K 17.

25.2K 757 31
                                    


"How dare you!" Sigaw niya sakin at akmang sasampalin niya ako. Dahil sa pagkagulat ay napapikit ako.

Hindi ko naramdaman ang palad ni Heven kaya dumilat ako at laking gulat ko naman ng makita ko si Nate. Hawak hawak niya ang kamay ni Heven na sasampal dapat sakin.

"What are you doing?" Tanong dito ni Nate.
"N-Nate." Sa gulat nito'y di niya mabigkas ng maayos ang pangalan ni Nate.

"Mr. Salvatore, don't call my first name. I am the CEO." Malalim na sabi ni Nate.

Dinig naman ang bulong-bulungan ng mga tao dahil sa palabas na napapanood nila ngayon.

"Oh my anong ginagawa ng CEO dito?"

"Mukhang malaking gulo to."

"Hindi ba siya yung bagong secretary ng CEO?"

"Ang gwapo talaga ni Sir kahit mukha ng galit."

Samu't saring mga bulungan. Hindi naman to pinansin ni Nate at inayos ang tuxe.

"To my office now." Utos nito si Heven ng biglang tumunog ang elevator at bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko ng iluwa ang President na nakabusangot na ang mukha.

Oh no! The coffee. Kanina pa niya inaantay ang coffee.

Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang mainit na palad ni Nate na humila sa braso ko.

"Where are you going?" Kunot noong tanong nito.

"I said to my office." Sabi nito. Duon ko lang napagtanto na ako pala at hindi si Heven ang sinabihan niya kanina.

"What's happening here?" Tanong ng President at nakapamewang.

"It's none of your business. I came here to fetch my secretary."

"Do We have a problem Mr. Salvatore?" Uminit ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. Maya maya'y sumenyas si Mr. Director at maagang pinag lunch ang mga employees. Walang itinira sa floor at kaming apat lamang.

Hindi siya sinagot ni Nate at kinuha lang ang kamay ko para pumasok sa elevator.

"How unprofessional." Sabi ng President na siyang nagpainit ng ulo ni Nate. Naramdaman ko ang panginginig ng kamao nito at anumang oras ay dadapo na yun sa pagmumukha ng President.

"Nate let's go." Nasabi ko nalang. Ayoko ng gulo hanggang sa maaari. Baka makarating pa to sa lolo at tiyak na hindi niya magugustuhan yon.

"I came here to ask you for a date." Biglang basag ni Heven sa katahimikan. Sinong tinatanong niya? Kaagad ko siyang nilingon at nakita kong kay Nate siya nakaharap.

"No. He's not interested." Agad na sabi ko. Narinig ko ang tawa nito na siyang nagpainit ng ulo ko.

"Elise let's go home." Aya sakin ni Nate. Unang araw kasi ay puro personal problem agad ang tumambad saming dalawa.

"Nate I'm waiting for you to come. 7pm at my crib." Sabi ni Heven.

"I'm not interested." Sabi ni Nate at hinila na ako pagbukas ng elevator. Naiwan silang tulala samin hanggang sa magsara na ang pinto.

"Are you hurt?" Tanong niya ng makita ang daliri ko. Yung napaso mismo ng magtimpla ako ng kape.

Hindi pa ako nakakapag salita ng makita kong hinalikan niya ang parteng yun ng biglang bumukas ang elevator sa 15th floor. Laking gulat ko ng maabutan kami ng ilan pang mga empleyado sa ganong tagpo. Maging sila'y nagulat ngunit wala lang ito kay Nate.

Hanggang sa sumara nalang ang pinto at hindi na sila pumasok dahil sa pagkagulat. Kaagad kong inagaw ang kamay ko kay Nate.

"I can handle this." Sabi ko. Tahimik lang ito at hindi na nagsalita. Hanggang sa nasa parking lot na kami. Tahimik lang akong sumunod sakanya papunta sa kotse niya ng may makasalubong pa kami.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon