Chapter 45

105 5 6
                                    

Nanatili ako sa klase namin pagkatapos ng break. Katulad ng sinabi niya, halos wala na akong ibang naging galaw sa upuan ko kundi ang makinig lang sa mga pumapasok sa klase.

'You behave, baby.'

Nag-init muli ang pisngi ko ng maalala iyon.

Pagkatapos ng mahabang klase ay bumaba lang ako ng oras na ng uwean. May naging pagsusulit kame kanina na kahit na preoccupied ang utak ko ay nagawa ko paring masigurado lahat ng sagot ko ng walang mintis na mali.

"Perfect, nuh?" inirapan ko si Brian. Katatapos ng masyadong awkward na break kanina, heto paren siya at nakasunod saaken na parang buntot ko.

He looks okay naman na parang walang nangyare kanina. Hindi rin ako tinanong tungkol doon.

"Kanina ka pa nasa labas ng klase namin?"

"Yeap! I was waiting for you. Ihahatid kita sa inyo." nangunot ang noo ko at natigil sa paglalakad. Nilingonan ko ang ngiting-ngiting mukha niya habang nakatingin saaken ng matagal.

"Hindi mo gagawen yan." sabay lakad ko agad ng mabilis.

"I want to meet your new family." doon lamang ulit ako natigil at hinarap siya. Seryosong seryoso itong nakangiti saaken. Walang kutya o kahit na anong masama sa likod ng ngiti na iyon.

"Malayo dito ang bahay namin-"

"My car can bear that." napangisi ako at napailing na lamang.

Bago pa ako makatanggi ulit ay tumunog ang cellphone ko mula sa bag ko. Agad ko iyong kinuha sa bag ko at tiningnan ang caller.

'Rax'

"Hello, bakit?" sagot ko habang nakatingin sa kaharap kong palihim na nakikinig.

"Dad found out about that Brian boy. You have to bring him here."

"A-ano!? At paano niya nalaman, ah?"

"Hmmm. Let say..someone I can't tell. Hahaha. You have no choice, sis. Dalhin mo siya dito bago pa atakehin si dad." nasapo ko ang noo ko sabay iwas ng tingin kay Brian.

Paanong nalaman nila!? Ayiest!

"What's wrong?" binalikan ko siya ng tingin bago nagbuntong hininga.

"Saan ba nakapark ang sasakyan mo?"

Mas lalo pa akong nainis ng makita ang malawak niyang ngisi. Hindi kita isasama kung hindi kailangan!

"W-wow. Maliit ang bahay niyo."

"Tss." irap ko. Kanina pa ito nakanganga sa harap ng pintuan ng bahay namin habang naghihintay kameng pagbuksan ng security.

"Kayo po pala yan, ma'am. Magandang hapon po!" ngiti sa aken ng tagabantay. Nilipat pa niya ang tingin sa kasama kong nakanganga paren.

"Magandang hapon rin. Pwede na ba kameng pumasok?"

"Ah! Opo! Pasinsya na po, ngayon ko lang po kasi nakita ang kotse na'to kaya akala ko kung sino." ngiting sagot niya. "Buksan niyo ang pinto!" sigaw niya bago sinunod ng dalawang kasama niya na nagtulak sa malaking pinto. "Pasok na po kayo."

"Salamat, manong." sukli ko bago sinarhan ang bintana ng kotse ni Brian. Tinapunan ko siya ng tingin pero ganoon pa rin ang porma niya. "Nganganga ka lang ba dyan hanggang sa pagsarhan ulit tayo?"

"H-huh? I'm sorry. I was stunned." inirapan ko ulit sya habang natataranta siyang paandarin ang kotse niya.

Pinatigil ko lamang ang kotse niya ng makita sila tatay, Rax at Mexiel na nakatayo sa labas ng bahay. Pawang nakatanaw sa kotse ni Brian na parang nakikita kame sa loob nun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon