ako lang ang may sakit, at ako lang ang babagsak. But after I read your diary, I realized it's not the revenge that I want anymore. It is you, that I wanted to see, to hear, to tease, to bully, I want you to be near me every single day."

Parang hindi ko na maihakbang pa ang mga paa ko, para akong tanga na umiiyak at naglalakad magisa sa karimlan.

"Hanggang sa nalaman kong gusto na kita." with that one last thought, I stumbled on the ground.

Nanghina ang mga tuhod ko, napaupo nalang ako sa kalsada. Para bang wala na akong lakas na maglakad, wala na akong ganang kumilos, wala na kong ganang huminga.

Lahat ba ng sinabi nya noon, puro kasinungalingan lang?

At ako namang si Tanga, naniwala agad?

Hanggang kailan ako magpaplano kalimutan sya? Ilang beses ako dapat masaktan? At magmove on?

Para akong baliw habang nakaupo sa kalsada, nakasubsob ang ulo ko sa mga tuhod ko, habang malakas na umiiyak. Wala na kong pakialam sa mga matang nakatingin sakin.

"sandali lang akong nawala, nabaliw na ang kapatid ko sa labas..."

Isang tining ang nagpatigil sa paghagulgol ko. Kilala ko ang boses na iyon. Kahit masakit pa rin ang dibdib ko sa kakaiyak, pinilit kong tumingala para tingnan ang nagsalita.

At ng makita ko ang familiar na mukha, mas lalo akong napahagulgol, tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"Aikee!!!"niyakap ko sya ng sobrang higpit, at sobrang tagal. "Aikee!, hu..hu..hu" sa dami ng gusto kong isumbong sa kanya, Hindi ko alam kung san maguumpisa. Walang akong masabi at dinama ko na lamang ang pakiramdam nang pamilyar na yakap mula sa isang matalik na kaibigan.

May awa pa rin ang diyos. Alam nya na hindi ang pamilya, nanay, o kapatid ang makakatulong sakin sa sitwasyon ko ngayon.

Tanging kaibigan lang.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon