"Baby." minulat ko ang mata ko at dahan-dahang syang hinarap. Kung kanina sa bahay ay sobrang galit ko na halos magbasag na ako roon sa bahay, ngayon ay sobrang lamig na ng pakiramdam ko. Nawalan bigla ako ng emosyon at para nalang nakatitig sa isang walang silbing bagay saaken. "Why are you here? Sinabi mong hindi ka uuwe ngayon kaya hindi ka sumama saaken sa pagbalik dito. Sana sinabi mo para mabalikan kita at masundo." igting bagang nya. Napatawa ako sa ere dahil sa akto nya ngayon sa harap ko.
"Wala ka ng time na masundo mo ako. Busy ka dito. Paano ka magkakaroon ng oras saaken? Nakarating na ako kaya wag ka ng magsermon."
"Hindi ako nanenermon, Amanda! I am worried."
"Worried? Eh, mukhang nakaligtaan mo na nga ako, eh. May ganito ka palang pinaghahandaan. Sana hindi kana nagbakasyon pa saamin para makapaghanda ka ng mas mabuti." malamig na sambit ko habang nakangisi.
Nagdilim ang mukha nya at humakbang pasulong saaken.
"Isang hakbang mo pa, sisigaw ako. Hindi mo naman ata kayang sirain ang gabing ito lalo na't espesyal ito say-"
"Shut it." mariin nyang sambit. Natawa na ako at napatingin sa mga bisita nya. Maingay parin sila dahil sa dalawang nagsasalita sa entablado.
"Congrats nga pala. Engagement day mo pala. Hindi mo man lang ako-"
"Stop being sarcastic, Amanda. This thing is unexpected-"
"Ganyan talaga. Katulad mo, unexpected na darating at unexpected ding aalis." malamig kong sabi. Kinagat nya ang ibabang labi nya para alisin ang frustration nya sa sarili. Nagbuntong-hininga at nakapamewang na humarap ng mabuti saaken.
"I'm not leaving!" sigaw na nya. Nagulat ako roon at napatingin sa gilid namin kung saan naroon silang lahat. Walang napatingin saameng direksyon kaya agad akong nagpasalamat.
"Doon rin ang punta ng laro natin."
"Who is playing here, Amanda? Are you still doubting? I told you everything-damn. That's not the right to say now. Why are you here again, Amanda?" galit na galit nya tanong. Para bang anytime ay kakainin nya ako ng buhay.
Hindi ko sya sinagot. Narinig ko ang marahas na singhap nya bago ito sumabog.
"It's fucking 6 pm! Madilim na! Paano kung may mangyare ng di ko nalalaman? You think I wouldn't die seeing you hurt? Damn, Amanda. You were so careless!" biglang nag-init ang ulo ko. Mabilis ang mga hakbang kong lumapit sakanya para itulak sya pero walang silbi iyon.
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan dahil hindi mo alam ang nangyare saaken doon saamen! Wala kang alam!" madiin kong sambit. Nanginig ang luha ko na mabilis na tumulo katulad ng lagi kong inaasahan.
Nawala agad ang kunot-noo at igting bagang nya ng makita ang mga luha kong nagsipatak. Gulat nya iyong sinundan at napahakbang ng mabilis saaken.
"Baby.." hinawakan nya ang kamay ko pero mabilis ko iyon inalis at nagpatuloy sa pagtulak sakanya.
"Kung alam ko lang na magiging tama lang si nanay edi sana sa simula palang wala na akong inasahan sayo, gago ka!" muli nyang sinubukang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong iniwas sakanya. Galit ko syang tinitigan at tumayo ng tuwid. "Nagkamali ako sa pagsuway kay nanay. Nagkamali akong pinagtanggol kita mula sakanya!"
"Baby...please. let's talk. I want us to talk first. Don't say anything first. Please, baby." umiling ako at nagpunas ng luha.
"Sawa na akong umiyak, Xyzoe. Namamanhid na ang buong pagkataon ko. Pakiramdam ko pasan ko na lahat ng malas sa buhay. I'm sorry. Sorry kong hindi ko matutupad ang pangako ko."
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘