K 57.

16.1K 530 92
                                    


Nancy:

"Hi."

Hindi parin niya ako kinakausap. Napakatahimik ng lalaking to. Nakaisip naman ako ng idea para pansinin niya ako.
"Thank you pala sa pag sundo mo sa'kin nung isang araw ah." Nakatitig lang ako dito. Abala siya sa mga dokyumento ng kumpanya namin. Malaki kasi ang tiwala sa kanya ng daddy kaya ipinahawak ang Byer Corp at katuwang ko.

"Ang daddy mo ang nag utos sa'kin." Walang buhay niyang sabi. Napakagat labi ako. Kahit kailan talaga ang ilap sa tao ni Alfonso.

"Eh 'yung Starbucks coffee?" Tanong ko. Ewan ko ba pero ang bilis ng tibok ng puso ko pag kausap ang lalaking to.

Hindi siya nag salita sa halip ay sinara ang laptop. Napatingin siya sa'kin. Ang lamig ng mga titig niya.

"Inutos ng daddy mo ang lahat ng 'yon." Tumagos sa puso ko ang lahat ng sinabi niya. Bakit ba parang ayaw niya sa'kin? Mabait naman akong tao at matulungin sa kapwa. Hindi ko lang alam kung bakit pag dating sa'kin ang ilap at sungit ni Alfonso. Nakausap ko naman na si Manang Marie ang tiyahin ni Alfonso. Mailap raw talaga ito lalo na sa mga taong hindi niya gusto. Ayoko namang isipin na isa ako sa mga 'yon kung kaya't ganito siya sa'kin.

"Alfonso?" Tawag ko dito ng magkalad siya papalayo. Tumigil naman ito pero hindi lumingon sa gawi ko.

"Uhm may iba ka bang gusto?" Ito nanaman ako at parang tanga. Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin.

"What do you mean?" Kunot noo niyang tanong at sa pagkakataong 'yon ay nakalingon na ito sa'kin.

"I mean may girlfriend ka na ba?" Natigilan siya at nag isip. Akala ko ay sasagutin na niya ang makailang beses ko ng tanong pero bigo pa rin ako. Sa halip ay tumalikod siya at nag sabing—.

"Itulog mo na lang yan."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Bakit kaya hindi niya masagot sagot ang tanong ko at bakit parang ayaw niya sa'kin?

"Sandali." Pinigilan ko ito.

Dali dali akong pumunta sa harapan niya habang hindi naman sa'kin nakatuon ang kanyang tingin.

"Goodnight." Mabilis ko siyang hinalikan sa pisnge at alam kong nagulat siya. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan samantalang patakbo na akong umakyat ng kwarto. Pulang pula ang mukha ko dahil ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisnge ko.

Hingal na hingal akong pumasok sa pinto at kaagad itong sinarado. Napatakip pa ako ng mukha sa labis na hiya. Nance bakit mo ginawa 'yon? Pano nalang kapag mas iniwasan ka pa niya?

Sising sisi ang isip ko pero galak na galak ang puso ko. Ito ang kauna unahang pagkakataon na lumapat ang mga labi ko sa balat ni Alfonso. Damang dama ko ang pagkalampag ng puso ko nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba.

"Nancyyyy nakakahiya ka!" Ang sarap batukan ng sarili ko pero wala na. Nangyare na at nagawa ko na.

Dali dali akong tumakbo sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Hiyang hiya ako na tuwang tuwa. Magulo ika nga. Magulo ako.

Maaga akong nagising kinabukasan. Inasikaso ko na ang mga dapat ayusin dahil unang araw ko ngayon sa kumpanya namin. Hindi ko man nakuha ang malaking shares ni Ms. Dela Fuente ay ayos lang dahil marami pa naman kaming target na share holders.

"Good morning!" Bati ko kay mommy at daddy. Kasalukuyan na silang kumakain ng agahan.

"Si Alfonso daddy?" Kaaga ko siyang hinanap sa daddy.

"Nasa kanila pa hija. Kumain kana at maaga kayong papasok." Malaki ang ngiti sa mga labi ko. Kila manang Marie pa rin kasi tumitira si Alfonso kahit na inalukan na ito ng bahay ng dad. Ayaw niya raw iwan ang dalawang mag asawa dahil 'yon na lang ang natitirang pamilya nito.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon