Chapter 7

41 3 0
                                    


CHANCE

Gabi na nang maisipan kong lumabas para bumili ng mga gamit ko. Nakasuot na ako ng pajama na tinakpan ko lang ng malaking puting jacket. Hindi ko alam kung bakit ako bumibili ng mga gamit. Eh hindi ko nga alam kung nakaenroll nga talaga ako katulad ng sabi ng magkapatid na Senzal. Malakas ang kutob kung tapos na nga ang lahat ng papeles ko roon.

Bumaba ako mula sa jeep na sinasakyan ko pagkatapos magbayad. Dumiretso ako sa entrance ng isang mall na may pangalang 'Prets'ing'. Weird. At ang pangit ng pangalan.

Katulad ng mga mall,malamig at maliwanag ang lahat. Malawak at maraming tao. Karamihan ay puro mga teenager. Malapit na kasi ang pasukan kaya siguro ganito ka-dami ang tao.

"Ahhhhhh!!!"

Umingay bigla ang nasa bandang gitna. Pinalibutan iyon ng mga dalaga habang nangsisigaw at nagtatalon. Maingay rin ang pagtunog ng mga cellphone nila dahil sa pagkuha ng litrato.

"Tss!" napatingin ako sa likod ko. Nakangiwi ang labi ng babae habang mayabang na nakatingin sa mga taong nagkakagulo. Nakasuot ito ng bullcap na kulay itim at malaki at maluwag na shirt na kulay itim rin. Pati ang pants nya ay sobrang luwag.

Gangster ba 'to?

"Dumadami ang mga weird." bulong ko pero sapat para marinig nya. Napatingin ito saaken. Matangkad ako sakanya kaya umangat ang leeg nito para matanaw ako. Mukhang high school pa sya dahil sa kahit na astigin ay mukhang bata paren.

"Oo. Dumadami nga." nagulat ako sa pagsang-ayon nya pero hindi ko yun pinahalata. Umirap sya ulit habang nakatingin sa nagkakagulo bago sya tumalikod at naglakad paalis.

Umiling ako sa kawerduhan ng babaeng tomboy na iyon. Bago naglakad palagpas sa mga taong sobrang nagsasaya. Tumingin tingin ako sa mga store na nadadadaan ko habang nabibingi sa mga sigaw nila.

"Ang gwapo nya talaga!!!" sigaw bigla ng isang babae.

"Para syang anghel!" naubo ako bigla bago sila nilingonan.

"Relax,girls. Hindi kayo mauubusan. We have a lot of stock! You don't have to shout. Alam kong anghel ako. Pero masakit na tingnan ko." nangiwi ako. Hindi dahil sa sinabi kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon galing sa microphone. Mas lalong umingay ang paligid at nagtutulakan na.

Humakbang ako papalapit para masilip ang binibinta nya. Anong meron?

"Angel Marco,sampu saaken!"

"Bibilhin ko lahat ng iyan,para lang sayo!"

"Pahalik!!"

"What? Kiss?" iritadong tanong nya sa nagsalita. Tumahimik bigla pero andoon parin ang mga tumitiling sikreto. "I'm too young for that! Mommy will freak out hearing that noise! Well, She will eventually hear you because there's a CCTV camera here." nakataas ang dalawang kilay nito na parang bata. Childish nga naman. "I don't want to hear that again,woman."

"S-sorry,Marco." nagulat ako ng biglang ngumiti si Marco na parang nilooban ng masamang ispirito.

"But that's okey. Mommy is busy right now with our business. No one will give the info."nagtawanan ang mga babae ulit at bumalik ang ingay.

"Anim saaken!" sigaw ng babaeng malapit saaken. Napatingin si Marco sakaniya pero agad akong napansin kaya natigil ito at nagulat.

"Sungit!" sigaw nya bigla. Napatingin ang mga babae saaken at agad nangunot ang noo. "Give way!" agad na bumuka ang mga babae para bang daanang papunta sakanya. "Hahaha. You wanna buy,too?" tinaasan ko sya ng kilay pagkatapos ay ang mga pinamimili. Puro medyas iyon na may iba't ibang kulay. May long sack at may half sack rin.

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon