AMANDA
"Ms. Apran, tinatawag ka ni Ms. Tayag sa office nya." sigaw mula sa labas ng classroom namin. Napatingin ang lahat ng kaklase ko saaken at biglang natahimik.
Tumayo ako at di pinansin ang tinginan at bulungan nila. Aware na ako sa mga nakapaligid saaken. Minsan, kahit kaunting galaw ko pinagmamasdan nila.
Pagkarating ko sa office ng Prof. namin, kumatok muna ako sa pinto bago ko iyon buksan. Sumalubong saaken ang malamig at malawak na opisina niya. Kulay puti ang karamihan na kulay sa paligid at puro mamahalin ang laman.
"Ms. Apran." naipako ko ang tingin ko sa isang pinto sa gilid ko. Mukhang banyo iyon at doon lumabas si Ms. Tayag.
"Pinatawag nyo po ako."
"Sit down first, Amanda. May kakausap sayo. Paparating na iyon." tsaka naupo sa mamahaling upuan nya kaharap ang glass na table nya. May pangalang nakadisplay sa harap ko patunay na pag-aari nya ang opisina.
"Sino?" agad na tumaas ang kilay nya dahil sa tono ng boses ko. "Nag-aaral po ako nung tinawag nyo ako. May karapatan siguro po ako na magtanong sa biglaang pagtawag nyo saaken diba?"
Sumandal ito sa upuan nya habang pinagmamasdan ang pwesto ko. Inalis nya ang suot na salamin at doon ko lamang napagtitigan ang matalas na tingin nya saaken.
"You have a harp tongue, Amanda. I wonder what's within that mouth. A fresh girl college like you should be deposit at disciplinary room. Iyong tatanda ka." nangisi ako bigla sa turan nya.
Nagpapatawa ba sya? Anong ginawa ko? Mali ba ang sinabi ko.
"Talaga? Hindi mo siguro naranasang mapasok doon dahil hanggang ngayong matanda ka, ganyan ka parin." lumikha ng ingay ang pagtayo nya bigla at nanliliksik na tinitigan ako.
Iyon lang namumula kana? Tss.
"Don't try me, ms. Apran. I won't tolerate your attitude here in this Zalfredo's School!" sisigaw pa sana ulit ito ng marinig namin ang pagkatok ng pinto sa likod ko. Agad na tinakbo iyon ni Ms. Tayag at binuksan. "Mr. Dean Chairman! Good afternoon!"
Ano?!
"Come in, Dean." rinig ko ang pagbukas ng pinto pero di ko man lang iyon natapunan ng tingin kahit na pagsilip man lang. "Ms. Apran! Give some respect here."
"So, this is Ms. Amanda?"
Mabilis na nag-init ang ulo ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa inis ko. Hindi ako nakapaghanda!
"Take your seat, eha. I'm sorry for this sudden meeting with you." sambit ng dean habang paupo sa single large couch habang inaalalayan sya ni Ms. Tayag.
"Ms. Apran." basag ulit ng guro ko.
Nagtitimpi akong naglakad patungo roon at naupo ng sa harapan ng may katandaang sopistikadong lalake. Maputi at kahit matanda man ay makinis at maganda ang kutis nya. Maraming palamuti at matigas ang anyo ng mukha nya. Napansin ko ang nakatayong tungkod nya sa gilid nya pati ang nakapatong na salamin sa harap namin.
"I bet, you already know me." kaswal na pahayag nya. Strikto pero kalmado.
Umiling ako dahil hindi ko makayang ibuka ang bibig ko kahit ang kaunting pag-iwas man lang ng tingin sakanya.
Nagulat ako pero hindi ko iyon pinakita ng bigla itong tumawa ng malakas. Kita ko sa gilid namin ang gulat ni Ms. Tayag pero hindi ako nagreact roon. Nanatili akong nakatitig sa mapusturang matanda sa harap ko.
"Really? Dapat na pala akong magpakilala sayo. Ngayon lang din kasi ako nagpakita dito kaya imposibleng makita mo rin ako. Pasinsya na, eha." nangunot ang noo ko. Hindi dahil sa turan nya kundi dahil sa pagtawag nya ng eha.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘