K 56.

16.2K 531 106
                                    


Rex:

"Are you sure?" Tanong ulit ni Cloud. Seryoso?

"Seriously Cloud?"

"I mean baka namamalik-mata lang tayo."

"Walang namamalik-mata kung parehas tayong nakakita." Sabi ko habang pinipirmahan ang ilan sa mga papeles para makuha ko na ang kotse ko.

"But—"

"No more buts. Natawagan mo na ba si Elise?" Tanong ko. Ibinigay ko kasi ang cellphone ko rito para mapakinabangan naman.

"Oo kanina pa. Ayaw sagutin at pinatayan pa ako ng phone."

Napailing nalang ako. What do I expect?

"Sir okay na po pwede niyo ng makuha ang sasakyan niyo." Sabi ng babae at binigay sa'kin ang susi.

Dali dali na akong pumunta sa kotse ko at pumasok.

"Get in." Ang tagal rin ng isang to.

"Saan tayo?" Nagtanong pa.

"Tawagan mo ulit si Elise."

"Dude sigurado ka? Alam mo namang mahirap ang pinag daanan ni Elise. Hindi tayo sigurado sa nakita natin. Kailangan natin makasiguro."

Napaisip ako sa sinabi ni Cloud.

"Okay fine. Asan si Milano?" Tukoy ko sa pinsan niya.

"Ah I don't know?"

"Tsk call him. Magbabayad ako ng malaking halaga gusto kong ipahanap si Nate."

"Okay dude." May kilala kasing private investigator si Milano at alam kong malaki ang maitutulong niya.

Ilang oras ang lumipas...

Nakasimangot na dumating si Milano sa bahay ko. Nakaupo ang pinsan niyang si Cloud habang umiinom.

"Hey dude you came." Ani ni Cloud. Pinagmamasdan ko lang sila.

"We need your help." Paninimula ko.

"Wait, alam niyo bang sinira niyo ang bakasiyon ko? I booked a flight to Hawaii." Nakasimangot ang mokong.

"Name your price." Diniretso ko na ito. Kumunot noo naman sa'kin ang gunggong.

"I don't understand." Napabuntong hininga ako at tumingin kay Cloud.

"Okay listen." Paninimula ni Cloud. Ipapaliwanag niya ang lahat.

Tulala at tila namumutla. Yan ang reaksiyon ngayon ni Milano. Kung hindi pa ako pumalakpak sa harapan niya, hindi ata magsasalita ang isang to.

"Tutulong ako. May kilala akong magaling na private investigator." Sawakas at nagsalita na rin ito.

"Problem solve." Ani ni Cloud.

"In one condition."

Napataas ang isang kilay ko ng humirit pa ang isang to.

"Spill it."

"Bayaran mo ang nagastos ko. I booked a flight to Hawaii." Parang bata ang isang to. Paulit ulit.

"I told you name your price." Malaking ngisi ang iginanti niya. Mukha talagang pera.

— — —

Elise:

"Rex tawagan mo ako kapag natanggap mo ang message ko." Nag iwan ako ng voice mail dito. Hindi ko naman kasi alam kung bakit napatawag ang isang 'yun.

Isang katok sa pinto ang pumukaw sa'kin.

"Bukas yan."

Bumukas ang pinto at iniluwal si manang.

My 13 Year Old Wife ✔ | NATE & ELISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon