K 38.

16.3K 601 60
                                    


Sharlene:

Sinamahan ko si Elise makabalik sa kwarto nito. Dapit hapon na at nakaramdam ako ng matinding antok.

Habang nakahiga siya at nagbabasa ay tumabi na rin ako.

"Inaantok ako matutulog muna ako." Paalam ko sakanya.

Naka bandage na rin ang paa niya para hindi gaanong magalaw.

"Sige magpahinga ka muna." Ani niya.

"Nahihilo ako." Habol ko pa.

"May jet lag ka lang Sharlene." Ani nito.

Hindi ko na siya nagawang sagutin at ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng magising ang katawang lupa ko dahil sa agarang pagbaliktad ng sikmura ko.

"Sharlene! Anong nangyayare sayo?" Sigaw nito ng tumakbo ako papuntang banyo. Naduduwal ako sa inidoro pero wala namang lumalabas. Hinigop lang nito ang buong lakas ko.

"Sharlene! Buksan mo to." Katok ito ng katok.

"I'm okay." Nanghihinang sabi ko. Nag mumog na ako at naglamos ng mukha. Napatingin ako sa sarili ko na namumutla na.

"This can't be." Ani ko. Napakagat labi ako.

"Sharlene let me in!" Kanina pa niya kinakalampag ang pinto kaya inayos ko na ang sarili ko para buksan ito.

"Anong nangyare sayo?" Pag aalala nito.

"Nasobrahan ata ako sa paglamon kanina." Dahilan ko habang hinihimas himas ang tiyan ko.

Paika ika naman siyang bumalik sa kama at naupo.

"Ayan katakawan mo." Natatawa pang sabi nito.

Sana nga yun lang ang dahilan Elise.

Napaupo na ako sa tabi nito. Nawala ang antok ko at napalitan ng matinding pananakit ng ulo. Jet lag strike me.

"May biogesic ka?" Tanong ko.

"Masakit ang ulo mo?" Tanong niya pabalik.

"Oo eh jet lag." Dahilan ko.

May kinuha siyang gamot sa drawer na malapit sakanya. Hindi naman na nito kailangan pang tumayo dahil sa nasa tabi lang niya ang drawer.

"Oh ayan may tubig diyan sa ref." Turo niya sa maliit refrigerator.

Bigla bigla naman akong nag dalawang isip kung iinumin ang gamot. Binulsa ko nalang to ng palihim tsaka kumuha ng tubig at uminom.

"Hay magpapahinga muna ako bigla biglang sumama ang pakiramdam ko." Ani ko.

"Ganyan talaga pag jet lag. Itulog mo muna." Payo niya sakin habang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa niya. Mahilig talaga itong mag basa ng mga novels.

Nahiga na ako at tumalikod sakanya. Pinikit ang mga mga mata ko tsaka pinilit na makatulog.

...

Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. God ang sakit talaga ayaw akong patahimikin.

Pag bangon ko ay nakita ko si Elise nakatulog narin ito. Kinuha ko ang novel na binabasa niya at itinabi ko sa drawer. Lumalakas din ang air conditioning kaya mediyo hininaan ko ito. Ayaw paring tumigil ng pagkalam ng sikmura ko at gutom na gutom na ako.

Naisip kong bumaba, kaso baka magising tong babae na to at maghanap ng kasama. I looked at her ankle, medyo maga parin ang lagay nito. She really needs a good sleep.

Bakit kaya hindi pa umaakyat ang asawa nito? Sa huli ay nag desisyon akong bumaba nalang ng biglang mag ring ang phone ko. It's my mom calling me.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon