K 32.

19.2K 795 97
                                    


Hindi ko nalamayan na nakatulog pala ako. Nagising ako ng maramdaman ang pananakit ng likod ko. Marahil ay sa posisyon ng pagtulog ko.

Umunat na ako at napatulala sa kisame. Anong oras na kaya? Nagugutom na ako. Lumingon ako sa malaking wall clock at nakita kong hapon na pala. It's already 3:16 pm.

Tumayo ako ng makaramdam ng konting pagkahilo. Jet lag parin hay ang tindi naman. Pumunta na ako sa kusina para maghanap ng pagkain. Ang hirap palang mag isa ang tahimik nakakalungkot.

May bacon sa ref at itlog. Wala ng gaanong stock kailangan ko na atang mag grocery.
Kinuha ko parin ang bacon at itlog. Wala naring orange juice at milk.

Binuksan ko ang kalan para magsimulang mag luto. Gumawa narin ako ng fried rice dahil nag ke-crave ako. Ah basta gusto ko yung medyo tutong na kanina na hindi ko maintindihan.

Matapos kong magluto ay pinatay ko na ang apoy. Naupo na ako at nakaharap sa counter dito sa kitchen. Binuksan ko lang ang dim light dahil maaga pa naman para magbukas ng maraming ilaw. May bintana kasing katamtaman ang laki at kitang kita ko ang garden.

Mukhang maayos parin yon dahil araw araw namang may katiwalang katulong o hardinero ang nag aasikaso ng mansion habang wala ang lolo.

Kain lang ako ng kain ng tumunog ulit ang phone ko.

Unregistered number. Napakunot ang noo ko kung sino naman yon dahil kakabili lang ng simcard ko at si Shar at ang mama lang ang pinag bigyan ko nito.

I grabbed my phone and answer the call.

"Hello?" Tanong ko.

"Let me in." Kumabog bigla ang puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang asawa ko lang naman ang tumawag.

"Nate?" Hindi na ako nakapag isip pa ng maayos.

"Please mag usap tayo." Hindi na ako nakatayo ng makita ko na siya sa loob. Basang basa siya ng ulan at may punit ang damit. Kunot ang noo at namumula parin ang mga mata. Walang tulog? Sabog na sabog ang itsura.

"Inakyat mo ang gate?" Gulat kong tanong at binaba ang tawag. Dun ko lang rin namalayang malakas na pala ang ulan sa labas. Basang basa siyang nakatayo lang sa harapan ko.

Rumihistro muli sa isip ko ang nangyare kagabe. Nagtaas ako ng kilay at muling bumalik sa kinakain ko. Nag patay malisya nalang ako ng maramdaman ang pag tabi niya sa gilid ko habang nakatitig sakin.

"She kissed me. I pushed her away from me. And that's not what you called making out Elise. Hindi ko gusto yon. I tried to push her I know you saw it." Napakunot noo ako.

Bumalik ulit ang nangyare sa utak ko at nakita ko ngang hindi nag reresponde si Nate sa halik ng bruhang yon. Pero ewan ko ba? Bakit biglang tumaas ang dugo ko sa ulo at nawalan ng kontrol.

"Bakit kaba nandito? Ayaw mo bang makitang ikasal sa iba ang mahal mo?" Natatawang sabi ko.

"Elise naman! Please umayos ka. I'm still your husband. I need you to trust me." He said seriously. I swallowed my saliva because of what he said.

"There's so many things you don't know yet." Sabi niya.

I got curious. Anong hindi ko alam?

"What is it?" Kalmadong tanong ko.

Hindi naman siya makapagsalita.

"Wag mo muna akong kausapin kumakain ako." Sabi ko.

"As you get older, my feelings for you has been deepening as well." Umpisa nito. Kamuntikan pa akong mabulunan dahil sa pagkabigla kaya't napainom ako ng maraming tubig at natigilan. Ni hindi ko ngang magawang lumingon sakanya.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon