ZALFREDONagising akong masakit ang ulo. Naramdaman ko ang lamig ng paligid pati ang lambot ng kinalalagyan ko.
Saan nga pala ako?
Binuksan ko ng dahan-dahan ang mata ko pagkatapos ay nilibot sa kabuoang anyo ng kinaroroonan ko.
Plain white and gray lang ang kulay na nakikita ko. Sa malayong gilid mula sa kamang kinahihigahan ko ay isang malaking flat screen tv. Nakita ko rin ang airconditioner na nasa taas lamang ng tv'ng iyon. Simple at elegante ang mga disenyong nakasabit sa mga dingding. May dalawang vase roong may lamang bulaklak na puti na hinaluhan ng itim na bulaklak.
Bumangot ako at kinusot ang mata. Nasa bagong tirahan na ako. Sa komportableng tirahan.
Nakita kong may dalawang pinto dito. Bumangon ako at naglakad sa pinto malapit saaken. Binuksan ko ito at sinilip. Banyo. Pumasok ako roon habang pinagmamasdan ang laki ng banyo. May tub,shower,lababo,salamin,at simpre ang inidero. Napansin ko ang isang pintong nasa gilid ko lamang. Binuksan ko iyon at nagulat ako ng bumungad saaken ang kwartong puro damit ang laman at mga sapatos. Mga panlalake iyon kaya agad kong sinara.
Bakit may mga damit dito? Akala ko ba aken ito? Lumabas ako ng banyo hanggang sa labasan ng kwarto. Bumungad saaken ang malawak na sala pati ang kusina. Malinis at malamig pati rito.
Naglakad ako papuntang kusina para maghanap ng makakain. Binuksan ko ang ref at nakita ko ang iilang pagkain roon. Ok na ito.
Naupo ako at napatingin ako sa malaking salamin kaharap ko. Sakop nito ang buong katawan ko.
Nasamid ako ng mapansing hindi ito ang suot ko kahapon! Agad akong napatayo at tiningnan ang suot kong pajama. Akin ito pero hindi ko naaalalang nagbihis ako. Diretso akong nakatulog ng makarating ako dito dahil sa sobrang hilo!
Shit! Sinong nagbihis saaken!?
Agad akong tumakbo sa kwarto para maligo. Kinuha ko ang toothbrush ko pati ang tuwalya ko para makapuntang school. Anong oras na ba?
5:03 a.m.
Humanda ka saaken, Lance!
Ipit ang katawan ko ang tuwalya pagkatapos kong maligo habang pinupunas ang basang buhok ko ay lumabas ako mula sa banyo habang nagmamadali.
Tss! Paano ba ako nakatulog ng ganun ka bilis!? Ayist!!
Nagbihis agad ako ng ripped jean at isang off shoulder blouse pink. Hindi ko na idedetalye dahil nagmamadali ako.
Dala ang bag ko ay lumabas na ako. Sinara ko ang lahat ng pintong nadaanan ko pati sa labas. Tinakbo ko ang daanan kahit hindi ko ugaling tumakbo. Naiirita agad ako!
Hindi ako pwedeng mag-elevator!
Kaya mukhang matatagalan ako sa pagbaba. Twelve floor ang lalakbayin ko. Next time,pag-aaralin ko ang pagsakay roon.
Akala ko pa naman,sa pagtira ko gagaan na ang buhay ko. Tss.
Pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo ay natanaw ko na ang groundfloor. Napahawak ako sa bewang ko dahil hinihingal ako ng sobra.
Mukhang mas gusto kong doon na lang sa dating apartment ko.
"Amanda?" agad na umangat ang ulo ko dahil sa boses na iyon. Umasim ang mukha ko at gusto ko na agad syang sampalin. "You used the stairway, pero mukhang tumakbo ka. Hindi ka paman malalate-"
"Sinong nagbihis saaken, Lance?" nagulat ito sa tanong ko.
"Hey, wait. You don't have to be mad-"
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘