Chapter 34

23 2 0
                                    

"Amanda, you have to rest." rinig kong sabi ni Rax mula sa likod ko. Nasa kwarto kame ngayon ng daddy nya. Kanina pa ito tulog ng nakangiti. Hawak-hawak pa ang kamay ko kanina lang na para bang aalis ako kung kailan ko gusto.

Gusto kong umalis. Gustong-gusto ko. Pero hindi para lumayas kundi para komportahin si nanay. Hindi ako makapaniwala sa nagawa nya. Pinaniwala nya akong masasama silang tao. Sobra ang pagsisising nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nag-aksaya ako ng panahong kinamumuhian ko sila.

"May pupuntaha ako." sagot ng walang lingon sakanya. Pinasadaan ko ang kabuoan ng daddy nyang walang lakas.

"Where? You promised, sis."

"Pupuntahan ko si nanay." narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nya bago naupo sa kabila.

"Pero babalik ka diba?" tanong nya habang nakatingin ng mariin saaken. "Tss. I'll go with you, then." nginiwian ko sya at inilingan.

"Wala syang kasama dito." tukoy ko sa daddy nya.

"You'll call him 'Daddy' na, right?" tanong nya ng nakangisi saaken. Inirapan ko sya ng seryoso bago tiningnan ulit ang ama. "You know, dad was really damn excited to be with you. Even he's sick. He's still finding himself how to live with you. Nakita mo na naman ang ginawa nya kanina, he almost consumed all his strength but he'd still managed to smile to show you how much he's happy." tumango ako habang nakatitig parin sa ama namin.

Ama Namin.

Ama Namin.

Ama Namin.

"Hey! Why are you crying again?" umiling ako ng umiling. Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa tagal ng panahon, ngayon ko lang naramdaman ang merong nababanggit na ama. Sobrang sarap sa pakiramdam. "You must be very happy too." tumango ako ng tumango.

Tama. Sobrang saya ko. Sobra-sobra.

Lumabas ako pagkatapos ng ilang minutong pananatili sa loob. Sinamahan ako ni Rax bumaba at tulad ng porma kanina, nandoon parin silang lahat sa pwesto at naghihintay dahil sa sabay-sabay na pag-angat ng tingin nila saaken. Tumayo ang mayor. Ang papa nila Neerrah. Sinalubong niya ako habang nakabukas ang braso na parang magpapayakap.

"Welcome to the family, then?" tinitigan ko ang maamo nyang mukha. Para itong si Neerrah kung ngumiti pero kamukhang-kamukha ni Barreen pagseryoso.

Tinawid ko ang distansya naming dalawa bago tinanggap ang yakap nya. Nakarinig ako ng pagsinghap at pag-iyak mula sa kinauupuan nila pero di ko na iyon nagawang lingonan dahil sobrang natiklop ako ng malaking katawan ni Mayor.

Humiwalay ako sakanya at tsaka niyakap ang papa nina Lance na nasa gilid ko na rin pala. Seryoso ito pero makikita sa mata nya na masaya sya.

"You made a very good decision, eha." bulong nya saaken.

"Oh my god. I can't believe this! Raniel will surely going back! Welcome, Amanda." ngiting-ngiti ng mama ni Xyzoe na umiiyak. Nasa gilid nya si Xyzoe na nakaangat ang gilid ng labi na parang nampipigil ng ngiti. Niyakap ako ng mama nya habang nagpupunas sya ng luha kasunod ang papa nya.

"Sophie." napatingin ako kay Mayor dahil sa matigas nyang tono bago ang tinawag nya. Nakaupo parin ang asawa nyang masama ang tingin kay Mayor.

"Let her, Semon." matigas na sabi ng papa ni Xyzoe.

"Ahhhh! Amanda!" nangiti ako at agad na sinalubong ang yakap ni Neerrah. Umiiyak ito pero sobra-sobrang ngiti nya. "Welcome! Welcome! Welcome! I'm super happy!"

"Salamat." sagot ko.

"Welcome, ate." si Xyie. Niyakap nya ako ng nakangiti rin. Mapula ang mata nya dahil umiyak rin ito.

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon