K 28.

17.9K 738 87
                                    


Elise:

Halos mag hapon kaming nakahiga ni Shar sa kama. Parehas lutang. Parehas problemado.

Nadinig ko bigla ang tiyan ko na nag rereklamo.

"Ang ingay ng tiyan mo." Sabi ni Shar.

Napanguso naman ako at naupo sa kama.

"Tara kain na tayo. Nagugutom na ako." Sabi ko sabay hingang malalim.

Sumunod naman siya ng upo.

"Gaga 2pm na pala panong di ka magugutom. Well ako din gutom na. Tara baba na tayo." Sabi nito.

"Ayaw pa hatid nalang tayo ng pagkain." Nag iinarte kong sabi.

"Hanggang 3pm lang ang buffet wag kang mag inarte jan. Bahala ka bababa ako." Sabi nito at tumayo na. Tsk mukha talagang pagkain.

Kinuha ko ang VIP card sa drawer para sa buffet. 10am to 3pm lang kasi yon. Sayang naman kung hindi magagamit.

Tumayo na ako at inayos ang sarili. Mugto ang mga mata ko. Oo umiyak ako dahil sa katangahan ko. Pero nagmalasakit lang ako. Hay Elise ang hirap maging mabait. Mabuti nalang maganda ka rin. Sabi ko sa sarili ko sabay pakawala ng hangin.

"Ano sisinghutin mo nalang ba ang air freshener dito sa kwarto? Kanina kapa humihingang malalim sabay buga." Iritableng sabi ng kaibigan ko.

"Miss ko na asawa ko." Napalabi ako.

"Wag kang pabebe diyan Elise di bagay. Basta yung binilin ko sayo gawin mo nalang!" Loka talaga to. Seryoso talaga siya sa sinabi niya.

"Whatever." Walang gana kong sabi at kinuha na ang pouch ko at ang keycard. Nakasunod naman to sakin at lumabas na kami ng room.

...

Lutang ako hanggang sa makapasok kami sa elevator.

"San ba ang buffet?" Tanong niya pero di ko masagot dahil nasa malayong planeta ang utak ko.

Sa asar ay kinuha niya sakin ang VIP card at tinignan kung saan ang venue.

"Sa pool bar ang venue." Sabi nito.

"Yeah." Walang gana kong sagot.

Nakalabas na kami lahat lahat ay lutang parin ako. Kung hindi lang ako hila hila ni Sharlene siguro sa ibang direksyon na ako tinangay ng mga paa ko.

Outdoor ang venue kung saan ang buffet. Malamig naman ang hangin dahil malapit kami sa dagat at humid lang ang panahon. Di maaraw at di rin makulimlim. Katamtaman lang.

Iba't ibang putahe ang makikita. Nakakatakam ng makita ko ang mga pagkain. Nakalimutan ko saglit mag emote dahil sa nagugutom na talaga ako. Nauna na akong kumuha ng plate at nag serve sa sarili ko. Nasa likuran ko naman si Sharlene at ng lingunin ko to ay busy siya sa pagkuha ng maraming pasta.

Nalula ang mga mata ko sa kabundok niyang sandok sa plato niya.

"Mauubos mo yan? Pwede pa naman bumalik baka di ma matunawan." Sabi ko.

"You know me gutom ako. Alam mo kung pano ako magutom." Nakangising sagot niya. Well tama siya, hindi ko nga alam kung saan inilalagay ni Sharlene ang mga kinakain niya dahil sa ganda parin ng katawan niya. Matakaw siya sa matakaw. Barako, parang lalaki kung lumamon.

Sa ganda niya at pino ng galaw, di mo sukat akalaing matakaw siyang kumain.

"Tapos na ako san tayo uupo?" Tanong ko.

"Dun nalang tayo!" Sabi niya at nauna sa pag upo malapit sa pool. Sarado pa ang pool at hindi pa pwedeng mag swimming dahil sa buffet.

Pagkaupo namin ay napansin ko agad ang maliit na papel na nakalagay na talaga sa table. Invitation siya for the pool party na gaganapin mamayang gabi.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon