Walang gana kung nilunok ang sinubo kong kanin sa bibig ko. Wala akong malasahan sa masasarap na nakahanda ngayon sa harap ko. Hinatid ito kanina ni Rax galing sa handaan nila sa baba at hindi na nagtanong. Mukhang basa na nya ang nararamdaman ko.
Masaya ako't nakita ko si Mexiel. Pero nawawala ang saya ko sa tuwing naiisip ko na alam kung may kapalit ang pagbalik nya.
Masyadong komplikado ang sa pagitan naming dalawa ni Xyzoe. Kulang nalang ay bawal kameng magtagpo dahil makasalanan iyon. Sa mata ng kahit na sino.
Nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising lang ng maramdaman kung may nakayakap kanina pa mula sa likod ko. Mabigat iyon at mainit sa katawan. Sa takot ko kung sino ay dahan-dahan ang paglingon ko. At hindi na nagulat ng mabungaran ang mukha ni Xyzoe na tulog na tulog habang nakasandal ang ulo nya sa balikat ko.
Napangiti ako lulan ang lungkot sa loob ko. Umiyak sya kanina. Sinaktan ko ulit pero andito parin sya sa tabi ko. Bumabalik dahil iyon ang gusto nya. Pero...
Mali ang lahat ng tagpo namin. Iyon alam mong malaking gulo ang dulot nito sa lahat. At ayaw ko ng ganoon. Ayaw kong matulad kay nanay.
Wala akong masasaktan. Walang magagalit. Walang magkakasakit. Walang mamamatay. Iiwasan ko ang lahat ng iyon. Sa kahit anong paraan.
Nagising muli ako kinaumagahan dahil sa malakas na pagring ng cellphone ko. Walang Xyzoe'ng sa tabi ko na kinaginhawa ko ng maluwag at kasabay roon ang kabiguan.
"Hello?"
"Good morning, Sister!" napakurap ako at napatingin sa cellphone ko. Unregister number.
"M-mexiel. Good morning din."
"Naisturbo ba kita? Xyzoe said you are still sleeping kaya hindi na daw kita tatawagan. If I know, gusto lang nya na kasama ako alone." sabay bungisngis nya.
Napalunok ako.
"I'm here at the ground floor. Let's breakfast like what you've promise last night." napapikit agad ako. Oo nga pala.
"Sige. Maliligo lang ako."
"Yeahey! We'll wait." tapos ay mabilis na pinatay ang tawag.
We?
Napabuntong-hininga ako at nagmartsa na papuntang banyo. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng short short at isang sweater. Nag tsinelas lang ako at dinala ang cellphone ko. Pagkarating ko sa baba ay dumiretso ako sa kainan dito. Pumasok ako roon at agad na nilibot ang tingin sa paligid para hanapin sya.
"Sis!" ngumiti ako ng makita syang tumayo pa nang matawag ako. Wala syang kasama. Lihim akong nagpasalamat roon.
Naupo ako sa harap nya habang nakatingin sa pagkaing nasa harap ko.
Walang kape. Hindi pa naman ako sanay na walang kape sa umaga.
"What else do you want? Nag-order na ako while waiting for you. Wala kabang idadagdag? We can add more." ngiti nya. Umiling ako at ngumiti. Pinasadaan ko ulit ang mga pagkain at napansin ang tatlong platong walang laman ang nakalabag sa gitna ng mga pagkain. Inabot nya ang isa at nilapag sa harap ko. Pati ang kutsara at tinidor.
"Salamat."
"It's nothing. Your my older sister. I have to served you as my respect and fulfillment for living without you." napatitig ako sakanya.
Para syang si Raxiel. Sobrang bait at malambing. Maswerte si Xyzoe sakanya. Sayang kung saaken lang mapupunta na walng ginawa kundi ang saktan sya. Ang ganitong mga tao ay hindi dapat sinasaktan.
"K-kamusta pala ang pag-aaral sa abroad?" pagbubukas ko ng bagong usapan. Ngumuso sya na parang biglang nawalan ng gana.
"You shouldn't asked that to me. I am so burden stuying there! Imagine? I was there to be with Xyzoe and see? Dito lang din pala sya mag-aaral. I can't even complained because it's for the sake of the business. Naiwan lang akong kagat ang pasinsya ko roon." ngiwi nya. "Dad was so strict too. He's sick and I won't dare to do something to hurt him." ngiti nya ulit.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Amanda(ZGSP's Clan)
General Fiction"This story will make you realize that love is not pemanent but it can be change if the real love came." XYZOE and AMANDA's troubleshooting love story. Love Lots!😘