Chapter 29

147 6 0
                                    

CASSIE'S POV

Nagpahatid ako kay Timothy dito sa Apartment ko dahil ayoko ng makarating pa kay Mommy yung nangyari sakin kanina. As much as possible, ayoko nang banggitin pa sa kanya ang mga bagay tungkol sa affair issue na yan.

"Are you sure you're fine here?" narinig kong tanong ni Tim.

"Yes. sanay ako magisa dito. don't worry!" sagot ko sa kanya.

Pumasok na ako sa loob kahit alam kong hindi pa nakaka alis si Timothy. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanya.

Baka masumbatan ko pa si Tim, kapag nagtagal pa syang kasama ko. Baka sisihin ko pa sya sa lahat ng sakit na nadarama ko ngayon. Although sya naman talaga ang nagiging hadlang samin 2 ni Mark ngayon, ayoko syang saktan.

Pagpasok ko ay isinara ko ang pintuan at sumalampak nalang ako sa sahig.

Naramdaman ko ang paginit ng mga pisngi ko dahil sa mga naguunahang luha galing sa mga mata ko.

Nakaramdam ako ng pagod.

Pisikal at emosyonal na pagod.

Ganito ba kahirap magmahal?

Ganito ba kasakit?

Ang hinihiling ko lang naman ay bigyang puwang man lang ako ni Mark na maging parte ng buhay nya.

Bakit mas lalo pa atang ginawang imposible ng langit ang hiling ko?

Mahirap ba ibigay yun?

---------

Nahanap ko nalang ang sarili ko sa harap ng laptop ko.

I stare at my reflection in the mirror

Why am I doing this to myself?

Tinitingnan ko lahat ng mga litrato ni Mark na kinunan ko ng palihim.

Losing my mind on a tiny error

I nearly left the real me on the shelf

Akala ko mahirap na yung mga napagdaanan ko dati.

Don't lose who you are in the blur of the stars

Seeing is deceiving, dreaming is believing

It's okay not to be okay

Naranasan ko nang malaglag sa kanal ang isang paa dahil nakita ko sya.

Sometimes it's hard to follow your heart

Naranasan ko nang mauntog sa poste dahil sa katatago sa kanya. Ayoko kasing makita syang may kasamang iba.

Naranasan ko ng mabalian ng buto dahil sumali ako sa cheerleading squad kahit hindi ako marunong sumayaw. Varsity player kasi sya at gusto ko syang I-cheer.Ayon, balibag. Naospital ako ng ilang araw dahil sa kanya.

Tears don't mean you're losing

Everybody's bruising

Just be true to who you are

Naranasan ko na ring awayin ako ng bunso kong kapatid at dedmahin ako ng kalahating taon, dahil mas pinili ko ang graduation ni Mark, kesa sa party nya.

Akala ko ayan na yung mga biggest challenge saken ng langit.

Meron pa pala.

Mas mahirap.

Crush 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon