Chapter 33

26 3 0
                                    

"Why don't you ask me para malaman mo ang sagot sa lahat ng katanungan ko." itinaas ko na ang kilay ko bago sya lingonan mula sa likod. Nakaalalay na naman ang mga nurse nya. Pati ang mommy ni Rax ay tumayo na para alalayan sya.

"This is not the right time for that, Celestina. Ako ang sasagot ng mga tanong nya." singit ni Dean. Tumawa bigla si Senyora habang paupo sa kasalungat ng kinauupuan ni Dean. Ngayon ay magkaharap silang nagsusukatan ng isip.

"Hindi mo naman sinasagot ang bata. Bakit hindi mo ako pabayaang magsabi, total ako naman ang may mas nakakaalam." nanliit ang mata kong tinitigan sya.

Anong alam mo, senyora?

Bumaling sya saaken ng may matamis na ngiti. Nasa likod nya ang nag-aalalang anak habang nakatingin saaken.

"Simulan natin sa unang araw ng nanay mo sa bahay na ito bilang katulong." nanlaki ang mata ko sa gulat.

Anong katulong? Si nanay katulong dito? Sa mansyong ito?

"Celestina! I told you to stop it!" pero hindi nya iyon pinakinggan. Pati ako ay hindi ko maialis ang mata ko dahil naghihintay ako ng idudugtong nya. Gusto kong malaman ang lahat!

"Narinig mo ako? Katulong dito ang ina mo habang bagong kasal naman ang anak ko at Raniel. Then, your bitch flirt mother seduce-"

"Senyora Celestina!" biglang sigaw ng daddy ni Rax shabang sinusubukang tumayo.

"Raniel!/Dad!" sabay na sigaw nila ng muntik na itong matumba kung di lang sya nasalo ng wheelchair nya. Napatayo rin ang lahat dahil sa pag-aalala pero hindi ko iyon maramdaman ngayon.

"Ituloy mo." utus ko ng may diin. Nangisi sya at muling tumahimik.

"Your bitch mother seduced Raniel kaya ka nabuo. And you know the worst?" diin na diin kong kinuyom ang mga kamao ko galit.

"This is crazy." bulong ni Marco.

"Your bitch mom stayed here even we already disposed her!" nakarinig ako ng mga singhap at mura. Pero ayaw kong matinag sa mga salita nya. Gusto kong magkaroon ng kompleto detalye. "Sinabi nyang mahal sya ni Raniel kahit na may asawa na sya at ang anak ko iyon!" sigaw nya.

"La." singit ni Rax ng may pagmamakaawa.

"But becaused she was so brat like you, I have no choice but to dragged her to hell. At kung ano man kayo ngayon ng nanay mo, kasalan nya iyon because she wounded my daughter! Kasalanan nya kaya namatay ang bata sa sinapupunan ng tiyan ng anak ko."

Para akong dinamba sa dibdib sa gulat. Pakiramdam ko natumba saaken ang buong mundo dahil sa narinig. Umangat ang ulo ko sa anak nyang umiiyak ng tahimik. Sumikip ang dibdib ko bigla.

Nakapatay si nanay ng bata. Kapatid ni Rax. Kapatid ko.

"See? Your mother is murder! At pagkatapos ay malalaman nalang naming nakikipagtalik sya iba't ibang trabahador dito!?"

"Hindi totoo yan!" hindi ko na napigilang sumigaw. "Hindi magagawa ni nanay iyan!" hindi ko na kayang makinig sakanya dahil hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ni nanay.

"So, your saying now that I am lying, eha?" inis na inis ko syang tinitigan bago binalingan si Dean para ikomperma. Pero halos manghina ako ng yumuko lang ito.

Parang biniyak ang puso ko ng ilang beses. Napahawak ako malamig na lamesang nakikita ko ang repleksiyong ko roong nakakaawa na.

Umiling ako at di makapaniwalang tumingin sa daddy ni Rax. Humihinga ito ng malalim na para bang galing sa takbuhan.

"Hindi mo pala ako anak?" gulat na gulat syang nag-angat ng tingin saaken. Biglang kumirot ang puso ko dahil basang-basa ko sa mukha nya ang di-gusto nya sa sinabi ko.

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon