Elise:
"One orange juice please." I ordered fresh orange juice. Maaga akong nagising at bumaba ng kwarto while Nate is still sleeping. Nasa loob ako ng restaurant habang nakatingin sa labas. Mirror glass type kasi ang wall kaya kitang kita mo ang ganda ng beach and white sand.
Suot ko ang white simple dress ko at red hat for my outfit.
Kumatok ako kanina sa kwarto ni Sharlene at hindi ito sumasagot kaya naman mag isa nalang akong lumabas. Suot ko pa ang sun glasses ko ng may makita akong pamilyar na pigura ng tao.
"Sharlene." Napataas kilay ako ng makita ko si Sharlene kasama lang naman si Steven at mukhang nag babangayan nanaman. Well si Sharlene lang naman ang talak ng talak while Steven? Nakaupo lang naman sa white sand at nakatitig sa dagat.
Ano nanaman bang nakain ng babaeng yon? Mukhang laging menopause kapag si Steven ang kaharap.
"One black coffee please." Nagulat ako ng madinig ang boses na yon. Of course I know that familiar voice.
Napalingon ako sa likod ko and hindi nga ako nagkamali. I saw Maricar with her color blue two piece attire.
Tumingin din siya sakin matapos niyang mag order at ngumiti pa ito. Parang merong kakaiba sa ngiting yon. After she ordered she went towards me at naupo mismo sa harap ko.
"Good morning." She greeted.
"What's good in the morning?" Sagot ko at biglang dumating ang orange juice ko kaya nag sip ako.
Natawa naman ito sa sinabi ko at napatingin ulit sakin. Sarcastic na tingin.
"C'mon you're invited to my wedding. Ganyan mo ba kakausapin ang bride?" Sabi niya.
"I'm here because of my husband." Sabi ko. Dumating din bigla ang black coffee na inorder niya kaya nanahimik muna kami bago ulit nag usap.
"Oh husband huh? Big word." It's makes me irritating.
"Ano bang sadya mo? Ang lawak lawak ng restaurant na to. Bakit dito ka pa umupo?" Pataray na tanong ko.
"At bakit hindi? Sooner I will be the new owner of this restaurant."
Napangisi naman ako sa sinabi niya. Mayabang talaga. Babaeng malakas ang hangin na hindi naman ikinaganda.
"Oh my bad. Well ako nalang ang aalis. I have to go baka gising na yung asawa ko at hanapin ako sa kwarto namin. You know na, bagay na ginagawa lang ng mag asawa." I smiled widely.
Kitang kita naman ang pang gigigil sa mukha nito at napahigpit ang hawak sa coffee. Hindi ata naramdaman ang init.
"Opss look at your hand dear." Kaagad niyang naramdaman ng sinabi ko na.
"Oh my God my hand!" Namumula ngayon ang kamay niya dahil sa pagkakapaso.
"Wag ka masiyadong magpadala sa damdamin mo. Nakakapaso ang galit Maricar." I said with a wide smile.
Umalis na ako ng magsasalita pa to. Halatang halatang gagawa nanaman ng gulo ang eskandalosa. Dinala ko nalang ang juice ko sayang eh. Dumating kasi ang bruha.
Napalingon ako sa gawi nila Sharlene at Steven pero wala na ang dalawa. Napailing nalang ako. There's something wrong happened last night. Kabisado ko ang mukha ni Sharlene kapag ganyan at nandadamay ng tao. Well malalaman ko rin naman yon.
Nag tuloy na ako sa loob ng resort at pinindot na ang up button ng elevator. While I'm waiting nag sip ulit ako sa drink ko at napalingon lingon sa lobby.
Narinig kong tumunog ang elevator kaya kaagad na akong lumingon ng biglang may makasalubong ako at nabuhos ang orange juice ko sa white polo niya.
BINABASA MO ANG
My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISE
RomanceAfter the tragic accident of the parents of Nate Gabriel Salvatore, Don Clemente Sullivan has adopted Nate while living with his granddaughter Elise Andres Sullivan. Don Clemente Sullivan had planned that Nate and Elise would get married. Elise a me...