K 25.

20.5K 707 50
                                    


Sharlene:

"Excuse us." Sabi ni Nate at hinila na si Elise. Naiwan naman kami habang ang bruhang Maricar na to ay nag i-iiyak.

"Can you please stop? Alam mo namang kasal na si Nate anong pinag lalaban mo?" Hindi na ako nakapag pigil.

"Wala kang pakialam." Masama ang tingin sakin nito at nag walk out.

"Rex sundan mo na." Sabi ni Cloud dito.

"Kaya na niya ang sarili niya." Halatang walang pakialam si Rex base sa kanyang sinabi.

"Oh kulang na tayo pano ba yan? Gusto niyo bang pumunta sa Giant Island?" Pasimuno ni Cloud.

"Are you insane? Tsk." Inis na sabi ni Steven at nilagok ang alak. Kanina pa niya hawak hawak ang bote ng red wine at malamang kinuha niya to sa waiter kanina.

"Haha yes I am." Sagot ni Cloud at kahit kailan talaga hindi mo kakikitaan ng pagka seryoso.

"I'm out matutulog na ako." Aalis na sana si Steven ng magsalita si Rex.

"Tara na minsan lang naman." Aba ang loko naki join din.

"Kayo nalang tutal pupunta rin naman kami bukas ng umaga." Sabi ko.

"Ang Kj mo naman Sharlene tara na." Hila sakin ni Cloud.

"Duh we're not close." Tinanggal ko ang kamay niya sa wrist ko.

"Ay sorry ito naman oh tropa lang naman eh." Tropa tropa tsk. Tropa mo mukha mo.

"Hayaan niyo na baka sumabog si Godzilla." Naringgi ang tainga ko sa sinabi ng lalaking to. Walang iba kundi si Steven na mukhang Orangutan. Oo Orangutan nalang kasi wala na akong maisip na ma-i-asar dito.

"Hoy anong sabi mo!"

"you look like you about to explode." Sabi nito sakin. Aba talagang sinusubukan ako ng Orangu na to ah!

"Hoy kung mukha akong Godzilla mukha ka namang Orangutan!" Sinamaan niya ako ng tingin at tumawa ng malakas sina Rex at Cloud.

"Ahhhh mukha ka palang Orangutan bro!"

"Ah Orangu short for Orangutan ha ha!"

"Oh wala ka pala Tev eh Orangu daw ha ha!" Tawanan ng malakas.

Tev? Wow di bagay sakanya. Mas bagay sakanya ang Orangu.

"You look like a fucking Orangutan!" Sigaw ko. At ngayon namumula na ang magkabilang tainga niya.

"And you look like you about to explode." Ibinalik ko ang sinabi niya sakin kanina.

"Godzilla!" Sigaw nito.

"Orangutan!" Sigaw ko pabalik sakanya.

"Woah woah tama na yan. Ano let's go na at baka magkaron pa ng round 2 yung make out niyo kanina." Sabi ni Cloud.

"What!"

"No way!" Sabay na sagot namin.

Napakamot nalang sa ulo si Rex at nagsimula ng maglakad.

"Let's go lovers!" Sigaw ni Cloud samin.

"Tsk." Nakasimangot na ito ngayon at sinamaan ko siya ng tingin akala niya ah papatalo ako? Kapal talaga.

"Ang ingay mo." Huling sabi nito at nilagpasan na ako. Wow talaga ang kapal ng mukha orangu na to!

...

"Manong juan pwede bang mahiram ang bangka niyo?" Tanong ni Cloud.

"Nako hijo saan mo naman dadalhin? Aba eh madilim na." Sabi ng matanda.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon