Tumikhim ako para agawin ang atensyon ni Xyzoe. Kanina pa ito nakaupo sa maliit na upuan namin dito sa sala. Nasa labas si nanay para mamalengke. Hindi kame nagpapansinan pero dahil madilim na rin, kailangan muna naming manatili dito.
"Sigurado ka bang hindi tayo uuwe?" tanong ko sakanya. "Pwede naman tayo bumiyahe ngayon-"
"I can't risk you."
"Pwede namang ikaw nalang muna-"
"I can't leave you here." seryoso nyang sagot. Bumuntong-hininga ako at naupo malayo sakanya. Napatingin sya sa distansya namin bago ulit saaken pagkatapos ay tumaas ang kilay nya. "Your insulting me, baby." ngumiti ako at umiling.
"Baka dumating si nanay." sagot ko. Nawala ang nakataas kilay nya at sinandal ang ulo sa braso nya habang nakatitig saaken.
"So, your saying...I can't hold you while you we're here at your home?" tumango ako at ilang na ngumiti. Tumayo ito bigla na kinagulat ko. "Then, let's go. We'll leave now." nakakunot-noo nyang sambit.
Natawa ako at napailing. Hinila ko sya paupo. Napatingin sya bigla sa kamay kong hawak ang kamay nya. Napangisi sya at napataas ang kilay. Inalis ko iyon at sumandal paharap sakanya.
"Sige, iwan mo na ako dito." nakanguso kong sabi habang nakataas din ang kilay ko. Sumandal din ito paharap saaken.
Para kameng mga teenager na nagliligawan sa sala.
Napangiti ako ng di ko na mapigilan. Ngumiti rin ito at umusog para lang abutin ang pisngi ko. Hinawi nya ang buhok ko at sinabit sa tenga ko habang sinusundan iyon ng tingin.
"Until now, I can't believe I'm holding you like this. You were so distant and elevated. You were so cold as ice. Now.." tumaas ulit ang kilay nya at tumawa ng mahina. Sinimangutan ko sya at tinaasan ang kilay.
Siguraduhin mong maganda ang lalabas dyan sa bibig mo.
"...Hot as fire." naitapon ko sakanya ang unang nasa kabilang upuan dahil roon. Tawang-tawa sya habang hawak pa ang tiyan. Humahalakhak pero hindi masyadong malakas kung tumawa. Napatitig ako sakanya at napangiti.
Sobrang saya nya.
"Dumating na ako!" natigil ito bigla sa pagtawa ng marinig si nanay. Sinilip kame ni nanay habang nakangiti at namumula ang mata sa pag-iyak kanina. "Magluluto ako para sa kakainin natin."
"Tutulong ako, nay." mahinang sambit ko pagkatapos ay tumayo. Kumislap ang mata ni nanay bigla at nawala ang ngiti.
"Talaga, anak?" hindi ko sya sinagot.
"I'll help." sabay tayo rin ni Xyzoe. Nagulat ako at napatitig sakanya na nakatingin saaken tapos ay kay nanay. "Pwede po ba akong tumulong, nay?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Napatingin ako kay nanay na gulat ring nakatitig kay Xyzoe pero unti-unti ring napangiti at tumango.
"Sige. Sige, anak." sagot nya rito. Napanganga na ako sa naging sagot ni nanay habang pinagmasdan syang papuntang kusina.
Narinig ko ang tikhim ni Xyzoe pati ang pagngisi nya. Sumipol ito sa likod ko pero di ko na sya malingunan sa gulat ko.
"Anak daw nya ako, baby. Ano kayang ibig sabihin 'nun?" mapanuya nyang bulong pagkatapos at nilagpasan ako papuntang kusina.
Napaupo ako muli at napatunganga sa kawalan.
Nay? Anak? Huh!
Tumayo ako at nagmartsa papuntang kusina habang masama ang tingin sakanila. Hinanda ko na ang ekspresyon ko pero natigil din ng marinig sila.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘