TAKING"Waahh! Amanda!" sigaw ni Brian ng makita ako. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan base sa edad nya. Nakashades at nakasuot ng pormal na sapatos. "Akala ko di ka a-attend,eh! Muntik pa kitang sunduin sainyo." nanlaki ang mata sa sinabi nya.
"Alam mo ang bahay ko?" tanong ko. Tumawa sya at umiling.
"Hindi nga,eh. Kaya hindi na kita pinuntahan. Handa na ang mga kaklase natin. Nasa van namin sila." sabay turo sa likod ng kotse nyang dilaw. May nakapark roong dalawang van na puro puti. Binuksan nya ang passenger seat ng kotse nya at nilahad saaken. " Unang beses mo itong sumakay sa kotse ko kaya kinakabahan ako. Baka kasi sanay ka sa mga kotse nyo." hindi ko na ito pinansin at pumasok na tsaka nya sinara.
Mabango, ah. Lalake talaga. Mahalaga masyado ang kotse.
"Set your belt." ngiti nya ng makapasok. Parang sira. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Alam kong hindi nya ako papalabasin if ever na pagtawanan ko sya pero mas mabuting manahimik para di humaba ang usapan. "Komportable ka ba?" tanong nya pagkatapos paandarin ang makina ng kotse. Tiningnan nya ako ng nakangiti na parang nahihiya. Ngumiti ako ng peke bago naupo ng maayos at sa bintana na tumingin. Narinig ko ang pagtikhim nya tsaka ko naramdaman ang pag-andar ng kotse nya kaya hindi ko na sya tiningnan.
Tumahimik muli ang isip ko habang pinagmamasdan ang daang papuntang syudad. Pangalawang beses ko pang makadaan dito. Una, noong pumunta akong national bookstore. At nakita ko doon ang isa sa mga kapatid ko kuno. Hindi ko alam kong kapatid ko ba talaga sya o hindi. Pero malakas ang kutob kong pariho kame ng dugong nananalaytay sa buong katawan namin at magkapariho rin kame ng hugis ng mata. Wala akong nababalitan sakanila dahil nga sa ayaw ni nanay na magkaroon pa ng koneksyon sakanila. Bukod din doon, ayaw ko rin na makilala sila. Nagkainteresado lang ako doon sa scholarship ng eskwelahan nila. Ayaw ko talagang nag-aaral ako sa mga mabababang paaralan sa kadahilanang gusto kong maabot ang ano mang gusto ko sa malinis at walang problemang paraan. And that school is the best choice.
Tumingin ako sa paligid ng mapansing nasa syudad na kame. May mga matataas na gusaling nakatayo kahit saan at puro sementado ang daanan. Maingay at sobrang trapik.
"Kumain ka ba sa bahay niyo?" tanong ni Brian habang natraffic kame. Tumango ako kahit na ang totoo ay hindi. Maaga akong nagising para magbasa. Wala na akong oras kumain o kahit na uminom ng kape. Maaga rin akong umalis para matakasan si nanay. Buti hindi nya alam ang araw ng examanation. "Baka gusto mong bumili ng makakain?" umiling ako habang di sya tinitingnan. Napatingin ako sa gusaling pinasukan ko nung pumunta ako dito. National bookstore. Sigurado akong pupunta pa ako dyan.
Lumiko kame sa gusaling katapat ng store na'yun. Mukhang malapit na kame sa school na pupuntahan namin.
"Pumupunta ka dito,diba?" tanong ulit nya. Lumunok ako bago sya nilingonan at tumango.
"Oo naman. Dito ako laging tumatambay pag walang magawa. Malling." tumawa ito bigla.
"Talaga?! Lagi akong nandito kasama si lolo pero hindi man lang tayo nagkikita. Saang mall ka ba madalas?"
"Huh?..malayo pa ba tayo? Nagugutom ako eh." palusok ko. Nanlalaki ang mata nito.
"Sabi mo hindi ka nagugutom? Teka, bili tayo dyan sa tapat! Wait." dahan-dahan syang tumigil magmaneho at pi-nark ang kotse nya sa labasan ng isang bakeshop. "Ikukuha kita ng makakain." sabi nya agad at lumabas. Nagbuntong hininga ako.
Tiningnan ko syang sinesinyasan ang dalawang van na mauna na kaya sinunod nila ito at nilagpasan kame.
Ilang minuto pa ay lumabas ito na may dalawang bitbit na supot. Nagmamadali sya masyado habang palapit.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
Beletrie"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘