Chapter 41

18 3 0
                                    

Nang dumating ang pasukan, sinundo muli ako ni Lance. Sa gulat ko dahil naaalala nyang driver ko sya ay halos di mawala ang ngiti ko habang nasa kotse kame.

"You smiled a lot, babe."

"Wala lang. Masaya lang akong sinundo mo parin ako."

"Of course. Susunduin talaga kita. I'm your driver, right? Wala nga lang sweldo." nagtawanan kame.

"Salamat sa pagsundo-sundo saaken, ah." seryoso kong sambit habang nakangiti sakanya.

"Tss. This is nothing."

"Wala ka namang ibang intensyon diba?" ngiti ko. Nang-aasar. Nilipat nya ang tingin saaken mula sa daan habang nakangiti.

"I love to think that." sinapak ko sya habang wagas naman syang tumatawa. "Easy. Hindi na." maluwag akong napangiti. "Magpapaalam mo na ako kay dad mo." sa gulat ko ay sinabunutan ko na sya. "Ouch! That's hurt!" ngiwi nya habang tatawa-tawa.

"Tumahimik ka, ah." banta ko at naupo ng tuwid. Naririnig ko pa rin ang hagikhik nya sa gilid ko. Nilingunan ko sya pero mabilis syang sumeseryoso. Parang bata. Si Marco ba 'to?

Pagkarating sa school ay pinauna nya ako dahil pinapasundo ni Barreen si Neerrah. May importante daw syang pinuntahan kaya hindi nya maihahatid ang kapatid. Natawa ako roon dahil talagang tinrato ng lahat si Lance bilang driver. Haha.

"Cheap! And social climber." natigil ako nang iyon ang una kong narinig pagkabukas ko pa lang ng pinto. Hinanap ko ang pinanggagalingan 'nun at mabilis na tumaas ang kilay ko ng makitang lahat sila ay nakatingin saaken.

"She was our freshmen representative in brain. We talked to good about her but she just lied to us! Cheap!"

"Dapat pinapaalis sya rito."

"What a liar."

Masama silang nakatitig saaken. Nangamba agad ako at mabilis na humakbang paalis ng walang tingin. Dumiretso ako sa classroom namin at halos napaantras ako ng makitang masama silang lahat na nakatingin saaken. Mabilis na umismid at nagsi-irap. Tinalikuran ako at nagbulu-bulungan.

Naupo akong nanginginig ang tuhod ko. Para akong lutang na nilapag ang bag ko sa lamesa ko. Ramdam ko mula sa pwesto ko ang mainit nilang tingin kahit sa likod ko.

"Dapat paalisin na sya dito." rinig kong sambit sa likod ko.

Madiin akong pumikit at itinuon ang lahat ng atensyon ko sa libro ko. Nakarating ang prof. namin at doon lamang natigil ang bulungan ng lahat.

Sa kalagitnaan ng discussion ay tinawag ako para sumagot. Nangsinghapan ang mga kaklase ko. Hindi iyon napansin ng prof. namin. Sinagot ko ang tanong nya ng walang lingon kahit sobrang kaba ko hindi dahil sa wala akong maisagot kundi dahil sa mga kaklase kong masama ang tingin saaken.

"Very good, Ms. Apran. Your such a genius. You studied well at home." compliment ng guro namin. Hindi ko iyon nagawang suklian at naupo ng walang imik habang kasalungat ng reaksyon ng mga kaklase ko.

Nang marinig ko ang bell hudyat na break ay mabilis kong tinipon ang mga gamit ko. Tatayo pa lamang ako ng may nagsidatingang mga senior namin. Magaganda silang lahat at may kanya-kanyang dating. Lima silang lahat. Matatangkad pero mukhang magkasing-tangkad lang kame.

Diretso nilang tinungo ang lamesa ko na parang kakainin akong buhay. Napaupo ako ng tuwid at hinawakan ng mahigpit ang bag ko.

"You really have the guts to show your face, huh?" sabi ng nasa gitna nila. Kulot ang buhok nya sa ibaba.

"Anong pinagsasabi nyo?"

Mapapaaway talaga ako? Ayist.

Tumawa sila at padabong na hinampas ang kamay sa lamesa ko ang nasa gitna nila. Hindi ko iyon kinagulat. Hindi ko iniwas ang mata ko sakanya habang naggagalahati sya sa galit.

The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon