Chapter 32

29 3 0
                                    

"What do you want?" ngumuso ako at ngumiti. Hindi ko maiwasang maipakitang masaya ako. Tinanong nya ako kung bakit namatay ang tawag nya kanina pero hindi ko nasagot dahil sa sobrang saya ko. Alam nyang may rason kung bakit ganun ako kanina pero hindi nya iyon kinuwetsyon pa.

"Pagkain?" sagot ko ng patanong. Nakakunot ang noo nya ng balingan nya ako. Naglalakad kame sa gitna ng mall at halos lahat ng nadadaanan naming mga babae ay napapatingin dito sa kasama ko.

"Kumain tayo, diba?"

"Oo. Pero gusto ko ng ice cream and tinapay. Na miss ko iyon sa umaga." sagot ko ng nakangiti pa rin. Alam kong nakatingin sya saaken pero hindi ko magawang tingnan sya pabalik.

"Is that your breakfast in your home?" nakagat ko ang labi ko sa tanong nya.

"Hindi."

"I mean, at your home. Your real home, sis. Not the condo." tinuro ko ang nadaanan naming cafe.

"Doon tayo!" mabilis akong pumasok ako kahit na hindi pa naririnig ang sagot nya. Naupo ako sa pinakadulong lamesa habang iniikot ang paningin sa loob. Iniwas ko ang tingin ko sakanya ng makita syang naninimbang ang tingin saaken. Naupo sya sa harap ko tapos ay naghalukipkip.

"Aman-"

"Gusto ko ng isang galoon ng vanilla ice cream at mainit na cheese cake." putol ko ng nakangiti sakanya. Iniwas ko lang ang tingin mula sakanya ng magbuntong-hininga ito bago tumayo para omorder.

Nawala agad ang ngiti sa mukha ko. Alam kong tinitiis nya lang ang galit nya pero alam ko rin na hindi magandang awayin sya kaya may gustong ganito nalang. Walang magbubukas ng paksa.

Napukaw ang atensyon ko sa iba ng mapansin ang medyo babaeng maliit na blonde ang mahabang buhok. Naglalakad ito papuntang kung saan pero agad rin akong napatayo ng makilala sya.

"Xyie!" tawag ko mula sa pwesto ko. Agad syang napatingin saaken ng may gulat bago naglalakad papasok na parang nahihiya.

"Good morning po, ate Amanda." ngumiti ako at inalok ang upuan sakanya. Nahihiya pa syang naupo roon. Para syang si Maria Clara sa sobrang iksi ng galaw nya. "Sino pong kasama nyo, ate?" tiningnan ko si Rax na nasa counter pa rin. Mukhang di alam na narito si Xyie.

"Si Rax." nakangiting sagot ko. Pinagtitigan ko ang mukha nya at di ko inaasahang iyon ang makikita kong reaksyon sa mukha nya. Malungkot na parang naiiyak.

"T-talaga po?" nawala bigla ang ngiti ko sa naging reaksyon nya. Anong nangyare? Hindi ba sila bati?

"Ah.. May gusto ka ba?"

"W-wala po. Aalis lang po ako. I just want to greet you. Nagmamadali rin po kasi ako. I hope you don't mind." nahihiyang sambit nya. Nagulat ako ng tumayo na sya kasabay ng paglapit ni Rax dala ang isang tray. Nakatayo malayo saamen habang nakatitig sa likod ni Xyie.

May nangyare nga sakanila.

Natigil agad si Xyie ng mabungaran nya si Rax na nakatayo sa likod nya. Natigil sila pariho pero naunang gumalaw si Rax para ilapag ang tray.

"Matakaw yang mata mo kaya ubusin mo yan." sambit nya habang nilalapag isa-isa ang binili na parang wala si Xyie sa paligid.

"Xyie, maupo kana muna." yaya ko. Lumingon agad sya saaken ng may ngiti pero hindi nakaligtas saaken ang malungkot nyang mukha.

"Thank you nalang po, ate. Nagmamadali po talaga ako. Maybe next time when you alone." napatingin ako kay Rax sa naging sagot niya.

Alone! It means, pag walang Raxiel!

Nakaigting ang panga nya habang nakatayo parin at nakatingin sa mga pagkain.

"Oh, sige. Wala ka bang kasama?"

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon