PARTYTulala akong muli habang nakaupo sa kwarto. Tapos ko na iligpit ulit ang mga damit kong nilabas ko kanina. Bumalik sila sa eskwelahan para ituloy ang nahudlot na pag-aaral. Ako ay nanatili dito para ibalik muli ang dapat ibalik.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Neerrah bago sila umalis..
"Tonight! Susunduin ka ni Lance!"
Bakit pa kailangang may welcome party iyong mokong na iyon?
Tumahimik ka, Amanda! Ang lalakeng iyon ang mapapangasawa ng kapatid mo. Stop torturing him within your mind.
Tiningnan ko ang oras.
6:04 P.M.
Hindi ko alam kung anong oras akong susunduin. Wala silang sinabing oras.
Naligo nalang ako para makapaghanda na. Mas mabuting handa kesa sa maghintay.
Muling bumalik sa isip ko ang nangyare. Mula pa nung sa school.
Kung siya ang pumalit..bakit naman nya papalitan? Ngayong matanda na ako? Yung alam ko na ang lahat ng nangyayare. Ngayong panahon na kinamumuhian ko sya na hanggang ngayon ay nagtutuloy tuloy pa? Andito ako para sa pangarap ko at pati na rin sa mga kapatid ko. Labas ang ibang bagay. Labas na sya roon.
Narinig ko ang pagtunog ng kung saan. Alam kong sa pinto iyon. Unang beses ko na iyon narinig 'nung pumasok si Barreen kanina galing sa labas dahil bumili sya ng makakain.
Lumabas ako suot ang robang puti. Binuksan ko ang pinto at bumungad saaken si Lance na nakaarmy outfit.
"Ah..may duty ka?"sarcastic kung tanong. Tiningnan nya ang sarili nya. Shit! Nakaroba lang pala ako. "P-pasok ka. Mabilis lang!" agad akong tumakbo at sinara ng mabuti ang pinto ng kwarto ko. Hoo! Tanga mo!
Sinuot ko ang kulay itim kung baby doll dress na above knee na pinarisan ko ng flat glandiators sleepers na kulay itim rin. Naglagay ako ng kaunting make-up at red lipstick at hinayaan kung bumuhaghag ang buhok ko.
Lumabas agad ako pagtapos kong maglagay ng kaunting pabango.
"Tara na."sabi ko habang naglalakad papuntang kusina para uminom kaya hindi ko na nakita kung ano bang pinagkakaabalahan nya sa sofa.
Nagsalin ako ng tubig mula sa ref at nilagok iyon ng isang beses. Pagkatapos ay lumabas ako roon para maglakad na papuntang pinto pero natigil ako ng makitang nakaupo parin si Lance roon habang nakayuko.
"Hoy?"pukaw ko ng atensyon nya pero nagbuntong hininga lang ito. "May sakit ka?"kunot noo kong tanong. Nilingonan nya ako at medyo nagulat ako sa kakaibang tingin nya. "L-lance.."
"I'm sorry."paumahin nya ng diko alam kung bakit sya nagsosorry. Tumayo sya at binulsa ang kamay sa army jeans nya habang nakatitig saaken. Ngumiti sya pero parang kulang. Hindi ngiting lagi kong nakikita sakanya. "You look really pretty."natawa ako nang hindi ko rin alam na dahilan.
"Mukahng hirap na hirap kang aminin,ah. Tss. Ano? Tutuloy pa ba tayo o lalabas kana lang mag-isa?" umiling ito ng nakangiti.
"We'll go."tumango ako at nauna ng lumabas. Sumunod sya pagkatapos ng buntong hininga.
Dumaan kame ng hagdan para maiwasan kong malasing ulit. Kailangan ko na talagang sanayin na sumakay roon. Mabigat na ang paa ko sa kaaakyat.
"Your wearing too perfect."nilingonan ko sya mula sa likod. Nauuna ako sakanya at kahit na kaya naman nya akong habulin ay nanatili itong nasa likod ko.
"Bakla ka ba? Maganda ba talaga ako o nagagandahan kalang sa damit ko? Bilhan kita gusto mo?" irap ko sakanya. Narinig ko ang pagtawa nya at pagsinghap.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘