"He raped me and he killed my husband!"
Nanghina ako sa mga sinabi niya. Hindi, hindi magagawa ng lolo ang mga paratang na 'yon. Kilala ko ang lolo. Hindi siya masamang tao.Hindi ko akalaing may nabubuhay pa pala sa mundong ito na katulad ni Jisella. Nagawa niyang pumatay ng inosente, magnakaw ng katauhan. Sa sobrang halang ng puso'y nagawa niyang magtago sa katauhan ng isang inosente, na si Cassie.
Hindi parin ako makapaniwala. Hindi magagawa ng lolo ang mga bagay na 'yon. Hindi niya kayang pumatay ng tao.
"Ano hindi ka makapag salita ngayon? Alam ko na hindi ka makapaniwala. Paano pa sa susunod na masasaksihan mo?" Tumingin siya sa lalaki na kasama.
"Larry Sandoval ang totoong pangalan niya. Ask him 'kung ano ang atraso ng lolo mo sa kanya." Hindi ako nag salita. Wala akong gustong itanong. Hindi ma iproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.
"Ask him!" Sigaw nito.
"Walang gustong magsalita? Okay ako na ang mag sasabi."
"Enough Jisella!" Awat sa kanya ng lalaki.
Hindi ko na sila maintindihan. Gulong gulo ako.
"Wala siyang kasalanan." Ani nito.
"Wala? Siya ang apo. Apo ng kriminal na lalaking 'yon!" Napatingin ito muli sa'kin.
"Ang lolo mo lang naman ang nagpapatay sa kapatid ni Larry." Kapatid? Sino?
"Jisella I said stop!" Galit na sigaw ni Larry dito.
"Hindi! Hindi ako naniniwala sayo! Isa kang malaking sinungaling!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw sa sobrang galit.
"Wala akong pake 'kung sa paniniwala mo ay malinis ang lolo mo. Nandito ako para singilin ang utang niya sa'kin. Singilin ang buhay ng asawa ko!" Isang malakas na sampal ang natamo niya mula sa'kin.
Nang bitawan ni Jisella ang mga katagang 'yon ay siya namang buhay ng dugo ko. Gusto ko siyang saktan. Saktan hanggang sa magtino siya.
"Walang hiya kang babae ka!" Matapos ko siyang masampal ng malakas ay hinablot naman nito ang buhok ko. Nabitawan ko ang mgapapeles. dahil sa pagprotekta sasarili.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya tsaka ito tinanggal sa pagkakasabunot sa'kin. Kitang kita ko ang pagpait ng kanyang mukha dahil sa sakit na nararamdaman.
"Stop!" Sigaw ng lalaking si Larry.
Kaagad na huminto si Jisella kaya't napahinto ako. Balak ko pa siyang putulan ng buto nang nga oras na 'yon pero mas nananaig ang awa.
Nang mabitawan ay kaagad niyang hinawakan ang kanang braso ko. Mahigpig at puno ng galit.
"Hindi pa ako tapos." Bulong ni Jisella. Sumenyas siya sa dalawang barakong lalaki.
"Ikulong ang babaeng yan at wag pakakainin." Utos nito. Tahimik lamang si Larry, hindi ito nakisama sa gulo.
Madilim at malamig na selda. Itinulak ako ng marahas papasok sa loob tsaka ito ikinadena.
"Mga hayop kayo!" Sigaw ko sa mga ito. Nagtawanan lang ang mga ito na parang galak na galak sa panggagalaiti ko. Di naglaon ay umalis rin ang mga to at naiwan akong mag isa.
May maliit na higaan sa loob. Sa gawing kanan ay inidoro at lababo. Literal na para akong nasa kulungan.
Napaupo ako sa gilid ng matigas na kama tsaka napayuko. Sobra sobra na ang pag aalala ko para kay Jovani. Hindi rin mawala sa isip ko ang lolo at ang mama. Ano na kayang lagay nila?
Matagal na nasa ganoong posisyon ako hanggang sa mahiga sa gilid. Nakabaluktot dahil sa lamig na yumayakap sa'king balat.
Hindi ko namalayang unti unti na palang bumibigat ang mga talukap ko. I feel exhausted. Sobrang pagod dahil na rin sa ilang araw na puyat.
BINABASA MO ANG
My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISE
RomansaAfter the tragic accident of the parents of Nate Gabriel Salvatore, Don Clemente Sullivan has adopted Nate while living with his granddaughter Elise Andres Sullivan. Don Clemente Sullivan had planned that Nate and Elise would get married. Elise a me...