"Welcome to my room na room na din natin!" tili ni Mex pagkatapos akong pagbuksan sa isang malamig at malawak na kwarto nya.
Humanga ako sa kulay nyang puro pink. May malalaking manika sa kama nyang kulay pink rin. May malaking salamin din at may dalawang pintong nakikita ko.
"The bed is big. Kasya naman tayo. My walk and closet is there." sabay turo sa isang pinto kanina na tinutukoy ko. "Put all your cloths there. And you can drop your cosmetics here too." at lumapit sya sa malaking salamin kung saan doon nakalagay ang mga pagpaganda nya.
"Wala akong mga cosmetics." sabay iling ko. Gulat nya akong nilingonan tapos ay nangungutyang naupo sa malambot na kama nya.
"Are you kidding me?" tinawanan ko sya at muling nilibot ang tingin sa kwarto nya.
"Ang ganda ng kwarto mo."
"Of course! Hehehe. I love my room! Si kuya ang gumawa dito while I was the designer." hindi na ako nagulat roon.
Si Raxiel ay engineering graduating. Kahit na education ang pinag-aaralan ni Mex, gusto nya pa ring maging designer. At hindi sya nagsisinungaling kung sasabihin nyang maganda ang pagkakadisenyo. May talento nga sya. At sa ganito kaganda, pwede nga syang maging designer.
"Ipagpatuloy mo kaya ang gusto mo? Iyong maging designer. Gusto kong makita na may mag natapos ka sa ibang bansa." ngiti ko. Paglingon ko sakanya ay ngiting-ngiti ito saaken na naluluha.
"I love you more becuase you said that." seryoso nyang sambit. "Ang sarap na may ate na ganito. Supporting my weird ideas." nginiwian ko sya at naupo sa tabi nya. Sa kama.
"Walang weird na pangarap. Lahat iyon ay inspirasyon, Mexiel. Ginagawang inspirasyon ang lahat ng pangarap. Dahil iyon ang magtutulak sayong gawin iyon." natawa ako ng hawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.
"Will you help me to reach that?" tumango ako at humawak rin sa kamay nya.
"Tutulong ako kahit hindi mo hingiin saaken. Ate mo ako. Paparte ako sa lahat ng tungkol sa buhay mo." yumakap ito bigla saaken. Tinggap ko iyon at sinuklian.
Ramdam na ramdam ko ang pagiging ate kahit sa ganitong pagpapangako. Pakiramdam ko buong buo ang pagkatao ko dahil may obligasyon na ako sa isang pamilya. Hindi lang ang dating pangarap na gusto kong maabot para sa sarili ko. Kasali na ngayon ang maabot nila ang pangarap nila sa buhay.
"Really? Nagluluto ka sainyo?"
"Oo. Pero madalas si nanay dahil lage akong nasa eskwelahan. Pero pagwala ako sa eskwelahan, ako ang madalas magluto dahil wala si nanay. Nasa palengke. Nagtatrabaho." sagot ko habang hinahalo ang adobo.
Tumawag si Dean na darating daw sya para bumisita lalo pa't nalaman nya na lumipat ako dito sa bahay. Nasa Manila sya at ngayon ay pauwe na rito kaya nag-volunteer akong magluto.
"I wish I could learn too." naramdaman ko sa boses nya ang pagnguso na naman nya.
Nasa gilid ko lang sya. Ayaw nyang alisin ang paningin sa hinahalo ko. Dahil tulad ng sabi nya, gustong-gusto rin nyang matuto.
"Mabilis lang naman. Pwede kitang turuan pag wala akong klase."
"Really!? Yes! Ipagluluto ko rin si Love. Hindi nya kasi ako hinahayaang magluto. Baka raw makasunog ako ng kusina. Hahaha." tumawa rin ako pero hindi iyon kasingsaya ng katulad ng sakanya.
"Ano bang paborito nya para maturo ko sayo ngayon?"
"Talaga, sis!? Oh my god! Sige. Sige. I'll ask him." napakunot ang noo ko habang sya ay kinuha ang cellphone sa bulsa nya.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘